CHAPTER 21 - Expect The Unexpected

Start from the beginning
                                    

"Cge iha, gawin mo kung ano ang ikararapat."

.

.

*tok*

*tok*

*tok*

"Ah! Baka si Tita Bella at Tita Kristina mo na yan." naglakad si tito papunta sa pinto at binuksan ito. Pero si Nico pala yun.

"Oh? Khym?" bati nito.

"Hey Nico." 

"Pasok ka Nico, may sinigang sa lamesa, kumain ka na." sabi ni tito.

"Sup Khym?"

"Eto, nanliligaw sa ate mo." sabi ko.

"H-ha?" pagtataka nito. Nagulat sha nun ah, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, matatawa ba ako o hindi.

"Ay wag mo na pansinin yun Nico, kumain ka na muna." sabi ni tito habang pinapasok si Nico sa kusina.

Hayy, buti naman at tinanggap ako ni Tito Ramon. Si Tita Kristina nlng ang problema ko ngayon. Kailagan ko muna kausapin si Tita Kristina bago ko pa ligawan si Nicole para maging maayos na ang lahat.

"Tito Ramon." tawag ko.

"Oh iha?"

"Saan po ba laging pumupunta si Tita? Alam mo po ba kung saan siya ngayon?" tanong ko.

"Oo iha, nasa malapit lang yun. Tara ihahatid kita dun. Kakausapin mo ba?"

Nababasa talaga ni Tito yung iniisip ko, sana ganito rin si Tita.

"O-opo tito." sagot ko.

"Cge. Tara."

Naglakbay kami patungo sa kabilang bukid, nandun kasi yung mga inaalagang hayop nila Tito Ramon, baka daw andun rin si Tita kasama si Mommy. 

"Dahan-dahan lang, baka madumihan ka." sabi ni tito.

Ilang hakbang nlng at makikita na namin ang maliit na kubo. Nakita namin si Tita na umiiyak, habang kayakap niya si mommy. Nasasaktan rin ako kapag nakikita si Tita ng ganyan, at kasalanan ko yun. 

"Puntahan mo na iha, nandito lang kami." sabi ni tito.

Kaya naglakad ako patungo sa kanila. Ninenerbyos ako pero kailangan ko 'tong gawin, para sa amin ni Nicole at para na rin kay Tita.

"Ako na po ang bahala dito Mommy." sabi ko

"Cge iha." at bumalik si mommy ni Tito Ramon.

Huminahon na si Tita pero ang bilog na ng mga mata niya...

"Tita..." tawag ko. Pero hindi siya umimik nun. Kaya ako na ang nag umpisang mag salita.

"Alam ko po tita na mahirap tanggapin kung ano man ang meron kami ni Nicole pero tita... Masaya si Nicole, at pati na rin po ako. Nung una po, tinataboy ko siya kasi may minahal akong iba. Alam kong masakit para sa kanya yun kaya nga po ako narito para humingi ng patawad sa inyo kung nasaktan ko yung anak niyo. Pero hindi yan ang tanging dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Nandito ako para sabihin sa inyo na mahal ko siya, na gusto kong suklian yung pagmamahal niya sa akin. Marami po syang ginawa sa akin noon, at kung di dahil sa kanya, wala ako dito sa harapan niyo. Hindi niya ako iniwan, hindi niya ako sinuko noon pa kaya humihingi po ako ng permisyon para ligawan yung anak niyo. Inuna ko kayo kasi kayo gusto ko na kayo ang mauunang maka-alam dahil kayo po ang nagpalaki at naghirap para sa babaeng minamamahal ko. Nagpasasalamat po ako sa inyo dahil pinalaki nyo ng maayos si Nicole, ambait niya po. Hindi ko akalain na maiinlove ako sa kanya nung mga oras na yun. Siya na po yung pinakamasipag, pinakamabait at pinakamapag-unawa na babaeng nakilala ko. Nagmana po talaga sa inyo tita." sabi ko.

Heart Lies (gxg)Where stories live. Discover now