Chapter 19- Nash

11.8K 375 15
                                    

Allison

"Allie, bumalik ka sa shop mo at hindi ako makakatrabaho ng maayos ng nakabantay ka sa boyfriend mo." Sita ni Saint sa akin pagpasok ko sa shop nya. Nakaupo na sa isang monoblock si Carlos. Tinanggal na nya ang t-shirt nya. Pinapahiran siya ng alcohol ni Nash, isa sa mga assistant nya. Wow abs.

Carlos wink at me when he saw my eyes lingering on his body. Hindi ako kumibo. Gusto ko talaga silang panoorin pero parang ayaw ni Saint na nandoon ako.

"Aba, hindi mo tinatanggi ah." I heard him chuckled while preparing for his tools.
"Boyfriend mo ba si Carlos, Allie?" Tanong ni Nash.
Unti-unting sumilay ang ngiti ni Carlos ng sumagot ako sa tanong ni Nash.
"Oo, kaya umayos ka." I replied.

"Akala ko ba patay na patay ka doon sa soccer player na lagi mong tinitingnan sa internet." Comment ni Nash. Narinig kong tumawa si Saint.
"At akala ko si Melba lang ang chismosa. At football player yun, Nash." Pinanlakihan ko ng mata si Nash.
"Naku nga Allie. Salawahan ka. May boyfriend ka na pala pero iniiyakan mo pa yun noong naaksidente." Hindi talaga makaintindi itong si Nash. Nakakalokong ngumiti sa akin si Carlos.
"Pre, ano pangalan ng karibal ko?" Tanong ni Carlos.
"Teka...nakalimutan ko... Sa team ng Real Madrid yun eh." Hayop na Nash 'to. All the way ang pagbuko sa akin. Sasakalin ko 'tong Melba na ito. Napakachismosa!!!

At si Saint, tawa lang ng tawa, hindi man lang bawalan ang kasama nya.
"Tumigil ka na Nash. Papasuin ko ng kape yang lalamunan mo." Banta ko sa kanya.
Napakapilyo ng ngiti ni Carlos. Hindi mapigil ang pagngisi sa mga nalalaman niya.

"Saint, ano nga pangalan nung inii-stalk ni Allie?" Tanong pa ni Nash. Aba't, ang tarantado nanghingi pa ng tulong.
"Sebastian." Sagot naman ni Saint. Tatawa-tawa itong humarap sa akin.
"Ah... yun ba. Akala ko si Tiago eh." Sagot ni Carlos kay Nash.
Namumula na ako sa kahihiyan. Si Melba pa naman ang pinagsabihan ko na huwag magkukwento kay Carlos, si Nash pala ang mambubuko sa akin.
"Ano pa ang ginagawa ni Allie sa internet?" Sakay naman si Carlos sa pagtatanong kay Nash.
"Nanonood ng game... Hindi ko alam maglaro ng soccer..."
"Football." Pagtatama ko sa sinasabi ni Nash.
"Soccer yun." Pagmamalaki ni Nash. Nakuha pang batukan ni Saint si Nash.
"Ang ingay mo." Sabi ni Saint.
"Natuto tuloy akong maglaro kakapanood ni Allie. Sa tuwing tatambay kami sa shop nya, panay soccer ang palabas sa TV." Reklamo pa ni Nash.

Hindi makapagsimula si Saint sa kakatawa. Pati si Carlos hindi mapigil ang tawa.

"Patay na patay si Allie dun sa player na yun." Nasa mood manglaglag si Nash. Damohong yan.
"Kabisado nga niya yung mga naging girlfriend nun."

"Hayop ka Nash." Binato ko na Nash ng papel na nakuha ko sa working table nila.
Instead na mahiya si Carlos, humahagalpak pa ito sa kakatawa.

"Huwag kang hihingi ng kape sa akin. Papasuin talaga kita." Nagdadabog akong lumabas ng shop nila habang nadidinig kong tumatawa ng malakas si Saint.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon