Chapter 21- Vision

12.5K 321 11
                                    

Allison

Hindi pinakita ni Carlos ang tattoo na ginawa sa kanya dahil ayaw ko daw sabihin ang meaning ng tattoo ko. Fair enough... At ginisa nya ako about sa mga sinabi ni Nash. Walang hiyang Nash yun.

"Sige nga sweetheart, isa-isahin mo ang mga naging girlfriend ko." Tuwang tuwa talaga siya. Walang mapaglagyan ang ngiti ng mokong.
"Hindi ka ba uuwi sa bahay ni Khal? Inaantok na ako." Pagtataboy ko sa kanya.
"Dito ako matutulog." Sagot nito.
"Ano na Allie? Huwag kang pikon."
"Hindi naman ako ang nagselos dahil sa kape." Sagot ko. I earned a chuckle from Carlos.
"Sino ang kasama ko sa Paris?" Tanong nito.
"Two years ago, isang Portugese ang kasama mo doon. Ewan ko kung natatandaan mo ang pangalan nya. Si Casandra. Last year, isang French ang nagwawala sa media dahil iniwan mo daw siya sa hotel sa Paris. Si Becca." I replied. Carlos looked amused. Tumatawa ito halos gumulong na sa sahig.
"Hindi ko kasi matandaan ang mga pangalan nila. Buti ikaw natatandaan mo." He replied.
"Kadiri ka." I replied.

"For the record sweetheart, you pushed me away before. And..." Pinigilan ako ni Carlos na magsalita ng makita niyang sasabat ako.
"It is always you. I will never touch anyone from now on. Maliban sayo syempre. Saka I wore condoms." Inirapan ko siya saka binato ng unan.

"So ano ang pangalan ng babae na pumasok sa bahay ko sa Madrid?" Natatawang tanong ni Carlos.
"Arabella." Sagot ko. Tumawa na naman si Carlos.
"Updated ka talaga."
"Tuwang tuwa ka sa kalokohan mo. Ikaw updated ka sa akin?" Naghahamong tanong ko. Unti-unting nawala ang ngiti ni Carlos.
"Sino ang naging boyfriend ko last year?" I asked.
"Wala." Sagot ni Carlos. Kita mo 'tong taong to. Napipikon agad.
"Ekkk... wrong." I replied.
Naningkit ang mata ni Carlos.
"Allison!..."
"Goodnight Carlos." Tumalikod ako at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Pero mabilis si Carlos at naabutan agad ako. He pushed me on the wall. He pinned me and his eyes are kinda angry... I hide my smile.
"Sino ang naging boyfriend mo, sweetheart?" Magkasalubong ang kilay niya. His eyes became dark and the naughty smile vanished.
"Hindi mo siya kilala." Sagot ko.
"Bakit kayo naghiwalay?"
"Babaero siya." Sagot ko.
"Sino siya?" Halata ang selos kay Carlos.
"Soccer player ng Real Madrid." I replied.
Napabuntong hininga si Carlos. He pressed his forehead into mine.
"Huwag mo akong pagseselosin Allison. Hindi maganda sa pakiramdam."
"Then don't asked me stupid questions. Hindi maganda sa pakiramdam." I answered.
Sumilay na naman ang pilyong ngiti ni Carlos. Then he kissed me... And I forgot those women before me.

Umiwi si Carlos sa Tagaytay para sa check up niya. At naiwan akong namimiss ang mokong. While at my shop I had a vision, and I chuckled when I saw Khal and King getting married...again.

Kinabukasan, dumatin si Khal kasama si King.
"Congratulations in advance." Bungad ko sa kanila. Dumaan sila sa shop.
"Wala na akong surprise na balita sayo. Lahat alam mo." Yumakap si Khal sa akin. Puno ng saya ang mga mata.
"I saw this day already." I replied. Tumingin ako kay King.
"Worth it ang pagpigil ko sayo na pumunta ka ng Spain."
Hinampas ako ni Khaleesi. Nabigla ako.
"Ikaw pala ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay dati." Sabi nito.
"Hindi kayo magkakatuluyan ngayon kung pinilit nyo ang dati." Sagot ko.
"Sige na...Baka gabihin kayo." Niyakap ko ulit si Khal.
"Ingat kayo." I said to them before they drove away.

That night hindi ako makatulog so I called Carlos.
"Do you want me to be there?" Tanong ni Carlos.
"Hindi. Okay lang ako. Hindi lang ako mapakali. Kamusta ang check up mo?"
"Okay naman sweetheart. Nababaliw pa din ang PT ko sa mga result ng test niya." Tumatawang sagot ni Carlos.
"Sabihin mo Allie kung hindi ka okay diyan."
"Yeah. I will. I just can't shake this feeling off. Something is not right."
"Nag-aalala ako sayo."
Napangiti ako kahit papano. "Matulog ka na. Goodnight."
"Night Allie. I love you."
Hindi ako nakasagot.
"Natahimik ka." Carlos commented.
"Did you just said anything to me?"
Tumawa ng mahina si Carlos. "Yeah. I said I love you. Goodnight sweetheart. I'll see you soon."

Halos kakatulog ko pa lang when I receive a vision. Agad kong tinawagan si Beth. She answered my call crying.
"Ano ang nangyari?" Bungad ko sa kanya.
"Tulungan mo ako Allie. Hindi ko alam na makakasama ang pagtulong ko. They accused me of being a witch." Gumahagulgol si Beth.
"Nasaan si Uncle?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa sala. Nagbabantay sa sala. Allison, tulungan mo kami."
"Oo...Sige tatawag lang ako. Iready moa ng gamit ninyo ni Uncle. Aalis kayo diyan. Tawagan mo ako agad kapag may nangyari."

Alas singko pa lang. Nasa honeymoon pa si Khal pero siya lang ang malapit kay Beth. Then another vision hits me...

Merong bahay na nasusunog...Sumisigaw si Beth... Nasa sahig si Uncle...

Dali-dali kong tinawagan si Khaleesi. Mataglbago niya sinagot ang tawag ko.

"Hello."
"Khal, sorry sa istorbo. Kaya lang kailangan ko ng tulong."
"Bakit Allie?" Mukhang naalimpungatan si Khal.
"Si Beth... kailangan masundo si Beth ngayon. Pwede ba kayong pumunta sa Kalinga?Hindi siya makalabas ng bahay." Tuloy tuloy ang vision sa isip ko.
"Ano nangyari?"
"Napagbintangan siyang mangkukulam. Hindi siya makalabas ng bahay ni Uncle. I saw a vision, sasaktan nila si Beth. Kailangan nyo maitakas si Beth." Nanginginigang kamay ko.

God...what will I do with this gifts if I can't save them all?

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon