Lie #8: Ticklish moment

128K 2K 52
                                    

"Bakit ka nandito? May kasama ka ba?" naghiwalay na kami sa pagkakayakap. Nagtataka siya siguro bakit ako nandito kaya napatanong siya


"Ah oo. Si Robie. Umalis lang siya sandali para bumili ng pagkain ko"


"Wala kang baon?"


"Meron pero kinuha niya" natatawang sagot ko nang maalala ko yung reaksyon ni Robie kanina nung makita niya yung adobong sitaw

Nanahimik naman si Derick. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi maganda dahil nagbago ang timpla ng mukha niya.


"Erica, kung sasabihin ko bang layuan mo siya, lalayo ka?" hindi ko tinago ang pagtataka sa sinabi niya. Eto na naman siya..


"Bakit naman?"


"Just answer my question"


"Kaibigan ko siya. Parang ikaw at si Nico"


Tumingala siya at huminga ng malalim. Pagtapos ay tinignan ulit ako. In a frustrated manner. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Siguro natatakot siya sa magiging reaksyon ko.

Hindi ko alam. Pero sa tingin ko may isyu talaga sa pagitan nilang dalawa ni Robie. Patunay yung gabi nun sa restaurant nang mag away sila.

"I never and will never take advantage of her you son of a bitch! It was the rule of the game at wala akong kasalanan dun! Eh ikaw? Bakit all of a sudden bigla mong yayayain si Erica sa isang date? Wag na tayo magpakagago dito! We both know why!" yun yung eksaktong sinabi niya


"Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin. Erica, ginagamit ka lang niya. Think about it" with that, he walked away. Tinatawag ko siya pero hindi lumilingon. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Sa paanong paraan ako ginagamit ni Robie? Ang labo naman niya.


"Hey sinong tinatawag mo dyan?" nandyan na pala si Robie. May dala siyang paperbag at nilapag yun sa bench "At kanino galing ang baboy na yan?"


"Ugh wala.. Sa classmate ko" I half lied at tinignan yung paperbag. May lamang lasagna at tatlong slice ng pizza yun.

Nagsimula na siyang kumain. Ganun din ako. Nakakatuwa lang na magkasabay kami kumakain ngayon. Mayaman siya. Sanay sa mga mamahaling pagkain. Pero naglaan ng oras para sakin ngayon. Medyo masarap ma fall sa mga ganitong lalaki.


"Robie.." tawag ko sa kanya


"Hmmm" he answered nang hindi inaalis ang tingin sa kinakain


"May hindi magandang hangin sa pagitan niyo ni Derick. Pwede ko bang malaman kung ano yun?"

Nabitin ang akma niyang pagsubo at tumingin sakin. Pabalya niyang ibinaba yung kubyertos sa pagtataka ko.


"Pati ba naman ikaw tinatanong sakin yan?" he growled. Napaatras naman ako sa kinauupuan ko dahil sa takot


"Im just curious"


"Can you stop prying about what's going on between us?! Sa amin na lang dalawa yun. Wala kang pakiilam!" he snapped at tumayo para umalis. Hindi naman na ako nakapagsalita dahil sa gulat. Ano nangyari sa kanya?

Hindi na siguro mahalaga yun. Wala na akong pakiilam kung sagutin man niya o hindi ang tanong ko. Niligpit ko na lang yung pinagkainan namin. Hindi niya naubos yung ulam kaya tinakpan ko na lang ulit at nilagay sa bag ko.

Gusto ko sana tawagan si Derick pero wala nga pala akong number niya. Kaya naglakad na lang ako paakyat sa private room niya at baka sakaling nandoon siya.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now