Kabanata 15

1.9K 44 1
                                    

Norilyn's

Busy ang lahat sa paghahanda. Napagkasunduan naming nga Guardians na dumalo sa sinabing Grand Ball.

Tingin nyo ba nahihibang kame? Well nag kakamali kayo. Oo, alam namin na hindi lang yun basta Grand Ball. Alam namin na may binabalak nanamang gawin ang mga Malkavians kaya nag handa kami.

Ang lahat ng dadalo ay nag sanay ng husto para maging handa sa mga mangyayari sa Grand Ball. Hinanda ko na rin ang sarili ko para sa Grand Ball dahil ayokong may mapahamak pang muli lalo na't ayos na ang kalagayan ni Aljurr.

Pumasok ako sa kubo ni Aljurr. Nagulat naman sila dahil kasama nya ngayon si Cashmea. Ooohhhhh, anong ginagawa nila?? Napansin kong biglang pumula ang mukha ni Cashmea kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Norilyn ... Itigil mo yang iniisip mo. Hindi kami ganon" depensa naman ni Cashmea. BINASA NANAMAN PO NYA YUNG NASA ISIPAN KO!

"Ano ka ba, Cashmea. Biro lang!" sabay sabay kaming tumawa.

"Ano nga palang pinunta mo dito?" tanong ni Cashmea saka dumiretso sa may kusina ni Aljurr at kumuha ng tubig. Actually malaki tong kubo ni Aljurr. Kasya na siguro sa tatlong tao.

"Uhmm ... Sasabihin ko lang sana kay Aljurr na hwag na syang sumama mamaya sa Grand Ball" napatigil naman si Cashmea sa pagsasalin ng tubig. Si Aljurr naman ay tumingin sakin ng diretso.

"H-Hindi pwede! Hindi ako magpapaiwan dito!" angal ni Aljurr. Hindi sya pwedeng sumama! Masyadong mapeligro kung sasama sya dahio hindi pa naman sya tuluyang nakakarecover.

"Makinig ka sakin Aljurr. Hindi ka pa nakakabawi sa mga galos mo. Ayokong mapahamak ka ulit!" nag galit galitan ako para matakot sya sakin pero nanatili syang seryoso.

"Pero Norilyn hindi ko pwedeng hayaan nalang kayo dun ng basta basta! Ayokong tumunganga nalang dito at----" pinutol ni Cashmea ang pananalita ni Aljurr ng hindi tumitingin samin.

"T-Tama si Norilyn. Hwag ka nang sumama samin" bakas sa mukha ni Aljurr ang gulat. Hindi ko inaasahan na magiging ganto ang reaksyon ni Cashmea sa desisyon ko. akala ko magagalit sya pero ... eto at sinosoportahan pa nya ko.

"Pero hindi ako papayag Cashmea!" reklamo ni Aljurr. Nakita kong tiningnan sya ng masama ni Cashmea. Nagpatuloy lang sila sa pag aaway na para bang mga bata lang sila. Napayuko naman ako. Hindi ganto ang gusto kong mangyare!

Oo. Ayokong isama si Aljurr pero hindi na kaylangan umabot pa sa ganto. Napahawak nalang ako sa sentido ko.

Urghh!! Norilyn umisip ka ng paraan!!!

......

..............

AH! ALAM KO NA!! (light bulb) *ting*

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lumabas ang poker face ko. Saka sila humarap. Napatigil sila sa pag aaway. Ngayon ay nakuha ko na ang atenayon nila.

"Hindi ko to sinasabe sayo dahil ako ang Wizard mo. Sinasabi ko to dahil concern ako sayo bilang kaibigan mo at kung hindi mo ako susundin ay bahala na kayo" pagkasabi ko non ay umalis nako.

Pagkatalikod ko sa kanila ay napahinga naman ako ng maluwag. Psh! Bahala nga sila mag away dun basta sinabi ko na sa kanila.

Nasan na kaya si Travis?

Ay Pochaa!! Bat ko ba iniisip yon!!??

FAST FORWARD ----

Nang nakagayak na kaming lahat ay nag simula na kaming pumunta sa open field malapit sa paaanan ng bundok.

The Wizard Vampire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon