Chapter 32- Real Superstar

14.3K 370 14
                                    

Allison

"Okay na kayo ni Uncle na maiwan dito?"
I saw Beth rolled her eyes. "For the nth time Allison, okay kami ni Tatay." Sagot niya. Nag-aayos kami ng mga gamit ko na dadalin.
"Enjoy your time with Carlos and your friends." Nakangiting tukso ni Beth. She's wiggling her eyebrows. Nahihiya akong tumalikod kay Beth.

"Allie, natatandaan mo ba ang nangyari?" Tanong ni Beth na nakapagpahinto sa akin sa pagtitiklop ng damit.
"Nakakatakot doon, Beth." Kinikilabutan kong kwento. "Nakikita ko kayong lahat, pero parang may pader na salamin na naghahati sa akin at sa inyo."
"Paano ka nakabalik?"
Halos ayaw ko ng alalahanin ang mga nangyari. But this is Beth. She needs to know because this is not about me... This is about our gift.
"Binitawan ni Carlos ang control niya sa sarili. He gave me his all... Including his love, fear and control. He cried... For the first time in his life, he cried. And that's what brought me back...perhaps"
"Hindi siya umiyak kahit minsan?"
Umiling ako. "Sabi ng mommy nya noong nag-uusap sila, hindi daw umiiyak si Carlos. Kahit ng mamatay ang lolo niya. Kahit daw noong pinanganak siya. Never daw umiyak. Siguro Beth, kailangan nyang aminin na may kahinaan siya bago ako makabalik. Kailangan niyang magsurrender. Hindi ko din alam kasi kung ano talaga ang nagpabalik sa akin. Basta noong umiyak siya, doon ko nakita ang liwanag na nagpabalik sa akin dito."

Napatingin ako sa nakatulalang si Beth. "Bakit mo naitanong? Kilala mo na ba ang talisman mo?" Naubo si Beth sa tanong ko.
"Hindi ah. Saka kahit makilala ko siya, hindi ko siya kailangan. Hindi ko naman bubuksan ang portal ko." Sagot nito. Nangingiti akong bumalik sa pag-eempake.

Isang private jet ang sinakyan naming magkakaibigan papuntang Madrid. Nasabi ko na bang kapag may gusto ang mga kaibigan ko, nakukuha nila? Kahit manggalaiti sa galit si Carlos, hindi napigil na sumama ang mga kaibigan namin. Pagcheck out namin sa immigration, halos hindi kami makadaan sa dami ng reporters...Inakbayan ako ni Carlos at hinahawi ang mga mic na nakangudngod na sa mga mukha namin hanggang sa makasakay kami sa kotse na naghihintay sa amin.

Tawa ng tawa si Khal ng napatingin ako sa mga billboard na nadadaanan namin.Well, hindi lang si Khal ang tumatawa, halos lahat sila.
"Ganoon ka kasikat dito?" Manghang tanong ko kay Carlos. Ngumisi lang si Carlos at inakbayan ako.
Damn... he is a superstar.

Carlos became busy on his schedule. Okay lang naman dahil kasama ko ang mgakaibigan kong namamasyal. At meron namang nakabuntot sa aming bodyguard dahil sabi nga ni Cailee... My boyfriend is a freaking superstar.

It's Carlos first game after nyang makabalik sa team. The arena is full of people supporting their team. And a crowd cheering for Carlos can hear while the announcer is calling their player one by one.
"And now, from Real Madrid, jersey number 21, Carlos Sebastian..." And the crowd went wild. Nakikisigaw ang mga kaibigan ko... But me, I was starstruck. Tumakbo si Carlos sa gitna ng field. Nakafocus sa kanya ang camera. Kitang kita ang pilyong ngiti. But when he saw me on the bench, he runs towards me... Smiling in front of me... Then kiss me in front ofthe roaring fans...

"I love you." He said. Hindi ako nakapagsalita. He winked at me then run to his team mates. Giving him high five.

"Lagot ka sa mga fans..." Pananaok ni Khaleesi habang tumatawa sila. Doon lang ako natauhan. Namumula akong natingin sa LED screen... at nakafocus ang camera sa akin.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon