Kabanata 16

1.6K 40 0
                                    

Cashmea's

Napuno ng ingay at bulungan ang Ball Room. Dahil biglang nawala ang sweet music. Kanina pa namin pinag mamasdan ang nag sasayaw na sina Norilyn at Travis. Ayus lang naman na lumapit si Travis sa kanya dahil hindi naman sya kilala ng mga Malkavians bilang isang Guardians except from Benji, Aljurr, Four at Mike---- teka. Nasan nga pala si Mike!??

Nagulat ang lahat ng biglang tutukan ng spot light sina Norilyn at Travis. Agad na may nagsalita sa microphone at sinabing si Norilyn ang Wizard, agad namang nagpalakpakan ang ibang bampira.

Sh*t!!

Isa to sa mga palabas nila! Agad kaming lumapit kela Travis at inalis sila sa gitna. Ngayon alam na ng lahat na si Norilyn ang Wizard!!! Hindi pwede to.

Napansin kong may papalapit na isang bampira kaya hinarangan ko agad ito.

"Anong kaylangan mo?" maawtoridad kong sagot. Tumawa naman ito saka pumalakpak.

"Ako si Habek. Ang pinuno ng mga Wicked Vampires, nandito ako para batiin ang Wizar----" biglang nag salita si Benji kaya hindi natapos nung lalake yung sasabihin nya.

"Walang sinuman ang pwedeng lumapit sa Wizard" itinaas naman ni Habek ang dalawang kamay nya na simbolo na ang ibigsabihin ay suko na sya saka tumawa ng malakas at tumalikod samin.

Hawak hawak ni Travis ang kamay ni Norilyn ng biglang may magsalitang muli sa microphone. Napunta sa mini stage ang spot light at lumabas si Huuna. Ang pinuno ng mga Malkavian Vampires.

-------------------------------
Norilyn's

Ang lahat ay naging alisto. Hinanda ko ang sarili ko dahil alam kong start na ng palabas nila. Ang lahat ng atensyon namin ay nasa mini stage na nasa harapan.

"Maraming maraming salamat at napaunlakan nyo ang aming imbitasyon. sabi ko nga, ngayon ay matutunghayan nyo ang paglabas ng pinakamabait at masunurin kong anak" wow ah? Proud sya? Okayy. Hehe

Wala naman rin akong pakialam e. Naramdaman kong pinisil ni Travis ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya. He just smiled at me.

After so many dada ay bbanggitin na nya ang pangalan ng anak nya. Bigla naman akong kinalabit ni Cashmea.

"Nasan si Mike----"

"Mike Augosto Seruda" nanlaki ang mga mata namin ng biglang lumabas si Mike mula sa likod ng mini stage. Para bang gumuho ang mundo ko.

Mike ....

Mike Segura ang pakilala nya sakin ...

Pero bakit .... Bakit hindi ko naisip yun!!!???

Mike Segura/Mike Augosto Seruda

Sya ang anak ng pinuno ng mga Malkavian Vampires!!! Hindi pwedeng mangyari iyon!!

Naramdaman kong may namumuong sama ng galit sa grupo namin. Nakita kong ikinuyom ng mga Guardians ang kamao nila sa sobrang galit.

"PINAGKATIWALAAN KA NAMINNN!!!!!" nagulat kami ng biglang tumakbo si Cashmea papalapit sa stage. Galit na galit ito.

Agad naman naming sinegundahan si Cashmea. Kaylangan na naming matapos to! Pati ang mga Guardians ginamit nila!! Hindi nako papayag!!

Agad kong hinubad ang kulay pula kong saklob at mabilis na tumakbo papunta sa pinuno ng mga Malkavian Vampires. Si Cashmea naman at si Mike ang magkalaban. Nahagip ng mata ko si Travis na kalaban si Habek na pinuno ng mga Wicked Vampires.

"Its nice to meet you Wizard" inilabas nya ang mahabang espada na kumikinang pa ng tamaan ng sinag ng ilaw. Kulay silver ito. Agad akong nakaramdam ng pagkahilo pero hindi ako nagpahalata.

Agad pumasok sa vision ko ang kulay silver na espada, hawak ko ito at akmang may sasaksakin ako ng bigla akong bumalik sa katotohanan. Tumawa ng malakas si Hosweh at winashiwas ang espada nya sakin.

Nakailag naman ako. Agad kong ikinumpas ang kamay ko at ikinulong ko sya sa bilog na apoy. Isa sa mga kahinaan ng mga bampira ang apoy narinig ko naman syang sumigaw sa sakit.

Nagulat ako ng bigla syang lumabas sa ginawa kong apoy. Ibinato nya sakin ang espada nya, nahagip ako nito sa braso. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

Ginagalit nya talaga ko ha!?

Well subukan moko. Agad kong syang pinaulanan ng matatalim na bloke ng yelo. Hindi naman ako nagkamali at tinamaan ko sya. Nagulat nalang ako ng bigla nyakong lundagin nasa itaas ko sya at walang ano ano'y tinusok ako ng espada. Nakailag naman ako. Hindi sya mag tatagumpay!

"Hindi ko na hahayaang makapang loko pa kayo ng ibang bampira! Sapat nang pinaglaruan nyo ang damdamin ng mga Guardians!" this time ay sinipa ko ang kamay nya dahilan para mabitawan nya ang espada nya. Agad kong kinuha ang pagkakataong ito, I grab his sword then pointed it to him.

Bakas ang takot sa mga mata nya. Tapos ngayon natatakot ka!?

"Paalam ... Hosweh" I shut my eyes then slayed his head. Tumalsik pa sakin ang ilang dugo nito. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at natagpuan ang patay na bangkay ni Hosweh. Hindi nag tagal ay naging abo na rin ito tulad ng ibang bampira.

Agad naman akong tumakbo papunta kela Benji at tinulungan sila sa iba pang bampira. Lumapit naman samin si Travis habang nakikipag laban.

"Patay na si Habek" hinihingal nyang sabi. So, its done? Ginamit kong sandata ang espada ni Hosweh panlaban sa kapwa nya mga Malkavian Vampires. Hindi naman kami nagkamali dahil nagtagumpay kami. Natapos namin ang laban.

"Wizard .... T-Tapos na" wika ni Cashmea. Tumango naman ako dito. Pinahid ko ang ilang dugo na nakadapo sa mukha ko.

Nagulat kami ng biglang may Malkavian Vampire na tumatakbo papalapit samin. Hindi ko na to pinalagpas at ikinumpas ko ang kamay ko dahilan para lamunin ng lupa ang kalahating katawan nya.

Lumapit ako dito. "A-Akala mo ... M-Magtatagumpay kayo?" tumawa ito ng malakas, bigal namang lumapit si Travis at sya na ang pumatay dito. Ilang sandali lang ay naging abo na rin ito.

Napaluhod nalang ako ng wala sa oras. Bigla kong nabitawan ang espada'ng hawak ko. N-Nakapatay ako ....

Bigla kong naalala ang estatwa ni lola Imelda na naiwan sa bahay namin sa mundo ng mga tao na nagmamakaawa at may luha sa mga mata.

"AAAAHHHHH!!!!" sigaw ko saka tuluyang umiyak. Tapos na! Tapos na!!

Naramdaman kong hinawakan ako ni Travis sa balikat. Hindi ko inaasahan na mauubos namin ang mga Malkavian Vampires.

P-Pero hindi parin tapos ang laban! May mga Nosferatu-----

*BBBBOOOOMMMM!!!*

*CCCREEEEEKKKKK!!!!!!*

*SSSMMMAAASSHHHHHHH*

"ANG MGA NOSFERATUUU!!!!" nanlaki ang mga mata ko. Hindi kami handa!! Hindi pwede to!!

.
.
.
-P I NK W A T C H Y
#GREATWAR

#pinkwatchy #romance #wattpad #norilyn #four #vampires #vampirestory #teenfiction #taglish #tagalog #pinoystory #love #vampiresheart #fantasy #magic #fictionals #immortals #teens

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now