So we met. Once, twice hanggang sa naging madalas na ang pagkikita namin.
Even though he's busy he still make time to have dinner with me or sometimes if I have client meetings he always fetch me then we would go have coffee or a drink.
Kung iisipin walang malisya 'yung mga labas namin at minsan ay kasama pa namin si Cole. It was a mere catch up na naextend ng naextend sa tagal namin hindi nagkita.
Sa totoo lang naging close ko na rin ang barkada. Unsurprisingly, sobrang kulit nila at persistent. Nung naghiwalay kami ni Eris hindi ko inexpect na magkikita pa kami ulit nila Seth pero nagreach out sila sa akin lalo na 'yung mga girlfriend nila.
Iniiwasan kong makipagkita sa kanila pero eventually pumayag rin ako. Sa isip ko isang beses lang para magtigil na sila. They have enough sense not to invite Eris when they invite me.
Until naging madalas ang pagkikita at naging constant na. Sayang lang at hindi na kasama si Jenny. Ang alam ko nagbreak na sila ni Azriel sa hindi ko malamang dahilan dahil ayaw ko rin itanong but of course we girls have our own speculation.
Ngayon lang kami magkikita nila Dave na kasama si Eris. Nalaman nila na naguusap na kami ulit so knowing them they grabbed the chance.
Sa bahay ni Seth kami magkikita before going somewhere else. I went alone though Eris offered to fetch me, I declined dahil sigurado akong gagawan nila kami ng issue sa oras na makita nila kami na sabay dumating.
I saw Eris came but didn't acknowledged his presence. The girls kept giving me meaningful stares that I pretended I didn't see.
"Hindi ko talaga maintindihan. How? Ako? I can never be friends with my ex. I mean kasi ex na diba!"
Tumawa ako. "Actually you can. Depende lang sa tao."
"Tatlo lang naman yan. Sympre kung bitter ka o nakamove on ka na o kasi mahal mo pa. So ano doon, Mor?"
"Hindi ba pwedeng kasi may pinagsamahan rin kami?" Sabi ko.
"Pwede pero alin nga doon?"
Bago pa ako makasagot ay may tumikhim sa tabi ko. It was no other than Eris.
"Tara na." Then he blocked my way. "Ikaw sasabay ka sa akin."
"At bakit? Ayaw ko nga."
"Ayaw mo?" Parang hindi siya makapaniwala na 'yun ang sagot ko.
"Oo. Ang dami dami kong pwedeng sabayan noh. Baka sabihin mo nanaman namiss ko sumabay sayo."
Tumaas ang kilay niya then suddenly it was amusing for him. "So kanino ka sasabay? Makikithirdwheel ka?"
I held up my chin and answered proudly. "Kay Azriel."
His mouth formed an o. Then turned to his friend that is now standing behind him.
"Since when did you two become close?" He narrowed his eyes at me.
I only smiled and walked passed him. Azriel seemed ready to decline or ask questions but good thing he didn't. He just nodded and turned.
"So what's up?" Azriel only asked when we're alone in his car.
"Nothing. Friends lang." Sabi ko.
Tumawa siya. "Seriously? If I'm Seth I might believe you."
"Pwedeng itabi mo lang at bababa ako?"
"Nagsisisi ka na ngayon na sa akin ka sumabay?" Az laughed.
"I really don't like you."
Tumawa lang siya pero hindi na ulit nang asar. Nauna silang nakarating pero naghihintay si Eris sa may parking habang nakasandal sa kotse niya.
Umayos siya ng tayo nang nakita kami. "Tagal niyo?" He asked in an annoyed tone.
Tinuro lang ako ni Azriel."Wow, Az! Ako talaga?"
"Pinapatabi mo ako kanina kaya tayo natagalan." Sagot niya.
Nanliit ang mata ko. "Daldal mo kasi."
Nakatingin lang sa akin si Eris then after a while he turned to Azriel.
"Nasa loob na sila." Sabi niya sa akin.
Pinapasok na ako ni Eris habang naiwan sila sa labas. Nilingon ko pa sila at nakita kong nakangisi si Az habang walang reaksyon naman si Eris.
Hinayaan ko na sila doon at hinanap ang ibang kaibigan namin.
Hindi ko na napansin kung kailan sila dumating. Basta ko nalang sila nakita and they looked chums now.
Since wala kaming nakuhang couch at tanging table lang ang meron dahil hindi kami nakapagreserve ay sumayaw nalang kami. Kasama ako ng mga girls na sumasayaw nang bigla ko nalang napansin na si Dave at si Seth na pala ang kasayaw ko.
It was nothing for me because we were just having fun. They are not touching me in place that shouldn't be touched so hindi awkward at sanay na rin ako dahil madalas ko silang nakakasama sa parties.
But looking at Eris parang ang laking kasalanan ng ginagawa ko. He kept catching my stare and frowning while at it.
Hindi ko nga siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Ang arte niya! Wala akong time para sa kaartehan niya ngayong gabi.May client meeting ako bukas kaya sinusulit ko ang pagiging wild dahil magpapaka-formal nanaman ako bukas.
Sa totoo lang malaki daw ang pinagbago ko sabi nila but for the better. Mas naging open daw ako at nakikipagsocialize. Maybe because of my line of work na rin siguro.
And I realized that with my attitude mahirap nang makahanap ng boyfriend na tatanggapin ako at dahil rin doon mas nahihirapan akong magkaroon ng stable relationship. Hindi ko kayang isacrifice ang mga bagay na nagagawa ko pag single tsaka pag nasa isang relasyon.
I'm not getting younger pero hindi ako nagmamadali. Kung itatanong kung may chance kami ni Eris? Hindi ko alam.
Eris offered to drive me home. Hindi na ako naginarte dahil narealize ko na mas gugustuhin ko siyang makasama kaysa kay Azriel.
Medyo lasing na rin ako at gusto ko nang matulog. Inalalayan niya ako papunta sa kotse kahit na sinabi kong kaya ko.
Isang tingin lang niya ay napatahimik na ako at hinayaan siya but I haven't been more awake when he grip my waist and I leaned into him.
I will be lying if I say I didn't miss him. I did. God I do! I missed him so much that I want to cling to him as long as I can.
"Quit drinking kung hindi mo kaya ang sarili mo. You never learned your lesson." He said when we were in the car.
"Nandyan ka naman eh." I just blurted it out without thinking.
"Paano kung wala ako? Paano kung iba ang naguwi sayo at wala kang kaalam alam?"
"Nandyan ka naman." Ulit ko.
Umiling lang siya at hindi na nagsalita.
Dahil nakainom ako umandar ang pagiging makulit at tapang ko. "Bakit iiwan mo ba ako ulit?"
Isang matigas na "No" ang binitiwan niya.
I nodded and fell asleep after that.
YOU ARE READING
Perfect Match (Completed)
RomanceGirl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.