Kabanata 17

1.8K 47 0
                                    

Norilyn's

Mabilis kaming kumilos at pinaalis namin ang ibang mga kakampi naming bampira na nasugatan at nasaktan sa unang laban. Ngayon ay nandito ang mga Nosferatu at hindi namin to inaasahan!

Hindi ito kasama sa plano namin!

"Benji! Ilikas mo ang iba pang Sanguine Vampires! Dalin sila sa bahay ni Homerab!" tumango agad si Benji at sinunod ang inutos ko.

"AAAHHHH!!!" rinig kong sigaw ng ibang mga Sanguine Vampires na nakikipag laban. Nagulat ako ng biglang may tumalon na Nosferatu sa harapan ko.

"Hi Wizard" Iginalaw ko kaagad ang kamay ko at naglabas ito ng malakas na hangin. Tinangay ang ibang mga kalaban at tumama sila sa pader.

Agad akong tumakbo... Teka! Nasan nga pala si Mike!?

Nasan si Mike!!?? Hindi ko sya nakita kanina! Hindi ko na rin napansin ang mga Guardians dahil hinahanap ko si Mike. Ng makarating ako sa likod ng lugar ng mga Malkavians ay nahagip ng mata ko si Mike na nasa itaas ng isang bahay. Anong ginagawa nya don!?

"Mikeee!!!" ng makita nya ko ay agad syang tumakbo papalayo. Sobrang bilis nya tumakbo pero hindi ako nagpadaig. Mas mabilis ako sa kanya kaya naabutan ko sya. Hinawakan ko sya sa braso at pinatigil.

Nakita kong may lungkot sa mga mata nya pero nag flicker agad ito at naging anger.

"Pabayaan mo na ko, Wizard" Seryoso nyang sabi. Pero hinde! May panahon pa para magbago sya!

"Hindi Mike! Pwede ka pang magbago! Tatanggapin kapa ng mga Guardian----" he cut me up.

"Tingin mo ba, tatanggapin pa nila ko matapos nung nangyare!?" napatahimik ako.

"M-Mike"

"Hindi ko ginustong maging anak ng isang kalaban! kaya pabayaan mo nalang ako!!" hinawakan ko sya sa braso pero nagulat ako ng bigla nya akong hapitin kaya nalaglag ako pababa sa bahay.

Arayy!

Sinundan naman nya ako. Naging kulay itim ang mga mata ni Mike at tila ba galit na galit sya.

"Akala mo ba nakalimutan ko na?" tumawa sya. hindi parin ako makatayo dahil sobrang sakit ng pwet ko dahil sa pagkakalaglag.

"Pinatay mo nga pala ang tatay ko" agad nya akong sinugod kaya napaiwas ako. Ayokong gawin to! Kaibigan ko sya!

"Tinuring ka naming kaibigan, Mike"

"You will never be my friend" nakangisi nyang sabi. All this time, tinatraydor nya lang kami!?

"B-Bakit mo ginawa yun, Mike?" tanong ko na ikinawala ng ngisi sa kanyang mukha.

"Dahil isa akong Malkavian" agad nyang inilabas ang dagger nya pero hindi ako nagpasindak. Inunahan ko sya at sinabuyan sya ng maraming bloke ng yelo. Tinamaan sya nito pero nagulat ako na sa isang iglap lang ay nasa kanya na ang espadang hawak ko.

Pano nya nagawa yun!? Tinutukan nya ako ng espada kaya napaatras ako. Hindi ko maigalaw ang nga kamay ko kaya hindi ko alam kung pano ako lalaban sa kanya hanggang sa matisod ako at mapahiga sa lupa.

"Sa tatay ko to! At ito ang papatay sayo!" akmang sasaksakin na nya ako ng biglang humarang si Travis.

"HINDEEEEEE!!!!!!!!" agad na may tumulong dugo mula sa likod ni Travis. hindee!! Hindi to pwede!!

Agad kong ipinukol sa kanya ang kamay ko, bigla nalang syang tinubuan ng ugat sa katawan at unyi unting naging puno na maraming ugat.

Nilapitan ko agad si Travis na ngayon ay bumubuga ng dugo. "T-Travis naman e... Bakit mo ginawa yun?" maluha luha kong tanong. Pilit kong isinandal si Travis sa isang puno na malapit samin.

The Wizard Vampire (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora