Tumayo yung nymph. "I still have a meeting to attend to. While you're here, you can visit the Arcade in the basement."

Agad na napadako ang tingin ko sa tiyan niya kaya't bigla nalang akong tumili.

"M-May anak kaaaa?!?!" napatayo ako.

Narinig ko ang pagtawa ng nymph. "Yes. My husband actually owns the hotel where you are staying."

Napa 'oh' kaming lahat.

Amzing with a Zeeee!! Kaya pala binigyan kami ng phones kasi alam niyang kakailanganin namin ito sa mortal realms.

Napayuko ang nymph. Nakita ko kung paano lumapad ang kanyang ngiti habang nakatingin sa kanyang tiyan.

"It's a boy actually." dahan-dahan niyang pinatakbo ang kanyang kamay dito.

"Ang cute naman..." narinig kong sabi ni Thea na nasa likuran ko.

Umangat ang kanyang mga mata sa'min. "He's due next month and I just hope the war against the rebels won't affect him that much."

Nagbuntong-hininga siya saka napabulong. "But sadly... the whole world will be the battlefield. Everyone will be affected."

Nasilayan ko ang kanyang malungkot na ngiti. "I prayed to the Goddess Nike every day that when the war comes to an end, she will crown victory to those who are righteous."

Huminga ako ng malalim.

Pinapaalala niya kasi sa'min na hindi lang buhay namin ang nakataya sa rebellion. Magiging malaki rin ang epekto nito lalo na sa mga mortal na walang alamag sa nangyayari.

Kapag mananalo yung mga rebels...

Umiling-iling ako.

Hala!! Ano tong iniisip ko?! Huhuhu!

HINDI PWEDE YUN! Dapat mananalo kami! Kahit si Nyx na ang makakaharap namin. Di kami magpapatalo.

Isa lang naman ang tao na may potential na talunin ako ihh.

Hindi sina Nyx.. Eris... Hecate..

kundi si Princess Sara.

•••

"KYAAAAHH! May bagong release pala na merch?!" tinanong ko ang batang may bitbit na Powerpuff bag.

Bigla nalang siyang umiyak at tumungo sa mommy niya.

Iiihhhh??????

"Art? Bumalik ka nga rito!" tinawag ako ni Ria.

"RIIAAAAAAA!!!" umupo ako sa tabi niya. "M-may nasabi ba akong masama?!"

Umiyak kasi siya eh tinanong ko lang naman kung may bagong merch kasi.. kasi gusto ko ring bumili!

Itatanong ko sana kung san niya binili yun. Wala naman akong sinabing kukunin ko yun mula sa kanya ihh!!

Kung gusto nga niya eh bilhan ko rin siya!

Nalulungkot ako!

Gusto ko umiyak! HUHUHUHU.

"Umayos ka nga Art.." ani Ria na halatang naiinis sa'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kung tutuusin, may kasalanan din naman siya. Isasama ko sana si Bubbles dito pero ayaw niyang dalhin ko kaya ayun! Iniwan ko nalang sa hotel!

"Tapos na kayang magdinner yung boys?" dinig ko ang pag-aalala ng anak ni Aphrodite.

Napatingin ako sa labas at nakitang gabi na nga. Pumunta kami kasi dito sa restaurant nasa tapat ng nursing home pagkatapos mag Arcade saglit.

"Alam niyo ba? Isang libong texts na galing kay Seht ang hindi ko narereplyan-" natutuwang sambit ni Thea.

"Si Cal nga naka ilang missed calls na!"

Sa tingin ko talaga galit yun sa'kin. Naku naku. Maghanda ka na Artemia.

Matagal kaming nakaalis sa resto dahil pinag-uusapan namin yung boys. Di maipagkakailang apektado nga sila hihihi. Ang cute nga ng mga reaksyon nila ihh.

Nasa elevator kami papunta sa floor namin at di pa rin tapos ang daldalan.

"HAHAHA! Sa tingin nyo-" napatigil si Thea nang bumukas yung elevator.

Nagulat ako nang makita ang hitsura nila. Gulong-gulo yung buhok at pinagpapawisan. Nabalot ang kanilang mga damit ng natuyong dugo.

"Oh shit." tinulak kami ni Ria para maunang lumabas.

"Oy tignan mo nga naman. Gabing-gabi na. Tsk tsk. Tara na girls. Matulog na tayo." ani Thea at nagmamadaling nilagpasan yung boys.

"Ehem.." sumunod na rin ako.

Gusto kong humalakhak dahil gulat na gulat sila sa ginawa namin.

Akala nila lalapit kami ano tas may pa awa-awa effect! BWAHAHAHA! Palagi naman namin silang nakikitang bugbog eh.

Ang mahalaga naman walang namatay sa kanila ihh kaya kayang-kaya naming deadmahin sila kahit madatnan namin silang ganito.

"Hehehe.." lalapit sana ako kay Cesia na nagpipigil rin ng ngiti kaso may humatak sa'kin.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata nang makita si Cal na nasa harap ko.

"A-ahh.. hehe-" nakasandal ako sa pinto ng fire exit.

IIIHHHH!!!!

"H-hi Cal.." nanginginig kong bati sa kanya.

"You're getting on my last nerves Artemia."

Napalunok ako.

Huhuhu. Eto na nga sinasabi ko ihh!!

Pinikit ko ang aking mga mata at iminulat ulit ito. Kalma lang Art. Wooh! Panindigan mo yung sinabi mo.

"Ano ba Cal.."

Napaatras siya nang masabi ko yon.

HUWAAH! Effective nga yung sungit-sungitan ko!

MWAHAHA-
HUHUHU ang sama ko...

"Why are you doing this to me?"

Tapos bigla nalang siyang natahimik na para bang narealize na niya yung sagot.

Yun naman pala!!!

Binigyan ko siya ng napakasuperduper seryoso na tingin bago umalis.

"Goddammit Dio."

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now