I don't know if the universe hate me or if I'm just a really unlucky person. Jake and I became group mates in the last project that we will be doing which counts for half of our grade as it will become our finals for that subject.
Habang nagmimeeting ay kinakausap ako ni Jake. Though I'm a bit aloof he still keep talking. It's not that I don't want to talk to him but as much as possible I'm staying away because I love Eris at ayaw kong may gawin na hindi niya gusto.
Tumingin ako kay Eris at nakita ni Jake 'yun.
"So you're together now." He said.
"Yup."
"Oh wow. Okay."
Hindi ako sumagot. Nagfocus ako sa pinaguusapan ng grupo.
Nung uwian na ay nagsabay kami ni Eris sa paguwi at kumain kami sa tapsi like we always do.
May special treatment na nga kami dahil sa pagiging feeling close ni Eris sa owner.
"Pagikakasal na kayo ah." Biro ng may-ari sa amin bago kami umalis.
"Umoo lang 'tong kasama ko walang problema." Tumawa si Eris.
Hinampas ko siya pagkaalis namin. "Ikaw talaga, pinagloloko mo nanaman 'yung tao. Baka mamaya umasa 'yun."
"Hindi ako nagbibiro. Unless ayaw mong pakasal sa akin." Was his answer.
"Tsaka na pag may bahay at lupa ka na." Sabi ko.
"'Yun lang pala. Bukas bibili na ako tapos pakasal na tayo?"
"Hindi ka pa nga nagpropose."
Without any warning bigla siyang lumuhod. Nagtinginan agad ang mga tao sa lobby ng tower. Nanlaki ang mata ko at akmang tatakbo palayo pero nahawakan niya ang kamay ko at ngumisi.
Hinihila ko pabalik ang kamay ko pero mahigpit rin ang hawak niya. This time people are really gathering around us, expecting some kind of show or proposal to happen which will not happen.
After smiling at the people watching Eris faced me with an annoying smile. "Someday, Mor." Then pulled me and we ran.
"Wag mo nang uulitin 'yun! Nakakahiya ka talaga." Sabi ko pagkadating namin sa unit.
"Ayaw mo talagang pakasal sa akin?" This time narinig ko ang lungkot sa boses niya pero agad rin naman niyang binago. "What's wrong with me? Gwapo naman ako. I'm sure magiging magaganda at gwapo mga anak natin.""Anong pakasal pinagsasabi mo. Ang bata ko pa kaya!" This is me trying to avoid the topic.
God! This is making me blush.
"Ilan taon mo ba gustong ikasal?"
"Mga 28 or 29." Sagot ko. "Ikaw?"
"Kung kailan ka ready. Ikaw lang naman ang inaantay ko. 'Yung oo mo lang kailangan ko."
I turned to face him. How can he be so calm while saying that to me. Habang ako hindi ko na mahabol ang hininga ko sa bilis ng takbo ng puso ko.
"Well, in that case, matagal pa 'yun. Maghihintay ka?"
"Why not? Kahit gaano katagal basta sasamahan mo ko." He shrugged and sprawled on his bed.
Sumandal naman ako sa pader habang tinitignan ko siya. Nakapikit siya pero alam kong hindi siya tulog.
"I would say yes, you know."
He sat up immediately, hand on his chest. "Do you want me to have a heart attack?"
"Bakit?" Natatawa kong sabi.
"Wala man lang warning?"
"Quits lang. Ikaw nga wala man lang pasabi." Ngumiti ako. "Speaking of which, anong plano mo pagkagraduate?"
Eris sighed. "Actually Dad want me to work for him. That's why I'm busy these days."
"What's with the long face? At least you don't have to worry na walang trabaho."
"Ang bilis kasi. He's teaching me the know-how now."
"Training agad? Wow. Big time ka na pala next time." Panloloko ko.
"Kaya nga sabi ko sayo pakasal ka sa akin."
I sighed in defeat. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa kanya. He's always saying those lines to me and I don't even know what to react because sometimes when I thought it's a joke he makes it look like it wasn't.Ngumisi siya. "Speechless ka nanaman. Okay lang maging speechless ngayon wag lang sa kasal natin."
"Heh! Tigilan mo na ako dyan, Eris. Baka hindi talaga kita pakasalan makita mo!" Pabiro ko siyang tinulak. "Balik na nga sa usapan. So magwowork ka sa Papa mo, pero ikaw anong gusto mo?"
Tumingin siya sa akin sabay ngumisi. I know on instant what he's going to say so before he could say it I narrowed my eyes and he got my point.
He laughed out loud first before answering my question. Seriously this time. "I don't know. I want to have my own business so maybe working for my Dad is my training ground and maybe someday I'll have my own. Who knows right?" He shrugged and lay down on my lap. "Ikaw?"
Hindi muna ako sumagot. Iniisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo o ang usual sagot ko pag may nagtatanong. I chose the first.
"Sa totoo lang, kahit anong course sa college okay lang sa akin. Because I really want to be an event organizer. I know mababaw pero 'yun ang gusto ko. Feel ko nga minsan walang kwentang pangarap because everybody can do that. Kung may chance kahit assistant or staff and kahit maliit lang sweldo pwede na sa akin."
Ngumuso si Eris at nagulat nalang ako nang bigla siyang umayos ng upo at hinawakan ang mukha ko. "Kahit pa sabihin ng iba na mababaw, don't ever think like that. Because that's your dream. Who cares kung mababaw kung doon ka naman masaya. Basta ako, susuportahan kita kahit anong gusto mo. You could even dream to be a couch potato and I would still support you."
Now I was really speechless. I just stared at him thinking how lucky I am to find such a man. Sa tuwing sinasabi ko kung anong gusto kong gawin, madalas ang sinasabi sa akin ay maghanap ng ibang mapaglilibangan o matinong trabaho dahil hindi naman ako aasenso sa gusto kong mangyari. But instead of judging me, support is what I got from him.
I remember saying this to Jake and he was like, "That's it? 'Yun lang?"
I actually feel embarrassed to say it after that. We never talked about it again but with Eris I feel like I could say anything and he would not even bat his eyelash no matter how absurd I am.
"Thank you." I said.
He chuckled. "Oh bakit ka naiiyak?"
Umiling lang ako. Tumawa lang siya at niyakap ako.
We stayed like that hanggang sa mangawit ang isa sa amin. This guy never fails to surprise me and it's still too early to say this but I think Eris is the one I want to be with for the rest of my life if God allow us.
BINABASA MO ANG
Perfect Match (Completed)
RomanceGirl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.