Chapter 15- Heart to heart

12.1K 329 27
                                    

Allison

Pagbalik namin galing Negros, nakakatayo na si Carlos ng walang saklay. Hindi makapaniwala ang PT niya na nakarecover agad ni Carlos. Kaya ng maglakad ni Carlos gamit ang tungkod.

"Allie, thank you for healing me." Carlso told me after kong mapainit ang tuhod niya.
"Okay lang. Makakabalik ka na sa game mo." I replied.
"May kasama ba tayo ngayon?" Tanong ni Carlos.
"Wala." Himalang wala si lola na laging nakasimangot sa akin sa tuwing aalis ako ng hindi kinakausap ni Carlos.
Hinawakan ni Carlos ang kamay ko at hinila ako paupo sa kama. He didn't let me go.

"What happened to us?" Nabigla ako sa tanong ni Carlos.
"Wala namang tayo..." Sagot ko sa kanya.
"If you just tell me what's wrong, Allie, I can understand why you are pushing me away."
My heart is begging me to tell him what's wrong. But my mind keep fighting it. Unti-unting lumitaw ang mga luha ko sa mata.
"There is a reason, yes?" Tanong ni Carlos.
Tumango ako.
"Because you don't like me?"
"It's not like that, Carlos." I replied.
"So there is a chance for us." He concluded.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"Is there any other guy?" Tanong niya.
Napangiti ako kahit umiiyak. "Ikaw ang madaming babae."
I saw him smirk.
"Is there any other guy?" Tanong ulit niya.
Umiling ako. I saw him exhale deeply. He dried my tears.
"Let me in, Allie."
I want too...
"Let me help you. Let me take care of you."
"Meron kang Camilla." I said softly.
"Walang kami ni Camilla." He said.
I smile sadly.
"If you just give me a small chance... Just a small chance Allie, I'll prove to you that I will be one of the best decisions you'll ever make."
"Why do you put up with me?" Tanong ko kay Carlos.
"Because you are fire, and I've been cold until you came into my life."

"Ano ang balak mo?" Tanong ni lola ng gabing iyon.
"Hindi ko alam, lola." Sagot ko.
"Huwag mo na kasing labanan... Hayaan mong alagaan ka niya." Sagot ni lola.

Ang isa sa ugali ng mga kaibigan ko, kapag gusto nila, makukuha talaga nila. Gaya ng concert ni Ed Sheeran. Ang alam ko, wala na talagang ticket peronakakuha pa daw sila ng VIP seats. Kaya ngayon, nakikinig kami sa boses ni Ed habang katabi ko si Carlos at hawak ang kamay ko.

Ang galing galing kong magpayo kay Khal, hindi ko naman sinusunod ang payo ko. Tama si Carlos, duwag ako.

Palabas na kami ng concert na maiwan si Khal dahil kinailangan nyang magtoilet. Then a vision came to me.

"Hanapin natin si Khal. Merong masamang mangyayari." I told my friends ng sabihin ni Cailee na mag-isa lang nagpunta sa toilet si Khaleesi.

Naghiwa-hiwalay kami. Sinamahan ako ni Carlos sa paghahanap kay Khal. Tinawagan ko si King na bilisan. Naabutan namin si Khal na sumisigaw at nanghihingi ng tulong. Naabutan ni King si Khal pero si King ang inabot sa pagsaboy ng asido ni Tina.

Iyak ng iyak si Khal at halos mawalan ng malay si Tina sa inabot nitong sampal kay Khaleesi. Wala akong magawa. Hindi ko alam gamutin ang sugat ni King. Wala siyang malay na nakadapa sa sahig.

Napahawak ako sa kwintas ko. Doon ko pa lang namalayan na wala na ito.

"Ang kwintas ko." I murmured.
"Alin?" Balik na tanong ni Carlos.
"Nawawala ang kwintas ko." I told him.
Takot ang bumalot sa akin...
"Palitan na lang natin. Hindi mo na makikita yun. Baka nahablot yun kanina." Kinakalma ako ni Carlos.
"Nandoon ang pangontra ko eh." I honestly told him.

Hindi ko pa sila nararamdaman ngayon dahil kasama ko pa si Carlos.
Kailan pa ako makakahanap ng time na makakuha ulit ng buhok niya?

Hindi ko muna inintindi ang posibilidad na mangyari, pumunta kami sa hospital para samahan si King. Napakapit ako kay Carlos pagpasok namin. I hate hospitals much as I hate cemetery.

"Gusto mo munang umuwi?" Tanong ni Carlos.
"Tingnan muna natin si King kung okay siya. Huwag mo akong bitawan, please."
Naramdaman kong niyakap ako ni Carlos at hinalikan sa noo.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon