Kabanata 19

2.1K 44 0
                                    

Norilyn's

"Geron ...." napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Cashmea sa gilid ko. Nanggugulat kasi e!! Anubayan!!

Narinig ko ang pagtawa nya. Nang aasar pa! "Pasensya na Norilyn ... Hindi ko lang mapigilan. Nakakatawa kase itsura mo e" tinarayan ko nga sya.

"Pwede bang hwag mong basahin ang iniisip ko?" napatigil naman sya sa kakatawa.

"S-Sorry ... Sige hindi na" tumango ako.

"PPPPFFFFTTTT!!! HAHAHAHA" Eeeeee kasi naman e!!! Nakasimangot akong tumalikod sa kanya. Bahala nga sya jan!

Naalala ko si Geron. Kaya nilapitan ko sya. Gusto ko lang linawin kung anong nangyari sa kanya after nyang papuntahin ang mga magulang ko sa mundo ng mga tao.

Hindi pa man ako nakakalapit ay nanlaki na ang mga mata nya. Maybe fear or ... Fear? Hehe sorry na!

"Geron...."

"Hwag kang lumapit sakin!" I arc my eyebrows. Bakit sya natatakot sakin? Wala naman akong gagawing masama sa kanya ah?

Mukha ba kong masamang tao? Di naman siguro -_-

"Kumalma ka nga jan, Geron. Hindi naman kita sasaktan ..." umupo ako malapit sa kanya pero umusog lang sya.

"A-Anong kaylangan mo sakin?"

"May itatanong lang akong mga bagay mula sa nakaraan" napansin kong lumunok sya ng tatlong beses. Anong kinakatakutan nya?

Naku-curious tuloy ako ng sobra! Psh

"Bakit buhay ka pa? A-Anong nangyari sa mga magulang ko?" Tumingin sya sakin ng nakakunot ang noo. Makalipas ang ilang minuto ay hindi parin sya sumagot. Aba!? Ano to?

Naglabas ako ng konting apoy sa kamay ko at inilapit sa mukha nya. Natakot naman sya. Ayaw mong sumagot ha!?

"Sumagot ka o papatayin kita!?" gigil kong tanong. Napansin kong ilang beses syang lumunok. Alam kong may utang na loob ako sa kanya ... Pero hindi na ngayon dahil kapanalig sya ng kalaban namin!

Napansin kong hindi sya makagalaw ng maayos dahil nakatali ang mga kamay nya sa likuran nya at nakatali naman ang mga ito sa puno.

"Hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi ang buong kwento---"

"Oo na. S-Sasagot na ko" agad syang lumayo ng kaunti sakin. Pinatay ko ang apoy sa kamay ko. Gusto ko lang namang malaman ang tungkol sa mga magulang ko

"B-Buhay pa ako ngayon kase ... N-Napili kong umanib nalang sa mga kalaban dahil alam kong papatayin na rin nila ako noon" I remain silent. Traydor ka!

"N-Noong panahong umaanib ako sa kanila ... Nasakin ang ..." huminga sya ng malalim. Nasakanya ang? Ang ano?

"Ang ano?"

"Nasakin ang ... natirang m-mahiwagang tubig ..." nanlaki ang mga mata ko. MAY NATIRA SA MAHIWAGANG TUBIG!!??!?!?!!?

WWHHAAAATTTTT!?!?!!!?!!

PAAANOOO!!!?

"M-May natira sa mahiwagang tubig?" di makapaniwalang tanong ko. A-Akala ko ba pinainom nya yun kay nanay!???

"Oo. At yun ang naging dahilan kung bakit nila ako tinaggap para maging kakampi nila ..." napaiwas ako ng tingin sa kanya. Papanong ... Ibigsabihin nasa kanila ang natirang mahiwagang tubig!?

"Nasan na ang mahiwagang tubig ngayon?"

"Wala na" panong wala na!? Naguguluhan ko syang tiningnan. Saan napunta?

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now