Tahimik lamang kami habang nagha-hike pabalik. Walang ni isang nagsalita sa'min dahil sa pagkadismaya.

Thereafter, we saw three vehicles waiting for us.

"The sun is already setting down. We need to get home." paalala ni Heather pagpasok niya sa sasakyan.

We have passed by the lahar cliffs when I started questioning myself. The night that the mist thickened was the same night that the rebels stopped their rampage.

Dati kasi naging misyon ng rebels ang hanapin ang anak ng titan goddess at patayin siya. While searching, they were able to encounter other descendants whom they killed as well.

But the thing is...

'Una na kami lola!'

Napangiti ako at niyakap si Jamie. Parang dati lang hindi pa nakakalakad ang batang 'to. Ngayon, ang bilis nang tumakbo.

'Ma..' kasunod akong hinalikan sa pisngi ni Adelphine.

I sighed.

Just look at how time is fleeting for a demigod like me. Nakagraduate na ako ng Olympus and I have decided to live my remaining life alone after my husband died. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mag-isa dahil bumibisita sina Adelphine paminsan-minsan.

'Hinahanap-hanap ka palagi ni Jamie.. ayaw mo ba talagang manirahan sa'min?' nag-aalalang tanong ng anak ko.

Umiling ako.

Nagbuntong-hininga siya saka tumango. Saka sila nagpaalam bago tuluyang makaalis.

Nasa kusina ako nang makarinig ulit ng katok mula sa labas. Inaasahan kong sina Adelphine ito na may naiwan.

But to my surprise... it was not.

'Excuse me... do you have... perhaps... another child here?'

A woman with a shaky voice asked. I can feel something wrong about her.

'No.' sagot ko while being cautious with my next move.

'Oh..' napatigil siya. 'I thought I smelled another young demigod.' agad siyang nawala sa kanyang kinatatayuan.

'Tell me the truth.' nakatayo na siya sa gitna ng sala at may nakakakilabot na tingin sa mukha.

Naglakad ako papalapit sa kanya. I managed to get Jamie's picture on the table behind me. Alam kong hindi mabuti ang ibig niya sa aking apo.

'Kung sino ka man. I know you're here for no good reason.' I hid the picture on my back.

'Oh. I'm just another daemon looking for fresh half-bloods.'

I felt her hand stretch to my direction.

'And you're just another useless demigod that got on the way.'

Yumuko ako at nakita ang kanyang kamay na nakabaon sa aking dibdib. She quickly pulled it and the last thing I saw was white light.

Followed by the view of the Elysian Fields.

Nagdadalawang-isip na talaga ako kung totoo bang tapos na ang pagpapatay ng mga descendants.

Siguro nga may nakuha sila dito sa Mt. Pinatubo.

Yet the massacre has not come to an end.

Posibleng may hinahanap pa sila.

"Matilda?" bumalik ako sa realidad dahil sa boses ni Kaye.

"N-nothing." umayos ako ng upo. "I just remembered my first day as the oracle."

"Good thing you said first and not last." aniya with a glint of sadness in her eyes.

"Ano ka ba. Noon pa kita pinatawad." nginitian ko siya.

It was actually years after I arrived in Elysium that I met the daughter of Thanatos. Akala ko isa siyang ligaw na kaluluwa but as it turned out, she was the one who killed me for the second time around.

"Stop."

Biglang huminto ang sinasakyan namin. Tumigil kami sa gitna ng napakalawak na terrain ng bulkan.

"Anong meron?" tanong ko kay Kaye.

Napatingin ako sa direksyon na tinititigan niya at nakita ang isang babae na nakasuot ng puting chiton. Marumi ang dulo ng kanyang suot dahil nabalot ito ng putik.

Namukhaan ko agad siya at nagmadaling bumaba. Sabay kaming napatakbo sa kanya.

"Persephone?!" di ako makapaniwala.

Kaya kami natagalan nung huling digmaan dahil sinunod namin ang utos ni Hades at hinatid siya sa kanyang ina. We stopped by the mountains to meet the goddess Demeter before heading to the gigantes' lair.

"A-anong ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong ni Kaye.

"My mother..." napalunok siya. "she's been kidnapped by the rebels."

"I have lost my king..." humihikbi siya habang nagsasalita. "I have lost my domain... And now my mother is gone. Kinuha na nila ang lahat na meron ako!"

Bumagsak siya sa putikan at humagulgol ng iyak.

"Anong gagawin natin?" natatarantang tanong ni Kaye.

I took a deep breath and exhaled.

"Halika." tinulungan kong tumayo ang goddess. "Dito ka muna sa'min.. sa Academy."

Alam kong wala siyang uuwian sa ngayon at hindi namin kayang iwan siya dito na mag-isa.

"R-really?" pinunasan niya ang kanyang mga luha.

Tumango ako.

From this day onwards...

Olympus Academy is not only a safehaven for demigods and their descendants.

But for the deities as well.

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now