Kabanata 13

2K 50 0
                                    

Norilyn's

San nanaman ba nyako dadalin? Ngayon ay hatak hatak ni Travis ang braso ko. Hatak lang ba? E parang kinakaladkad na nya ko e. Tss

"San ba tayo pupunta?" tanong ko dahil napansin kong binabaybay namin ang daan papalabas ng lugar ng mga Psi-Vampires.

"F*ck! Ano ba to!?? Andaming makakating damo!" reklamo ko. E kase dumidikit sa kanang braso ko yung mga damong makakati, ano ba tawag dun?

"Basta ... maghintay ka nalang. And stop cussing or I'll kiss you" I was stunned. Anong sinabi nya? Ikikiss nya daw a-ako?

Tinahimik ko nalang ang sarili ko dahil baka halikan pako ng halimaw na to -_-

Makalipas ang ilang oras na lakaran ay nakarating na din kame sa I dont know what's this place. Napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang pagod. Hindi ba sya napapagod? Pwede naman kasi kaming tumakbo at gamitin yung bilis namin sa paglalakad pero mas pinili nyang maglakad ng parang normal. Kainis!

"Water?" inabot ko naman ang tubig na ibinibigay nya. Nagulat ako dahil pagkabalik ko sa kanya ng tubig ay ininuman nya din ito.

0_0 -my face

>,< -his face

"Problema mo?" tanong nya. Napailing ako ng wala sa oras. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa ginawa nya!

"Stop blushing infront of me, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko" tawang tawa nyang sabi. Nakakainis sya! Tinalikuran ko sya saka naglakad sa------

Whoa!!!

Angganda ng place! Hindi ako makapaniwalang nasa itaas kami ng bundok! Parang nung nakaraang araw lang e tinitignan ko lang yung tuktok nitong bundok, pero ngayon nandito na ako sa taas! Ohmmyyyyy!!!

Lola Imelda! Sana nandito ka para makita mo rin kung gano kaganda dito sa itaas.

"Maganda diba?" sabi ni Travis mula sa liluran ko. Nilingon ko sya habang may ngiti sa labi. I can feel a tear coming down from my eyes. Agad syang nagpanic.

"Oh baket? M-May masakit ba sayo? Napano ka? H-Hindi mo ba nagustuhan?? P-Pwede naman tayong bumalik nalang-----" pinutol ko ang pananalita nya at niyakap sya. Masaya ako dahil nandito si Travis kaya hindi ko gaanong naaalala si Four.

Napangiti ako ng maramdaman ang mga haplos ni Travis sa likuran ko.

"Thank you Travis. Angganda sa lugar na to" bigkas ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

"Deserve mong makakita ng ganito kagandang lugar Norilyn" lumayo ako sa kanya ng kaunti at tinignan sya sa mga mata.

"Alam mo ba? Sabi ni Four sakin noon .... Gusto nyang dalin ang babaeng pinakamamahal nya dito sa itaas ng bundok" masaya nyang banggit. Kumunot ang noo ko. Bakit nya sinasabi ang mga ito?

Alam ko at ramdam kong may nararamdaman na sakin si Travis pero ayokong isipin nya na ginagawa ko syang panakip butas sa pagkawala ni Four.

"A-Ano bang sinasabi mo?" nalilito kong tanong pero ngumiti lang sya. Napaka weird talaga netong si Travis. Minsan talaga diko nalang sya maintindihan e.

Napabalikwas ako ng biglang nay tumalon papalapit samin.

"AAAAHHHHHH!!!!!!" pilit akong nagpabuhat kay Travis. Yaaaakkk!!! Mama help me!!

"A-Ah, ano bang nangyayari sayo!" tanong nya pero nag pabuhat parin ako. Binuhat naman nya ako ng parang pa-bridal. Gosh! Nakakahiya! Gusto ko nang makalayo dito.

"I-Ilayo mo sakin yang unknown ugly creature na yann!!! Pleaseee Travis!!" mangiyak ngiyak kong sabi habang pilit syang pinalalayo. Kadirriiii!! Bakit hanggang dito may palaka!?

Feeling ko napakapula na ng mukha ko sa sobrang hiya. Gggrrrrrrrrr!!

"What ugly creature? The frog?" tumango ako. I hate frogs! Napanguso ako saka tumango. Ayoko talaga sa palakaaaaaaaaa

Nakunot ang noo ko. Seryoso lang syang nakatingin sakin. "What?" tanong ko. Nagulat ako ng bigla syang humalakhak. Lah?

Baliw lang? Napairap ako saka bumaba sa pagkakabuhat nya. Bahala nga sya! Ngayon nya pa talaga naisip mang asar ha?

Tumakbo ako papalayo, tinahak ko yung dinaanan namin kanina. Narinig kong sumigaw si Travis pero hindi ko sya pinansin. Bahala nga sya!

Nakabusangot ang mukha ko. Pilit kong inalala yung dinaanan namin kanina pero wala! Hindi ko talaga matandaan. Sinigawan ko si Travis pero hindi sya sumasagot. Ng mapagod ako kakalakad ay naupo ako sa may ilalim ng isang malaking puno.

Napabuntong hininga nalang ako. Sumandal ako sa puno hanggang sa makaramdam ako ng pagkaantok.

Nagulat ako ng makita ko si Mike na papalapit sakin. Suot nito ang isang nakakalokong ngiti. Bigla kong naramdaman ang kakaibang simoy ng hangin. Parang may maling mangyayari.

Inihanda ko ang sarili ko. Napakadilim ng paligid at tanging si Mike lang na papalapit ang nakikita ko. Anong ginagawa namin dito?

"M-Mike? A-Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako ng paikutan nyako. Hindi sya nag sasalita pero nakangisi lang sya sakin.

Parang may mali kay Mike e. Hindi naman sya ganyan last time na nagkita kami ah?

"Akala nila malakas ka" nanlaki ang mga mata ko. Kinilabutan ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko?

"Pero akala lang nila iyon..."

"A-Anong?" halos pabulong kong sabi. Hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko. Tila ba nawawalan ako ng boses.

"Dahil mahina ka. Sobrang hina ng loob mo" Hindi ko mapigilang maluha sa mga sinasabi nya.

"Ano nalang ang sasabihin ng mga Vampires kapag nalaman nilang sobrang hina mo? Not physically but mentally, yes" tumatawa pa nyang sabi.

Ano bang nangyayari sayo, Mike?

Gusto kong isigaw sa kanya. Hindi! Hindi sya si Mike! Isa lang syang impostora! Hindi ako gaganituhin ni Mike dahil kaibigan ko sya! Tama!

"Pano kung malaman mo nalang isang araw na, ang inaasahan mong kaibigan at pinagkakatiwalaan mo ay hindi mo pala kakampi?" kunot noo nyang tanong. Anong ibig nyang sabihin?

M-May tiwala ako sa mga kaibigan ko! Lalo na sa mga Guardians at alam kong hindi nila magagawa iyon.

"Norilyn!???" naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Agad akong napamulat. Hingal na hingal ako, bakit ganto!?

Tiningnan ko ang mukha ni Travis na ngayon ay nag aalala. "Okay kana. Okay kana" paulit ulit nyang sabi tsaka ako niyakap.

I feel safe.

Napahinga ako ng malalim. Pinag papawisan din ako. Hays, buti nalang pala panaginip lang yun. Alam kong hindi magagawa sakin yun ng mga Guardians. malaki ang tiwala ko sa kanila.

"Kanina .... Inuungol mo ang pangalan ni Mike. Baket?" should I tell him?

Or should I not? Nalilito ako.

"Uhmm ... W-Wala" I shooked my head. "T-Tinatawag nya k-kasi ako" Bakas sa mukha nya na hindi sya satisfied sa sinabi ko. Hays. Ayoko munang sabihin sa kanya.

Baka mas makabubuti kung kakausapin ko nalang si Cashmea. Baka sakaling alam nya ang dapat kong gawin.

P-Pero ...

Bakit si Mike ang napapanaginipan ko? Anong meron kay Mike?

"Uhmm ... Travis, pwede bang umuwi na tayo? Masama kasi ang pakiramdam ko e" tumango naman sya saka ako inalalayan patayo. Malalaman ko rin kung anong meron sayo, Mike.

.
.
.
-P I N K W A T C H Y
#frogs

#pinkwatchy #romance #wattpad #norilyn #four #vampires #vampirestory #teenfiction #taglish #tagalog #pinoystory #love #vampiresheart #fantasy #magic #fictionals #immortals #teens

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now