Kabanata 10

2K 59 1
                                    

Norilyn's

Its been 2weeks since naganap yung unang atake ng nga Nosferatu Vampire. At 2weeks na ding natutulog si Aljurr. Ginamot sya ni Cashmea, stable na daw ang kalagayan nya pero hindi pa rin sya nagigising.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko saka lumabas sa kubo ko. Inilibot ko ang mga mata ko at tiningnan ang mga kubong nasira nung nilusob kami ng mga Nosferatu Vampires.

Maayos naman sila ngayon. Ewan ko ba pero, nagpapasalamat sila sakin.

"Hi Wizard"

"Kamusta ka Wizard"

"Saluhan mo kaming kumain  Wizard" ang iba naman ay ngumingiti sakin kapag nakakasalubong ako.

Nakakatuwa sila kase tanggap nila ako dito sa lugar nila. Nagulat nga ako last time kase nagpasalamat sila sakin dahil marami daw akong nailigtas na mga bampira pero hindi ko naman magagawa ang lahat ng yun kung wala ang mga Guardians.

Dumiretso ako sa kubo kung saan nakahiga si Aljurr. Hays. Sana naman magising na sya. Hindi parin kasi ako kinakausap ni Cashmea e.

Umupo ako sa tabi ni Aljurr. Para lang syang natutulog. Well, ganun na nga. Natutulog nga sya haha stupid ko naman.

Hinawakan ko ang mukha ni Aljurr.

"Aljurr .... Gising kana" I said while bitting my lip and holding up my tears.

"Sobrang guilty na ako kase nagagalit sakin si Cashmea. Sana hindi mo nalang ako niligtas. K-Kaya ko naman maka survive e. Hindi mo rin naman ako kaylangan iligtas e" di ko napigilang hindi umiyak. Nakakapagod din pala?

"Napapagod nakong makisama sa mga bampira dito, Aljurr" pinahid ko ang luha ko.

"Nakakapagod palang maging Wizard?" huminga ako ng malalim. Sana pala di nalang ako naging katulad nila.

Sana pala di nalang ako naging 18 years old.

Sana pala di nalang ako ipinanganak ng isang Bampira.

"Hindi totoo yan" nagulat ako ng biglang pumasok si Cashmea sa kubo. Agad kong pinahid ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. Ayokong makita nya kong umiiyak.

"Ayus lang, Norilyn" sabi nya at umupo sa harapan ko habang nakatingin kay Aljurr.

"Aalis na ko" akmang tatayo nako ng bigla nyakong hinapit sa braso.

"Hinde! Sandali lang!"

Huminga ako ng malalim bago muling  umupo.

"May gusto lang akong sabihin sayo ...."

"Tungkol saan?" tanong ko.

"G-Gusto mo bang malaman ang propesiyang naganap noon bago ka isilang?" well that hit a nerve. Oo. Matagal ko ng gustong malaman ang tungkol dun pero wala lang akong panahon magtanong dahil busy kami palagi.

"Oo. Gusto kong malaman" tumango naman sya.

"Masayang namumuhay ang bawat Tribo noon. Lahat sila magkakasama, magkakaibigan at pantay pantay ang turingan. Kilala ang mga Royal Vampires bilang mga pinuno sa lahat ng tribo" tumango ako. So, ibigsabihin isa ang mga magulang ko sa mga pinuno?

"Nakasalalay saming mga Whisperer's ang kinabukasan ng mga magaganap sa susunod na panahon. Maganda ang turing nila samin noon. Tila ba hindi kami naiiba sa mga ibang bampira pero dumating ang isang propesiya na nagpabago ng lahat. Ang propesiyang kinatakutan ng lahat"

Nagpabago ng lahat?

"Ang laman ng propesiya ay .... pagdating ng ika-tatlong ikot ng henerasyon ay isisilang ang munting bata na may dugo ng angkan ng lahat" dugo ng angkan ng lahat? Anong ibigsabihin nun?

"Ang munting bata na yun ay bubuhayin at mamumulat sa mundo ng mga tao hanggang sa darating ang ganap na panahon ay ibabalik sya ng limang hinirang na Guardians na walang iba kundi sila Travis, Mike, Benji, Aljurr .... at Four. At ang isang tagapagsabi ng propesiya na ako"

"Sinabi rin sa propesiya na ang munting bata na yun ay ang tatapos sa angkan ng mga Nosferatu at Malkavian Vampires. Nung araw din na yun ay nalaman ng mga Royals na nagtataksil ang mga angkan ng nasabing bampira. Nalaman nila na pumapatay ang mga ito ng mga tao na taliwas sa batas natin" kumunot ang noo ko. Ako ba yun? Ako na ba yung nasa propesiyang nabanggit nila?

"Oo Norilyn. Ikaw ang nasabing mahiwagang bata sa propesiya noon. Simula nung nalaman nila yun ay nagsimula na silang mag aklas laban sa mga Royals at iba pang Tribo" tumango ako. so, ganun ang nangyari noon?

Kaya galit na galit sila sakin kase lumabas yung propesiya?

Hindi ba nila naisip na baka hindi totoo yung propesiya o kung ano? Ganun ganon? Hays. They are so stupid -_-

Pero teka! Anong nangyari sa mga magulang ko?

"Cashmea?" huminga ako ng malalim.

"Anong nangyari sa mga magulang ko?" nagkibit balikat sya. Hindi nya alam?

Binaling namin ang atensyon namin kay Aljurr ng bigla syang gumalaw. OhmyGAS! Gumalaw sya!

"Aljurr?? Naririnig mo ba ako?" hinawakan ni Cashmea ang kamay ni Aljurr. Wait lang ha? Parang may something e.

Pinanood ko lang si Cashmea kung pano nya alagaan si Aljurr. Napangiti ako. Siguro may pagtingin si Cashmea kay Aljurr kaya ganun nalang sya magalit sakin nung may nangyaring masama kay Aljurr.

Well kahit sino naman magagakit kapag sinaktan ang taong mahal nila e.

"C-Cashmea" narinig naming bulong ni Aljurr. Natuwa ako. Yehey! Okay na si Aljurr. Ibigsabihin kaya nun bati na kami ni Cashmea?

Hays. Sana!

"Nandito lang ako, Aljurr. Hindi kita iiwan" napangiti ako ng mapait. Sana nandito rin si Four.

Nagpaalam nako kay Cashmea. Akmang lalabas nako ng pintuan ng bigla kong nakasalubong si Travis. Nagulat kami sa isat isa kaya napahawak ako sa dibdib nya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Nakakahiya! Agad kong tinanggal ang mga kamay ko sa dibdib nya. Omg! feeling ko sobrang pula na ng mga mukha ko!

I heard him chuckled kaya sinamaan ko sya ng tingin. How dare him! Urgh!! Hinila ko sya palabas dahil baka marinig ni Cashmea. Nakakahiya!

"Sige lang. Dalhin mo lang ako kung san mo gusto. Sasamahan naman kita e" tawa tawa nyang sabe. Aba! Feeling naman nya ha!?

"As if naman!? Nilabas lang kita dahil baka marinig ni Cashmea yang kadiri mong tawa!" inis kong binitawan ang braso nya saka nag walk out.

"Norilyn!" rinig kong sigaw nya. Bahala sya jan!

Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang balon na nasa may bandang dulo na. Malapit sa gubat.

Uupo na sana ko ng biglang mahagip ng mata ko si ....

Mike??

"Mike?" tawag ko. Hindi naman ako nagkamali at sya nga! Anong ginagawa nya dito?

"Oh, Norilyn?" nag aalinlangan pa syang batiin ako. pero bakit? Lumapit sya sakin at mas lalo kong naaninag ang mukha nya.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka bat nakaharap ka sa gubat? May problema kaba? Kung meron sabihin mo lang sakin. Tsaka bat ka nga pala pinagpapawisan---"

Nagulat ako ng bigla syang sumigaw.

"Pwede ba!!?" sigaw nya saka ako iniwang nakatulala. Whats wrong with him? Wala naman akong sinabing masama, right?

Haha. He's unbelievable -_-

"Norilyn ..." napalingon ako agad. Tss, sya nanaman?

"Are you stalking me!?"

"Hehe. Kind of" inirapan ko nga. Bahala nga sya! Nakakainis. Hindi ko alam kung bat ako naiinis sa kanya.

Basta. Trip ko lang

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now