Kabanata 9

2K 56 0
                                    

Norilyn's

Nagising ako pero wala na si Travis sa loob ng kubo. Siguro, maaga syang nagising? Bumangon ako saka nag ayos.

Kaylangan kong mag training ngayon. Gusto kong ipaghiganti si Four dahil sa ginawa nila. Ginamit pa nila ang puso ni Four para lang mahanap nila ang Wizard -_-

Akmang lalabas na sana ako ng biglang pumasok si Cashmea sa kubo. Hingal na hingal ito na para bang galing sya sa takbo?

"Oh Cashmea? Anong nangyari sayo?" tanong ko. Inalalayan ko sya paupo sa may kama.

"Yung .... Yung Great War" agad akong dinaluyan ng kaba. Anong meron sa Great war? May nakita nanaman ba sya tungkol sa propesiya?

"Oo, Norilyn. Nakita ko sa propesiya na malapit nang maganap ang Great war pero hindi ko alam ang eksaktong petsa" tuloy tuloy nyang sabi.

Ibigsabihin kaylangan ko na talagang mag ensayo?

"Tama ka, Norilyn. Kaylangan mong magsanay pa lalo upang masigurado natin na makakamtan natin ang tagumpay" masaya nyang bati.

Pero ... Kakayanin ko ba?

"Kakayanin natin, Wizard. Kung tulong tulong tayo. Kakayanin nati----" napatigil kami ng biglang yumanig ang buong paligid.

Teka! Parang .... Parang pamilyar to ah!?

"Ang pagyanig na to! kamuka nung pag yanig nung nasa bahay kami ni lola Imelda!" nanlaki ang mga mata ko. Tama! Ganito rin ang nangyari noon!

Agad na nasundan ang oagyanig ng mga pagsabog mula sa labas kaya agad kaming lumabas ni Cashmea.

Natagpuan namin sila Benji, Aljurr, Mike at Travis na nakikipag laban sa mga bampira. "Nandito na sila" bulong ni Cashmea.

Nagliyab ang mga tahanan sa paligid namin. Nagsisigawan na din ang mga Sanguine Vampires. Nahagip ng mata ko ang isang bampirang kinuha ang ilang bata sa mga magulang nilang Sanguine Vamps. Agad na nag init ang mga mata ko.

"Norilyn! Tumakbo kana!" sigaw ni Travis.

Nakita ko ang mga Sanguine Soldiers na nakikipag laban sa mga kalaban. Kaylangan ko silang tulungan!

"Hinahanap nila ang Wizard! Hinahanap ka nila! Tara na!" hinatak ako ni Cashmea pero di ako nagpatinag.

Hindi tama to!

Hindi ko hahayaang masira ang buhay ng mga mabubuting Psi-Vampires na tumulong samin!

"Tumakbo na kayo!!" sigaw ni Aljurr pero hindi ako nakinig.

"Hwag tayong magpadalos-dalos ---- Norilynnnnn!!!!!" sigaw ni Cashmea.

Hinugot ko ang buong lakas ko saka tumakbo papalapit sa mga masasamang bampira na sa palagay ko ay mga Nosferatu Vampires.

"Tumigil na kayoooo!!!" iwinashiwas ko ang kamay ko sa kanila dahilan para lumutang sila sa ere at humampas sa mga puno sa gilid.

"Aaaahhhhhh!!" sigaw nila.

Dapat lang yan sa inyo!

"Nandito ang Wizard!!!" rinig kong sigaw nung isang bampira kaya ikinumpas ko ang kamay ko sa kanya at bigla nalang syang nasunog.

Pano ko nagawa yun!?

Naagaw ko ang atenyson ng iba pang bampira kaya sunod sunod silang lumapit sakin. Ansasama nila! Hindi tama ang ginagawa nila!

"Norilyn hindi pa tayo handa!!" sigaw ni Aljurr sakin. Lumapit sya saka hinatak ako sa braso.

"Hinde Aljurr! Kaya natin silang tapusin!" hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko sa loob ko.

Tila nilamon na ng galit ang puso ko.

"Cashmea, makinig ka sa kanila!" rinig kong sigaw ni Pinunong Homerab pero hindi ko sila pinakinggan.

Nakita kong susugod sakin ang grupo ng mga bampira. Nagpantig ang bagang ko at kusang lumabas ang mga pangil ko.

Ginawa ko ang mga techniques na ginagawa namin sa bawat training namin. Nagpakawala ako ng hanging malalakas at nagulat ako ng bigla silang masunog.

Hindi pa namin nagagawa yun ah!?

"Wwraaaaahhhhhhh!!!!" napasigaw ako sa sobrang sakit ng makaramdam ako ng sakit mula sa likuran ko.

SOBRANG SAKIT!! Bakit ganto!?

"Halika na!!" sigaw ni Benji habang patuloy parin nilang nilalabanan ang iilang Nosferatu Vampires.

Naging blured ang paningin ko. Sobrang sakit ng likuran ko! Napaluhod ako. Parang wala na akong naririnig!!

Bakit ganto!

Ng malapit na ang mga bampira sakin ay pilit kong ikinumpas ang kamay ko para hawiin sila pero bigla ko nalang nakita si Travis na nasa harapan ko at sinasalag ang mga kalaban.

"Aaaarghhhhh!!!" nagulat ako ng biglang umilaw ang likuran ko. Anong nangyayare sakin!

Nawala na ang sakit pero umiilaw parin ang likuran ko. Wala akong panahon para pansinin pa to! Agad akong sumugod sa iba pang mga Nosferatu Vampires.

Konti nalang sila!

Abala ako sa pagkalaban sa mga ito ng bigla akong makarinig ng pag sabog mula sa likuran ko kaya napalingon ako.

"NORILYNNNNN!!!" kumunot ang noo ko. Parang slow motion ang lahat ng nangyayare. Nakita ko si Aljurr na bigla akong niyakap dahilan para matumba kami parehas.

Nakayakap sya sakin. Nagulat ako ng bumagsak kami ay bigla syang ngumiti at biglang may lumabas na dugo sa bibig nya.

Anong nangyare sa kanya!!??

"Aljurr" bulong ko.

"Hindeeeeeeee!!!!" rinig kong sigaw ni Cashmea. Agad silang lumapit samin at itinayo ako. Nakahiga parin si Aljurr sa sahig.

"Aljurr!! Gumising ka!" umiiyak na sabi ni Cashmea. Agad nyang binunot ang pana na nakakabit sa likuran ni Aljurr. Napatakip ako sa bibig. Hindi pwede!

Niligtas ako ni Aljurr!

H-Hindi sya pwedeng mamatay!

Sinimulan ni Cashmea na gamutin ang likuran ni Aljurr. Iniikot ko ang paningin ko, agad bumungad sakin ang mga kubong may liyab ng apoy. Ang mga Psi-Vampires ay nag iiyakan sa bawat sulok ng mga ito.

Halos patay na ang lahat ng Nosferatu Vampires. Tumulo ang luha ko. Parang wala parin akong naririnig sa paligid ko.

Para akong mababaliw!

"Gumaling ka ... Gumaling ka pleaseee?" pakiusap ni Cashmea. Bigla namang dumating sila Travis, Benji at Mike na puro dugo ang damit. Agad akong niyakap ni Travis, may sinasabi sya pero hindi ko sya marinig.

Nakatulala parin ako. hindi ko alam kung pano magre-react sa mga nangyayare.

Napatingin kaming lahat kay Aljurr ng bigla syang dumilat pero bumalik din sya sa pagkakapikit. Anong nangayayare!?

Buhay naba sya?

"O-Okay lang ba sya?" galit akong tiningnan ni Cashmea. Anong ginawa ko?

"Kapag may nangyaring masama kay Aljurr. Hindi kita mapapatawad!" agad binuhat ni Mike ang katawan ni Aljurr at dinala sa isang kubo. kasunod nila si Cashmea at Benji.

Naiwan kami ni Travis dun. Napaupo nalang ako bigla. bakit ako nanghihina?

"Ayus ka lang? Anong nangyari sayo?" pag aalala ni Travis. Pero hindi ko sya sinagot.

Kasalanan ko to.

Kasalanan ko kung bat muntik ng mapahamak si Aljurr. Kasalanan ko

.
.
.
-P I N K W A T C H Y
#firstAttack

#pinkwatchy #romance #wattpad #norilyn #four #vampires #vampirestory #teenfiction #taglish #tagalog #pinoystory #love #vampiresheart #fantasy #magic #fictionals #immortals #teens

The Wizard Vampire (COMPLETE)Where stories live. Discover now