CHAPTER 21 - Expect The Unexpected

Magsimula sa umpisa
                                    

HIndi pa rin siya umiimik, alam kong nag-iisip si Tita kasi ang seryoso ng mukha niya. Hindi yung galit na look pero parang may malalim syang iniisip. Kaya nagpatuloy pa rin ako...

"Pero tita, kung sakaling di mo talaga kami tatanggapin, gagawin ko po talaga ang lahat para sa inyo ni Tito at para kay Nicole. Di ko kayang mawala siya tita, lalo na rin po kayo. Tinuring nyo rin ako bilang isang anak nung nawala sina mom and dad, di ako papayag na mawala rin kayo. Please Tita..." nagmamakaawa na talaga ako sa kanya, humahagulgol na ako sa pag-iyak. Lumuhod ako sa tagiliran niya para ipakita sa kanya na sincere ako sa mga sinasabi ko.

"T-tumayo ka Khym...nakakahiya.." sabi ni tita habang pinapatayo ako.

Pinunasan niya yung luha sa pisngi ko, nagulat ako nung ginawa niya yun. Para kasing lumambot na yung puso niya.

"Gagawin mo ba talaga ang lahat?" tanong ni Tita.

"O-opo." sabi ko.

"Then mahalin mo siya ng sobra pa sa pagmamahal namin sa kanya."

.

.

Rinig niyo yun? Para akong nabingi pagkatapos kong marinig yun. Sumasang-ayon ba siya sa relasyon namin ni Nicole?

"P-po?"

"Papayag na ako." sabi ni Tita habang nakangiti.

Wala na akong masabi, parang nawala na yung takot sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag tinanggap ka ng pamilya ng taong minamahal mo. Wala na akong nagawa kaya niyakap ko ng mahigpit si Tita. Ang saya-saya kooo! Whooo!

"Thank you Tita! Thank you! Thank You! Thank you!" I'm crying, tears of joy kasi :')

"Nanay na ang tawag mo sa akin iha. Tears of joy ba yan?" tanong niya habang nakayakap pa rin ako kay Tita.

"O-opo.. Ang saya-saya ko po kasi tinanggap nyo po ako para maging parte sa pamilya nnyo. At saka na rin po sa pagsang-ayon niyo na liligawan ko si Nicole." sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at nakisama na rin sina mommy at Tito. 

"GROUP FAMILY HUG!" sigaw ko at nagyakapan kaming apat.

"Eh ako?" sabi ni Nico. Hinila siya ni tito at nagyakapan na kaming lahat.

Grabe ang saya ko sa araw nito! <3

.

.

.

Maghapon....

"Punta kayo tay and nay ha? Ang driver ko na ang maghahatid sa inyo sa araw na yun. Sana po andun kayo para po makita na nnyo si Nicole at saka ma witness nyo po ang pangliligaw ko sa kanya." sabi ko. Sabi kasi nina Tito Ramon at Tita Kristina na tatay at nanay na daw ang tawag ko sa kanila. Naks naman noh? :)))

"Walang problema yun iha, promise pupunta kami." sabi ni Tito.

"Cge po, uwi na kami. Baka kasi walang kasama si Nicole dun. Bye 'tay, bye 'nay." at nakipagbeso na rin ako sa kanila. Pati na rin si mommy.

"Ingat kayo iha ha?" sabi ni Tita Kristina.

"Walang problema po 'nay." sabi ko bago makapasok sa kotse.

"Bye dre." sabay kaway ni Nico.

 At pumasok na kami sa kotse ni Mommy. Pero biglang kumatok si Tita...

"May nakalimutan ba kami tita?-- ay este 'nay?"

"Paki sabi ni Nicole na miss na miss na namin siya." sabi ni Tita. Kitang kita mo talaga sa mga mata nila tito ang lungkot dahil matagal na nilang hindi nakita si Nicole. Busy kasi siya eh, kasi nung una pinapasa ko sa kanya yung mga trabaho ko. Na guilty tuloy ako :(

Kaya nag-isip ako ng paraan para magkita sila.

Hmm...

.

.

.

.

AHA! Alam ko na!

"May plano po ako, maghanda na po kayo bukas kasi dadalhin ko siya dito. Isu-surprise ko po siya, alam kong miss na miss nyo na po talaga si Nicole. " sabi ko.

"Naku! Magandang idea yan anak!" galak na sabi ni mommy.

"T-talaga iha? M-maraming salamat talaga!" nangingiyak na sabi ni Tita Kristina at niyakap niya ako. Nakangiti rin si Tito Ramon, mukhang narinig niya yung sinabi ko. Si Nico naman masayang nakangiti habang naka akbay sa tatay niya.

"Walang anuman po, promise ko po yan. Para naman maging masaya yung mga taong mahal na mahal ko. Lalo na po kayo nina Tito, Nico at Nicole." sabi ko.

Ang saya lang eh noh? Kung sana andito rin sina mommy and daddy, sigurado ako ma mas sasaya pa ang mararamdaman ko kapag andito rin sila, pero wala na eh. Masaya pa rin ako kasi may pangalawa na akong pamilya na sina Tita Kristina at Tito Ramon, Nico at syempre kasali na si Tita Belle ko. Masayang-masaya rin si mom and dad sa heaven ngayon kasi I found someone who would fill the bar of my happiness, at si Nicole yun <3

Now I've completed my first task, si Nicole na naman ang sunod :)) Liligawan at mamahalin ko siya na mas higit pa sa mga nagawa ko noon sa mga babae. Iba na ito, seryoso at sincere ako sa feelings ko para sa kanya, kaya I should treat her like she's the last person I want to love.

Paparating na ako Nicole, malapit na malapit na talaga ;)

-----------------------------------------------------------------------------------------

Yeeeeeeeey! Ang ganda ng chapter na 'to noh? Mukhang masaya tong si Khym sa mga nangyayari. Eh kayo mga readers? Masaya rin ba kayo? Sana masaya rin kayo katulad ni Khym! :))) Sorry if may typo at errors. After completing this story, mag e-edit talaga ako. If you like this chapter, leave a comment kung may gusto kayong sabihin tungkol sa chapter na'to (mapa positive pa or mapa negative) or kung gusto niyo ma mention ko kayo sa next chapter as an acknowledgement, sabihin nyo lang sa'kin sa comments, 'kay? ;) Kung ayaw niyo, edi click star above/ vote my chapter. Thank you for reading guys! 'Til next chapter! ;)

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon