CHAPTER 26

12.8K 523 197
                                    

Collosus' POV

Kanina ko pa nahuhuling pasulyap-sulyap si Ashton kay Mixhee. Napapatulala pa siya kapag tumatawa ito. I know he likes her, kahit hindi niya pa sabihin, kaya ganun na lang akong napapairap sa tuwing inaatake siya ng katorpehan niya. Bakit ba hindi na lang niya diretsuhin si Mixhee?

"I'm no heart donor but I'm willing to give you my heart," sabi ni Ashton na ikinapamilog ng mga mata ko.

Titig na titig pa siya kay Mixhee nang sabihin niya iyon. Si Mixhee naman ay parang na-caught off guard kay Ashton. Damn, maski ako ay nabigla roon!

"Tss. Nabasa ko na yan sa Facebook eh," Clint murmured.

Tsk, isa pa itong si Clint eh. Kung ano ang ikinatorpe ni Ashton, iyon naman ang ikinakapal ng mukha niya.

"Ang lalim nun ah," sabi ni Mixhee habang nakaawang ang kanyang bibig, "May pinanghuhugutan ka noh? Ayieee."

Napabungisngis si Mixhee habang sinundot-sundot niya ang pisngi ni Ashton. Napansin kong namula ang tenga ni bro dahil sa ginawa ng babaeng lihim na nagugustuhan niya. Ako naman ay nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Sino ba kasi ang hindi maka-captivate o kikiligin sa gummy smile ni Mixhee?

"A-auhh I-I . . ." Ashton stuttered. Napangisi tuloy ako nang makita kong mas namula ang tenga niya.

Anak ng tokwa naman yang lihim na pagtingin ni Ashton kay Mixhee. Ilang beses ko na siyang nahuling nagnanakaw ng tingin kay Mixhee eh. Napansin ko ngang simula nang malipat sa section namin si Mix, himalang nakakangiti na itong masungit kong kaibigan.

Napatulala ako kay Mixhee na bungisngis pa rin ng bungisngis dahil naaasar na niya si Ashton sa kaa-ayieee niya.

Hindi naman panget si Mixhee eh. Ewan ko ba sa mga estudyanteng naiinis sa kanya. She is charming. Hindi lang siya palaayos pero nakasisiguro akong maganda siya. Ang cute niya especially when she giggles, halos mawala kasi ang mga mata niya kapag ngumingiti o tumatawa siya. She is simple yet admirable. Ano na lang kaya kapag maayusan pa siya? There's a million reasons to like her. No wonder I am also attracted to her.

"Ayieee, si Ashton ang lalim ng hugot! Ayiiee!" sinundot-sundot ulit ni Mixhee si Ashton sa pisngi.

She's so adorable.

"Stop it," he annoyingly retorted.

"Tss, gwapo nga pero masungit naman," bulong ni Mixhee though pinaparinggan niya talaga siya.

Inirapan lang ni Ashton si Mixhee pero anak ng tokwa, nahuli ko siyang palihim na ngumiti.

I smirked.

I also like Mixhee, I already admitted that to her but I am not giving her pressure. Hindi ko siya pinipilit na gustuhin niya rin ako. Basta ang mahalaga, nasabi ko na itong nararamdaman ko sa kanya. Me, Clint, and Ashton likes the same girl. Bahala na lang 'tong lalakeng ito kung hindi pa siya kikilos. Talo ang torpe. Ika nga nila 'the early bird catches the worm' pa naman.


Mixhee's POV

"Ayiee, si Ashton ang lalim ng hugot! Ayiiee!" asar ko.

Kanina ko pa inaasar si Ashton pero irap lang ang inaabot ko. Hmp. Di mabiro.

"Stop it."

"Tss, gwapo nga pero masungit naman," pagpaparinig ko.

*pok*

"Aray!"

Agad akong napahimas sa noo ko nang pitikin ni Ashton ang parteng iyon

Nerd in Section ANGASNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ