Chapter 2- When I met her

15.2K 402 9
                                    

Carlos

Dinala ko si Allie sa condo ko. Wala akong maisip na pwedeng pagdalan sa kanya. She's shaking and I don't know what to do.

"Okay ka pa?" Ilang beses ko na yata siyang tinanong hanggang makarating kami sa condo. Nanginginig siya habang nakaupo sa sofa.
"Ano ang nangyari Allie?" Tumabi ako sa kanya at hinarap siya sa akin.

"Kinailangan kong hilahin pabalik si Zoey." Nagsimulang pumatak ang mga luha niya.
"Hindi ko dapat ginawa pero ginawa ko. Mawawala sa atin pati si Rome kung hindi ko nailigtas si Zoey."
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. I didn't know the depth of her help.
"Ano ang naging kapalit sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Gaya ng sinabi ni Beth, nadidinig ko na sila...sabay-sabay. Their agony, some are suffering so much it hurts to hear it." Humihikbing sagot ni Allie.
"Hindi ko na maisasara ang pinto sa kanila. Yun ang naging kapalit ng ginawa ko. Lagi ko na silang madidinig."

"I thought you can see them already." I said to her.
Tumango si Allie. "Nakikita ko lang sila dati pero hindi nila ako nakakausap. Ngayon, pwede na nila akong makausap. Nanghihingi sila ng tulong, hindi ko alam kung paano sila tutulungan."

Huminga ng malalim si Allie. "For some reason, you made me calm when you hold me. And they, dis-appeared when you are near."
"Then stay near me." I replied to her.

Why does she fighting this? We have spark... she can feel this...

Hindi siya kumibo.

"Gusto mo bang matulog muna?"
Umiling si Allie. "Hindi ako nakakatulog."
"Anong hindi ka nakakatulog?"
"Ilanga raw na akong hindi natutulog. Hindi ako makatulog. Mas lalong hindi ako makakatulog ngayon." She replied.
"Diyos ko, Lord. Kaya pala ang putla-putla mo. Get up. Matutulog ka." Tumayo ako at hinintay siyang tumayo.
"Tumayo ka Allie, o bubuhatin kita? Either way, mapapasunod kita."
She looked resigned when she stands up. Hinila ko si Allie papasok sa kwarto ko. Wala pa akong nadadalang babae dito. I'm not a saint, I have flings... I have needs... But Allison is different... Until she's ready, I will enjoy myself first.

Tiningnan ni Allie ang kama then she looked at me.

"What?" I asked her.
"Ilang babae na ang nahiga dito?" Tanong niya.
"Huwag kang selosa. Wala pa akong nadadala dito." I replied. She rolled her almost black eyes on me.
Those eyes that I find to enchanting and mysterious.

Humiga si Allie sa kama na parang patay. Sobrang deretso at nakapatong ang mga kamay sa tiyan. Hindi ko napigilang tumawa.

"Ganyan kang matulog?"
"Hindi nga ako makakatulog." Sabi nito saka pumikit.
Mukha siyang patay na nakahiga sa kama ko. Her black hair spilled over my pillow, her long lashes are fanning her cheek. She looked like a dark goddess.
Umikot ako sa kabilang side ng kama, dahil nakahiga na siya sa side na paborito ko. Humiga ako sa tabi niya. She opened her eyes when the bed moved.
"What are you doing?" Tanong ni Allie.
"Helping you to sleep." I replied.
I cover her mouth with my hand when she started to protest... much to my dismay because I want to kiss her so bad.
"I will just be near you. If I can make you calm then maybe I can make you sleep. Just close your eyes Allie. Don't fight it."

Unti-unting sinarado ni Allie ang mga mata niya. I hold her hand until I hear her even breathing. She's sleeping.. And I have all the time to look at her while she sleep.

Baguio few years ago

"Khal, ano sasama ka ba?" Napapadalas tumambay sa café sa tapat ng school namin si Khaleesi.
May kausap si Khal na babae. Bakatalikod ito sa akin.
"Uy, Carlos. Bakit nandito ka?" Tanong ni Khal sa akin. Humarap ang babae and I forgot what Khal is asking me. She has the darkest eyes I've seen. So mesmerizing.

"Carlos... Si Allison nga pala, kaibigan ko. Allie, si Carlos pinsan ko. Kapatid ni Cailee." Pagpapakilala ni Khal sa amin.
Nilahad ko ang kamay ko sa Allie and I gave my best smile that girls are dying to get from me.
Tinanggap naman ni Allie ang kamay ko pero kumunot ang noo nito. Nagbawi agad ng kamay.

"Start na ng shift ko Khal. May lakad yata kayo." Bumaling si allie kay Khal. Nag-usap pa sila saglit bago umalis si Allison at pumasok sa service entrance.

Hinampas ako ni Khal sa braso. "Tigilan mo yang beautiful eyes mo kay Allie. Kaibigan ko yun." Hinila ako ni Khal palabas ng café.

I found thru Khal na nagtitinda si Allie ng mga goodies sa palengke ng Baguio after ng shift niya. Ulila si Allison kaya nagworking student siya para makapag-aral. Minsan, pinuntahan ko siya sa palengke para lang Makita ko ang kalagayan niya. She's wearing jeans, her hair is in messy bun and she looks annoyed to the tourist who's asking for so much discount.

"Hindi ka mabibilan kung masungit ka." Ang sabi ko ng umalis ang turista na pinagalitan niya.
Napatingin siya sa akin at saglit na hindi huminga.
"Ano ginagawa mo dito?"
"Namimili ng pasalubong." I replied.
"Para kanino?"
"Sa parents ko." I lied.
Humarap siya sa mga paninda nya.

"Merong strawberry jam, lengua, peanut brittle, pili nuts... pili ka na lang."
"Magkano binabayad sayo dito?"
"Huh?" Napatingin ulit si Allison sa akin.
"Per hour ka ba? Or per percentage ng mabebenta mo?"
"Meron akong porsiento kapag nakabenta ako." Sagot ni Allie.
Nakatingin na sa amin ang ibang tinder na katabi ni Allison.

"Sige bilin ko lahat." I told her.
"Ha?" Napamaang si Allison sa akin. I tried to hide my smile.
"Lahat. Para makaubos ka na. Makapagpahinga ka. Magkano lahat?"

"You are one of the strongest woman I knowAllie." Bulong ko sa kanya.
"When you will allow me to enter your heart?"

Niyakap ko si Allie dahil alam kong ngayon ko lang siya mayayakap ng ganito. Iinhale her scent and close my eyes and we sleep together.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon