Chapter 25- It's Over

12.7K 343 22
                                    

Allison

"Carlos..." I almost begged him not to go. Pabalik na sila sa Country Club.
Ngumiti si Carlos sa akin but there is a sadness in his eyes. He hugged me and kissed my forehead.
"One day, you will tell me everything, right?" Tanong ni Carlos.
"Yes. One day. Please, huwag ka ng magalit."
"Hindi ako galit, sweetheart." Sagot niya. He tried to smile but I know him... He is hurting...

Pinanood kong lumipad ang chopper hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

"Bakit kasi hindi mo sabihin sa kanya lahat?" Tanong ni Beth sa akin.
"Alam naman niya na siya ang talisman ko." Sagot ko.
"Hindi niya alam na natatakot ka. Kung ano ang mangyayari sayo kapag nakuha ka ng mga multo na gusto kang hilahin papunta sa kanila."
"Ayaw ko kasing maubliga siya sa akin." Sagot ko. "Ayaw kong matali siya sa akin kasi responsibilidad nya ako. I want him to choose me. Not because I need him but because he needs me."

Nilibang ko ang sarili ko sa shop. Nasa bahay ko si Beth at si Uncle. Tinutulungan ako ni Beth na gumawa ng mga oil na kailangan kong ire-stock.

"Psssttt... Paano pumunta sa Country Club?" Tanong ni Saint sa akin.
"Bakit?" I asked back.
"Pupuntahan ko si King." Sagot ni Saint.
"Kailan?"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko eh. Paano pumunta?"
"Kailan nga? Sasamahan kita."
"Sus... sisilay ka lang. Bukas ng madaling araw." Sagot ni Saint.
"Okay. See you at 3am. Sunduin mo ako sa bahay." Sagot ko.

Excited akong naghintay kay Saint kinabukasan. Late siya ng 30 minutes kaya panay sermon ko sa kanya pagdating niya. Tahimik siya na nagmamaneho habang nalulunod naman ako sa mga sasabihin ko kay Carlos. Tama si Beth, kahit papano kailangang malaman ni Carlos ang dahilan bakit ako nagsinungaling sa kanya dati.

"May tampuhan ba kayo?" Tanong ni Saint sa akin.
"May nagawa akong mali." I replied.
Tumango si Saint.
"Bakit hindi ko kilala si Cami?" I asked him after awhile.
"Wala na siya dito sa Pilipinas." He replied.
"Bakit hindi kayo nagkatuluyan?"
"Dahil pinakulong ako ng mga magulang niya." Sagot ni Saint.

Nabigla ako. Hindi ko alam yun. Never kong binasa ang past ni Saint. I gave his privacy dahil alam kong ayaw niyang pinag-uusapan ang buhay niya.

"Kailan ka nakulong?"
"Nung nahuli nila kami ni Cami na palabas ng motel." Nangingiting nailing si Saint. Pero merong bitterness sa pagkakasabi niya.

Tinawagan ni Saint si King. Nasa bahay daw sila nila Cailee kaya doon ko na pinaderetso ang kotse niya. Nasa likod daw sila, sa may gazebo sabi ng isang kasambahay. Dumaan kami ni Saint sa gilid ng mansion. Nadidinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko, pati na ang mga tili ng mga bata. Hinahabol ni Carlos si Axel na tumatakbo sa damuhan.

Hindi nila kami napansin na papalapit sa kanila. Isang magandang babae ang lumabas galing sa bahay. Tumatakbo ito palapit kay Carlos.

"Oh God, Carlos. I'm so...sorry honey." Ang sabi nito. Yumakap siya kay Carlos. Nakatalikod ang babae sa amin ni Saint. Nahinto ako sa kinakatayuan ko. Napahinto sa pagkukwentuhan pati ang mga kaibigan ko.
"Ngayon lang ako nakapunta sayo. I'm sorry..." The woman kissed Carlos in his lips.
And what hurts the most? He didn't push her away.
Pumatak ang mga luha ko habang nakikita kong hinahalikan ng babae si Carlos. Habang pinapayagan niyang halikan siya ng babae. Sa harap ng mga kaibigan namin.
"Okay na ba ang tuhod mo? I'm sorry hindi ko nasasagot ang mga tawag mo." Ang sabi pa nito.

Tumalikod ako at iniwan sila. Hindi ko kayang panoorin ang eksena. Masyadong masakit para sa akin.
I let down of my walls for him, but he only made me remember why I built them so high. I placed his ring at their main door. Tapos na... hindi lahat ng pinagtatagpo ay nagkakatuluyan.

Nauna akong pumunta sa kotse ni Saint. I let myself cry when we are outside of Country Club.

Carlos

I was shook to see Camilla running towards me. And I was stunned that she kissed me in front of my friends.

"Okay na ba ang tuhod mo? I'm sorry hindi ko nasasagot ang mga tawag mo." Ang sabi pa ni Camilla.
"Camilla..." I ended the kiss. Mukha talaga siyang concern.

"Saint..." I heard Khal murmured. Napatayo si Khaleesi. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Khal. I saw Saint's back.
Shit...

I tried to run para maabutan ko siya.

"Saint..." Sigaw ko sa kanya. Dere-deretso siyang naglakad papunta sa kotse niya. And on passenger side is Allison.
"Allie." Sigaw ko. But she didn't look up.
"Allison." I tried to run after them.

Isang masamang tingin ang binigay ni Saint bago niya pinaandar ng mabilis ang kotse niya. Hindi ko napansin na sinundan ako ni King at Khal.

"Carlos, huwag mong sundan. Baka maaksidente sila kapag hinabol mo." Pigil ni King sa akin.
"Kailangan kong mag-explain. Nakita nila si Camilla. Nandoon si Allison." I'm scared... Natatakot akong mawala si Allie. This is not supposed to happen.
"Hindi siya makikinig sayo." Umiling si Khal. "Give her time to process."

Naupo ako sa steps sa front door. Unti-unti ng bumabalot sa katawan ko ang takot. Tumabi sa akin si Khal habang nakatayo naman si King sa harapan namin. I tried to call Allison pero deretso sa voice mail ang mga tawag ko.

"Shit..." I murmured.
"Kanino 'to?" Tinaas ni Khal ang isang singsing.
Mas lalo akong nanghina ng makita ko ang singsing na binigay ko kay Allison.
"Kay Allie." Mahinang sagot ko. And I know she just broke up with me.

Never akong umiyak kahit ng mamatay si lolo. Kahit namamalipit ako sa sakit dahil sa injury, hindi ako umiyak. Pero ngayon, gusto kong umiyak sa takot dahil natatakot akong hindi na ako tanggapin ni Allison. Natatakot akong mawala siya.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon