Kabanata 6

3.2K 65 0
                                    

Norilyn's

"F-Four!!??"

Tumayo ako. Anong ginagawa nya dito?

"Sinundan kita" umupo sya sa tabi ko. Diretso lang syang nakatingin sa sapa na puno ng ilaw. Alitaptap yata yun?

"Nagbibigay galang ang mga alitaptap sayo, Wizard. Tila ba nakikilala nila ang tunay mong pagkatao" tumawa sya ng mahina. Bakit ganun? Ang sexy nya tumawa? Hala wait! Hindi pa nga pala kami bati!

"Tanging ang mga Royal Blood Vampires lang ang nakakapag pagalaw ng mga alitaptap ng ganyan" dugtong pa nya.

"Anong ginagawa mo dito? Diba inaway moko kanina tapos susundan moko dito? Hindi pa tayo bati!" tinarayan ko sya pero hindi naman nya nakita. Tumawa sya. Kumunot ang noo ko, hindi manlang ba sya magagalit?

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Ang cute mo noh?" umupo nalang ako sa tabi nya. Feeling ko pulang pula na ang mga pisngi ko! Spell K-I-L-I-G !??

"T-Tumigil ka nga" sinapak ko sya ng marahan sa braso.

Oo nga pala. Hindi ko rin pala alam yung daan pabalik e. Mas mabuti na sigurong may kasama ako. Haha ang stupid ko no? Haha.

Huminga ako ng malalim. Siguro mas okay kubg kakalimutan ko na muna yung problema ko sa mundo ng mga tao. Focus muna ko dito sa training ko

"So, kelan ako mag sisimula mag training?"

"Magsisimula tayo kapag handa kana. Alam kong nahihirapan ka mag adjust pero dapat tatagan mo ang loob mo" naramdaman kong tumingin sya sakin pero di ko nalang pinansin.

Hindi parin nawawala yung mga alitaptap sa paligid namin. Nakakatuwa sila panoorin. Para silang christmas lights.

"Kung mahina ang loob mo, hindi tayo mag tatagumpay sa mga plano natin" nakatitig parin sya sakin. Nakakailang.

"Kaylangan maganap ang propesiya" napatingin ako sa kanya. Nag salubong ang mga mata namin. I felt a clench in my heart. Para bang may mga paru-paro na paikot ikot sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero I found the situation sweet.

"Isnt this romantic?" tanong ni Four. Hindi ko alam ang isasagot ko. Umiwas nalang ako ng tingin. hindi.

Hindi tama.

Mali tong nararamdaman ko.

Umiling iling ako. Tama, hindi ako dapat magkagusto sa kanya. Magkaiba kami.

"Hindi ko alam kung pano nangyari to pero ..... Norilyn, nagugustuhan na kita" naramdaman ko nalang ang mga bisig nya na nakapalibot sakin.

Pakiramdam ko'y pinoprotektahan nya ako. Pakiramdam ko'y para akong makakatulog dahil komportableng komportable ako sa yakap nya.

Gusto nya ba ako kasi ako yung Wizard?

Gusto nya ba ako kasi ako yung nag liligtas sa kinabukasan nila?

Gusto nya ba ako kasi makapangyarihan ako?

"Alam mong mali to Four"

"Pero walang makakapigil sakin para mahalin ka" naramdaman kong hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. Inamoy nya rin ang buhok ko.

"Bakit??" tanong ko.

"Anong bakit?" tanong nya. Hays. Stupid -_-

"I mean ... Bakit mo ako nagustuhan?" hinigipitan nya ang yakap nya.

"Kaylangan ba may dahilan kapag nagugustuhan ang isang tao?" nanahimik ako sa sinabi nya. Kinikilig ako!!!

Inangat ko ang ulo ko at tiningnan sya. Seryoso lang syang nakatingin sa mga mata ko. Kitang kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now