Kabanata 20

3.4K 69 4
                                    

AFTER 8 YEARS ....

Norilyn's

Ilang taon na ang nakalilipas at maayos naman ang lahat. Wala ni-sino man ang nagtatangkang kumalaban sa tribo namin.

Nag karon na din kami ng maraming kakampi at naging tagapag tanggol kami ni Four ng ibat ibang tribo. Kinikilala nila kami bilang pinuno pero ... ayokong maging ganun. Hindi naman ako isang leader e. Nanatiling mababa ang posisyon namin ni Four at ayaw na naming higitan pa yun.

Well ... satisfied na ko sa kung anong meron ako ngayon.

"Handa kana ba, apo?" napalingon naman ako kay Lola Imelda na kakarating lang. Ngumiti ako saka tumango. Tinabihan naman ako ni lola sa upuan saka humarap sa salamin.

"Kamuka mo ang nanay mo" masayang banggit nito. Napatawa naman ako. Si lola talaga ...

"Maraming salamat po lola"

"Salamat saan?"

"Kasi po sinuportahan nyo po ako nung nasa mundo palang tayo ng mga tao. Tsaka ... inalagaan nyo po ako kahit hindi ko kayo kapamilya---" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Hwag mong sabihin yan, apo. Pamilya na kita" hindi ko mapigilang hindi umiyak. After all, minahal ako ni lola Imelda ng parang tunay nyang apo pero hindi naman nya ako kaano ano.

Niyakap nya ako ng mahigpit. Ganun din naman ang ginawa ko. "Hwag kang umiyak, apo. Papangit ka" pinahid nya ang mga luha ko.

Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat umiyak ...

Mahalagang araw to para sakin. Kaylangan kong maging maayos. Nagulat kami ni lola ng biglang may pumasok sa pintuan.

"Wizard?" si Ichi pala. Ang organizer namin.

"Ichi? May problema ba?" Umiling naman sya pero nakatingin parin sa hawak nyang mga papel.

"Ready na po tayo sa labas. Tara napo" saka sya lumabas. Ang weird talaga ng babae na yon! Ewan ko ba kay Four kung san nya nakita yun.

Inakay naman ako ni Lola Imelda palabas. Huminga ako ng malalim bago humakbang. Wala nang atrasan to.

-------------------------
Four's

I tried not to flicker my eyes but f*ck! She's so adorable. Walking by the asle (tama ba?) with grandma---Well, lola Imelda is already my grandma too now.

Now Playing "Tagpuan" by Moira De Torre

Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakit ...

I can help but cry. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na kami ngayon... Well hindi nga lang sa simbahan kase baka mamatay kami ng wala sa oras. Haha

Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit di sya lumaban kahit konti?
Bakit di maitama ang tadhana?

Gosh! Ano bang meron sa kanta at naiiyak ako?? Habang naglalakad si Norilyn ay nakatitig lang ako sa kanya. Bawat hakbang nya ay sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ng malapit na sya sakin ay bigla syang ngumiti.

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo,
Nung ako'y tinuro mo
isa ang panalangin ko

Bago ko kunin ang kamay nya ay nag mano muna ako kay lola Imelda. Bumulong pa nga ito sakin na hwag ko daw papabayaan si Norilyn at yari daw ako sa kanya. Tumango nalang ako saka kinuha ang kamay ng babaeng mahal ko.

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now