"Hindi pa naman malaki ang tiyan mo," giit niya.


"E mas dito ako komportable e." binilisan ko ang lakad para makalayo sakanya. Gusto niya akong mag sout ng bikini? Baliw ba siya?


"Ayla-," he reached for my elbow. Binawi ko iyon. Naiinis na naman ako sakanya.


"DON'T FVCKING FOLLOW ME!" bulyaw ko sakanya. Na nagpakurap kurap sakanya.


"Okay!" napatigil siya at sinunod ang gusto ko. Kapag ganto ako kagalit sinusunod na niya lang ang gusto ko. Hindi ko ba alam. Nagsimula ata ito nung nalaman kong buntis ako.


Lakad lang ako ng lakad. At sinisiguro kong hindi siya nakasunod. Hindi talaga sumunod iyong lokong iyon!!! GINAGALIT NIYA TALAGA AKO!


Tinignan ko iyong suot ko. Loose white t shirt then shorts. Ang baduy. Napalingon ako kung saan ko iniwan si Killian. Ang gwapo gwapo ng asawa ko. Tapos ako? Ugh! Ang pangit ko!


Napatingin ako sa mga babaeng nakabikini. Sa tanan buhay ko hindi pa ako nakakapaglakad sa harap ng marami tao na suot lang ay bra at panty. Bakit kasi dito niya pang napiling mag honeymoon. Mapapamura talaga ako!


Binalikan ko si Killian. Nagugutom ako! Gusto ko ng pizza. Mas lalong tumalim ang tingin ko ng makita ko siyang may kausap na babae. Napansin niya ako kaya nilapitan niya ako agad. Inakbayan niya ko hinawi ko iyon.


"Sino siya?!" walang emosyon kong tinignan ang babaeng halos kita na iyong kaluluwa sa suot niya. Ew!


"She's the daughter of my Client," sagot niya sakin. Sabay hapit sa baywang ko. Nakita ko kung paano lumipad ang mata nung babae sa baywang ko kung saan nakahawak si Killian "Rian. I'd like you to meet my wife. Sofiayla Devesa-Reeztucker,"


"Oh. Yeah the daughter of senator Devesa?," nagtaas siya ng kilay sabay hagod niya ng tingin sakin taas pababa.


"Yeah!" saad pa ni Killian at naramdaman kong naglapat siya ng halik sa gilid ng noo ko.


"I have to go." at umalis na iyon sa harap namin. Then I turn to my husband.


"Bilhan mo ko ng bikini,"


"What?"


"I said buy me a bikini!" pagalit kong sabi.


"Okay. Okay. We'll buy," then he held my hand. "Ang hirap mag alaga ng asawang buntis," bulong bulong niya. At nagsimula kaming maglakad.


"Ansabe mo!" maangas kong tanong. Then tumingin siya sa akin at ngumiti. Nainis na naman ako!

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now