CHAPTER 34

11.6K 523 235
                                    

Hindi ko maiwasang mapaisip sa kung ano ang gustong sabihin ni Aki sa akin lalo na't kung bakit kailangang sa rooftop pa kami ng school mag-usap. Rineplyan ko si Aki at pumayag naman ako pero mahuli ko si Ashton na pasimpleng sumisilip sa cellphone ko.

"Tsismoso?" I raised my eyebrow.

"Tss. Sino yang ka-text mo?" irap niya.

"None of your business," ngiti kong mas nakapagpalukot ng kanyang mukha.

Tumikhim si Chairman Frost habang inaayos ang kanyang necktie kaya naagaw niya ang atensyon naming dalawa.

"Ang totoo niyan hija, may nakalaan na talagang ibang babae sa apo kong si Ashton," napabuntong-hininga si Chairman Frost, "Matagal ko ng plano na ipagkasundo itong apo ko sa anak ng matalik kong kaibigan."

Nagkatinginan kami ni Ashton at para bang kinabahan kami sa sinabi ng kanyang lolo.

"Pero dahil mukhang nagmamahalan naman kayong dalawa, wala akong dahilan para tutulan ang relasyon na meron kayo," dagdag niya, "At isa pa, napakaespesyal mo hija dahil ikaw ang unang babaeng pinakilala sa akin ng apo ko bilang girlfriend niya."

Sabay kaming nakahinga nang maluwag ni Ashton. Akala ko naman, itutuloy pa rin ni Chairman Frost ang arranged marriage ng apo niya.

"Hija, please take good care of my only grandson. Kahit madalas magsungit yang si Ashton, mahalin mo pa rin siya ha."

"Opo," ngiti ko.

"Ikaw naman apo," bahagyang pinalo ni Chairman Frost si Ashton ng kanyang baston.

"Ouch! Grandpa naman!" ismid ni Ashton habang napapahimas sa kanyang ulo.

"Hindi ko alam kung ano ang kulang sa pagpapalaki ko sa'yo. Hindi ko ba naturo sa'yo ang tamang panliligaw? Isa pa, wag na wag kang magpapaiyak ng babae," sabi ni chairman, "Ija, sabihin mo lang sa akin kung magloko itong apo ko dahil ako mismo ang magpapaluhod sa kanya sa asin."

"Opo," I chuckled.

Pagkatapos naming mag-dinner, pinasyal ako ni Chairman Frost sa buong mansion nila habang nagkwekwento siya ng kanyang buhay. Nabanggit nga niyang siya na raw talaga ang nag-alaga kay Ashton simula pagkabata at talagang mahilig ng sumimangot si Ashton noon pa man.

"He really wants to embarrass me," bulong ni Ashton nang makwento ng kanyang lolo kung paano siya magtatakbo noong magpapatuli siya.

"Pfft. Takot ka palang magpatuli ha," pagpipigil ko sa pagtawa.




*pok*




"Aray!" natigilan ako at napahimas sa aking noo nang pitikin iyon ni Ashton.

"Pfft!"

Sinamaan ko siya ng tingin at hindi ako nagdalawang isip na gumanti ng pitik sa noo.




*pok*




"Ouch!" daing niya pero agad din siyang gumanti.




*pok*




"Aray! Ano ba? Tumigil ka nga," irap ko.




*pok*


"No, you stop first."




*pok*




"Ikaw muna!"




Nerd in Section ANGASWhere stories live. Discover now