Chapter 8- Camilla

10.9K 271 4
                                    

Carlos

Binuhos ko lahat ng frustrations ko sa paglalaro, maganda naman ang mga naging result ng patayan kong practice para hindi ko maalala si Allison. Nagchampion kami at lalong dumami ang endorsement at commercials. Wala naman talaga akong pakialam sa kung magkano ang sinusweldo ko. Hindi din ako nanghihingi ng increase, ang team owner ang kusang nagdadagdag sa sweldo ko. Ang manager ko na ang bahala sa mga endorsement ko. Kailangan ko lang na dumating sa venue, ngumiti kung kailangan.

Halos hindi ako umuuwi ng bahay ko dahil ayaw kong makita ni Khal ang mga babaeng kasama ko. Pinsan ko man siya, kaibigan niya pa rin si Allison.

Minsan, nagulat ni Khal ng maabutan ko siyang may kausap sa cellphone.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Buti alam mo pang umuwi ng bahay." Sarcastic na sagot nito.
"Hirap din ng superstar ano? Tumawag ako sa phone mo, kailangan ko pa ba ng appointment para makausap kita?"
"Ano ba ang sinasabi mo?" Naupo ako sa tabi niya at pumikit.
"Ang sabi ng babaeng nakasagot, kailangan ko daw ng appointment para makausap ka. Sino ba yun?'
"No body." I replied. Kailangan kong pagsabihan ang assistant ko.

"Khal, alis na ako." I heard Allie's voice.
Napatingin ako kay Khal. Nakatutok na siya sa phone niya.
"Kailangan mong matulog Allie. Hindi na healthy ang mga ginagawa mo." Sabi ni Khal.
Tumawa si Allie. "Kaya ko yan, minsan nga 1 week akong walang tulog."
"Umaga na sa Pinas Allison. Matulog ka nga."

Nakita ko pang ngumiti si Allie bago nito pinatay ang video call.

"Hindi na naman siya makatulog?" I was referring to Allison.
Umiling si Khal. "Madalas siyang hindi natutulog. Kung makatulog man siya, pinakamahaba na ang 4 hours."
I closed my fist para mapagilan kong tumawag kay Allison. It's more than a year buhat ng mag-away kami.
"How is she?" Tanong ko kay Khal.
"Fine I think." She replied.

"Tigilan mo yang pangbababae mo. Magkakasakit ka ng AIDS sa ginagawa mo." Pangaral ni Khal.
"Sino ang may sabing nambababae ako?" Naghahamong tanong ko kay Khal.
She rolled her eyes.

"Merong isang babae na hinarang ako sa daan at nagwawala dahil inagaw daw kita sa kanya. Kahit sabihin kong magpinsan tayong dalawa, meron pa rin mga tanga na pinipilit na girlfriend mo ako."
I chuckled on what Khaleesi is saying.

"Pangalawa, isang babae din ang umiiyak sa gate mo last week dahil iniwan mo daw siya sa hotel sa Barcelona." Napangiwi ako doon. Hindi iyon sinabi sa akin ng P.A ko.
"Third, isa pang gagang babae ang pumasok dito at hinahanap ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Khal.
"Seriously, tigilan mo na yang pangbababae mo. Puro mga baliw ang nakukuha mo. Kailangan kasi pa bang isa-isabin ang iba?"

Nakaupo kami ni Khal sa sofa, walang kumikibo sa aming dalawa. Pareho kaming lutang ang isip, nakatingin sa kisame pero wala naman kaming nakikita.

"Wala na ba kayong pag-asa ni Allie?" Tanong ni Khal sa akin.
"Siya ang nang-iwan, hindi ako." I replied.
"Meron siguro siyang dahilan."
"Na ayaw sabihin sa akin..." Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.

Huminga ng malalim si Khal.

"Matutulog na ako." She said and went to her room.

Kahit ilang babae pa ang makasama ko sa gabi, kay Allie pa din bumabalik ang isip ko. After a year without any news from her, isang sulyap lang sa mukha niya, kusang bumabalik ang utak ko sa gabing nakasama ko siya.

"Khal, punta kami sa Italia sa susunod na araw. Sama ka?" Sigaw ko sa hallway.
"Ayaw ko." Sagot nito.

Bakit ba kasi ayaw maglalabas nito si Khal? Hindi ba ito makamove-on kay King Kong? Sa bagay, sino ba naman ako para magtanong ng ganun? Ako nga hindi makamove-on kay Allie, si Khaleesi pa kaya.

Tang-inang yan, mukhang hindi na din ako makakatulog nito.

Hayyy... Allison. Anong gayuma ang ginawa mo sa akin?

"Carlos, Amigo... I have someone I like you to meet." Bungad ni Tiago ng makita ko siya sa restaurant sa ibaba ng hotel namin.
"Pass..." I replied.
"No... no... no... This is your type." Pilit nito. Si Tiago ang isa sa naging kaibigan ko sa team. Hindi naman sa hindi ko kaibigan ang iba... Mataas lang ang competition sa mga player kahit iisang team pa kami.
"I have a type?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Yes... Dark hair, rosy white complexion, dark eyes..." Sagot ni Tiago.
Hindi ako kumibo...Umorder na lang ako sa waiter ng pagkain ko.

"Camilla" Kumaway si Tiago... at isang magandang babae ang ngumiti at lumapit saamin.
"Camilla, this is Carlos Sebastian. Carlos this is Camilla Gonzales."Pagpapakilala ni Tiago.
"This is a set up, Tiago." Nakangiting comment ni Camilla.
"Enjoy." Ngumisi si Tiago bago kami iniwan ni Camilla.
"Please have a seat. Tiago just disappeared." I wave my hand.
"Sira-ulo talaga si Tiago." Sagot ni Camilla.
Napatingin ako sa kanya. "Pinoy ka?"
Tumawa si Camilla. "Yes."

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon