Chapter 17- Carlos met Saint

12.2K 343 13
                                    

Allison

Wala na namang spare na toothbrush...
Tiningnan ko ng masama ang nag-iisang toothbrush na nasa toilet. Basa iyon at obvious na ginamit na ni Carlos kaninang naligo siya.

"Ang yaman yaman, walang spare na toothbrush sa condo niya." Bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang nag-iisang toothbrush at iyon na lang ang ginamit.

Tulog na si Carlos ng matapos akong maligo. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya.

"Somebody found my toothbrush." He said. I saw a glimpse of his smile kahit nakapikit ito. Gising pa pala. Napakapilyo talaga ng damaho. Hindi ko alam kung bakit mahal na ma... Wait! What? Saang galing yun?
Tumalikod ako kay Carlos. God... That...was... unexpected revelation... Napapikit ako ng madiin.

Naramdaman ko ang kamay ni Carlos sa baywang ko. He pulled me toward his chest. Kiss my nape and said his goodnight. Unti-unti akong hinila ng antok.

I woke up with a kiss on my nape.

"You have a tattoo." I heard Carlos sexy morning voice.
"What does it mean?" Tanong niya.
Napatingin ako sa singsing na nasa kanang ring finger ko. It is an infinity loop. A forever... Is this a promise? Damn, I am starting to be a lovesick puppy just because of this ring.
"Sweetheart, huwag kang magtulug-tulugan."
"Don't call me that..."
"Sorry... I don't accept complain from you. Gusto mo bang subukan yang agimat mo? Alas dos na."
Napabangon ako...
"Alas dos na ng hapon?" Tanong ko sa kanya.
Nagpipigil ito ng tawa. Hindi ko siya pinansin at pumasok sa toilet. Basa na naman ang toothbrush.

"Wala ka bang spare toothbrush?" Sigaw ko mula sa toilet.
"Nope... Sorry sweetheart. You can use mine...as always." He replied.
"Wala akong damit..."
"I called Jon. Papunta na siya dala ang gamit mo. Wear my t-shirt first." Sigaw ni Carlos.

We tried the ring that Carlos gave me... And it works... I don't know how. Hindi din alam ni lola kung paano, pero gumana siya.

Nakauwi na si King sa Country Club, nakakatayo na si Carlos ng walang tungkod at nakabalik na ako ng Baguio. Nasa paligid pa din ang mga multo pero gaya ng locket ko, hindi sila makalapit sa akin.

"Nakabalik ka na pala." Pumasok si Saint sa shop ko. Ang dami kong kailangang gawin. Madami din akong kailanagn irefill na stocks.
"Musta Saint?"
"At mukha kang masaya." Saint commented.
Umupo ito sa sofa na nasa shop ko. Pinag-off ko muna si Melba ngayong araw.

"Tumawag nga pala ang boyfriend mo." Simula ni Saint.
"Wala akong boyfriend."
I saw Saint rolled his eyes.
"Nakaschedule na kami. Aakyat daw siya ng Baguio."
Napahinto ako sa pag-aayos ng stocks ko ng scented candle.
"Kita mo na... Excited ka." He pointed out. Tumawa si Saint ng makita niyang naningkit ang mga mata ko.
"Kailan?" Tanong ko.
"Secret." Tumatawang sagot ni Saint.

Carlos called me everynight and our conversation lasted until my phone died. Kinuwento niya kung gaano kadaming test ang ginawang PT nya dahil impossible daw siyang makatayo agad dahil sa injury nya. And now he started to do some jogging but not too much.

Nasasanay na din ako sa mga sweet messages ni Carlos during daytime. Namimiss ko na din siya sa totoo lang.

"Hi." I heard his voice.
Napatulala si Melba ng makita si Carlos sa shop namin.
"Melba... isarado mo yang bibig mo." Kinalabit ko si Melba. Pinanlakihan ko siyang mata dahil ibubuking ako ng babaeng ito kay Carlos.
"Ngayon ba ang schedule mo kay Saint?" Tanong ko kay Carlos.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago ako niyakap. Nakatingin sa amin si Melba.
"Bukas pa. Naiinip lang ako sa Tagaytay. Nagsasawa na ako sa mukha ni Gab."Sagot nito. Bumitaw ako kay Carlos saka naiilang na ngumiti.

"Allie, kape mo." Napahinto si Saint ng makita akong may kasama.
"Saint si Carlos, Carlos si Saint." Pagpapakilala ko sa dalawa. Tumango si Saint bago nilapag ang kape na pinabili ko sa kanya sa table at nakipagkamay kay Carlos.
"Ngayon ba schedule natin?" Tanong ni Saint kay Carlos. Seryoso ang mukha nito.
"Bukas pa. Umaakyat lang ako ng maaga." Sagot ni Carlos. Nawala ang ngiti nito sa mukha.
Tumango si Saint sa akin bago ito lumabas ng shop ko. Kinuha ko ang mainit nakape at muntik ng maibuga kay Carlos ng tanungin niya ako.
"Nanliligaw ba sayo yun?"
"Sabi sayo ate, mukhang may gusto sayo si Saint." Sulsol pa ni Melba. Hindi niya nakikita ang pagtalim ng mata ni Carlos.
Mukhang magtatalo na naman kami.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon