Chapter 20- Warning

11.9K 358 8
                                    

Carlos

Tawa ako ng tawa dahil namumula na si Allison sa mga binubuko ni Nash.

Hindi ko alam na updated pala siya sa mga nangyayari sa akin. And to know that Saint knew Allison's feelings for me made me feel like I won the championship in my game.

Nagdadabog na bumalik si Allison sa shop niya.

"Napikon yata si Allie." Nag-alala bigla si Nash.
"Malamang. Binuko mo eh." Sagot ni Saint.

"Ready ka na, pre?" Tanong ni Saint sa akin. Tumango ako.
"Baka hindi na ako bigyan ng kape nun." Sabi ni Nash.
I heard Saint chuckled. He open his machine.
"Meron pa naman siyang bagong coffee machine sa shop sabi ni Melba." Sagot ni Saint. Naramdaman ko ang kagat ng mga karayom sa balat ko.
"Hindi mo ba natatandaan si Carlos?" Tanong ni Saint kay Nash.
"Ngayon ko lang siya nakilala." Sagot ni Nash.
"Tanga...Siya si Sebastian ng Real Madrid. Carlos Sebastian."

Umikot si Nash para makaharap sa akin. Pinakatitigan ako. At ng mamukhaan nya siguro ako biglang nanlaki ang mata nito at napatayo.

"Naku, lagot ako kay Allison." Ang sabi ni Nash.
Natatawang nagpatuloy si Saint sa ginagawa niya. Isang tribal design sa kanang balikat ang pinapagawa ko sa kanya. And Allion's name was incorporated inside. You will not see her name until you look closely.
"Humingi ka ng kape sa kanya. Sabihin mo para sa akin." Sabi ni Saint. They are comfortable with each other. Matagal na nga silang magkakilala.
"Hindi na. Papasuin talaga ako nun. Bibili na lang ako sa labas." Sagot ni Nash.
"Pre, joke lang ang mga sinabi ko kanina." Bawi ni Nash.

Natahimik kami ni Saint ng lumabas si Nash. Tunog ng tattoo machine niya ang madidinig sa loob ng shop.

"Tatlong babae lang ang naging importante sa buong buhay ko, Carlos. Si mama, ang ex ko at si Allison." Bungad ni Saint. Hindi ako kumibo.
"Huwag mong papaiyakin si Allie." Deretso ang banta ni Saint.
"Wala akong balak na gawin yun." I replied.
"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. Hindi ako takot makulong kung mapapatay naman kita kapag sinaktan mo siya."
"Ano ba si Allison sayo?" Tanong ko kay Saint. Nahinto siya sa ginagawa niya. Pinatay niya ang machine.
"Para kong kapatid si Allison. Siya ang tumulong sa akin noong halos hindi na ako kumakain makapasok lang sa eskwela." Pagkukwento ni Saint.
"Kahit walang-wala si Allie, hindi yun papayag na hindi kami sabay kakain." Binuhay ulit ni Saint ang machine at napuno ang shop niya ng ingay galing dito. Naramdaman ko na ulit ang mga karayom.
"Tinulungan nya akong mapalibing si mama kahit pareho kaming estudyante pa lang noon." Dagdag ni Saint.

Allison has a heart that can fit the whole country. She will do everything for her friends... Kahit ano pa ang kapalit nito. And I never been more proud of her than hearing this story from Saint.

"Kaya seryosohin mo ang banta ko sayo, Carlos. Huwag mong sasaktan si Allison."

"It's good to know that Allie has you." I commented.
"Oo ah. Pero para mo akong sasaksakin dahil sa selos kahapon." Deretsong sagot ni Saint.
I snorted... Si Saint ang tipong totoong kaibigan. Panatag na ako na kaibigan siya ni Allison. At least may kasama siya sa Baguio kung wala ako sa tabi niya. I felt comfortable knowing my girl has Saint looking after her.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon