Chapter 9 - Halik

546 17 0
                                    

Chapter 9

"Bakla ka pala," natatawa kong sabi. Umismid siya saakin, dahilan ng pagtawa ko ng lalo.

"Don't laugh ikaw nga.." bigla siya napatigil. Nawala bigla ang ngiti ko.

"Anong ako?" taas noo kong sabi.

"Wala." natawa uli ako. Kasi lumalabas na ang kabaklaan niya "This is serious ok?" hala galit na siya.

"Sorry I can't help it!" patuloy na pag halakhak ko. Natigil lang yun ng makita ko ang galit na ekspresyon niya. "Ok fine. How can i help?" hindi ko parin mapigilang matawa.

Imagine. Bakla pala itong pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan. Sayang siya maganda pa naman ang lahi niya. Tsk tsk tsk. Dapat nagpalit nalang kami. Gusto ko yung features niya. Pusong babae naman siya. Dapat palit nalang talaga kami e!

"Pretend to be my girlfriend." halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig ko yun. What the fuck?!

"Baliw ka ba?" maangas ko tingala sakanya. Ang tangkad e!

"That's the only way,para hindi sila mag duda sakin!" kumbinsi niya sakin

"Ang dami dami mong babae diyan. At ako pa talaga naisipan mong sabihan yan-,"

"Because you're beautiful!" napatigil bigla ako noon at tinitigan siya saglit. Umismid ako sakanya. Mukhang seryoso siya ah. But no! I can't be his girlfriend. I'm not a girl okay?

"Alam mo ba pare!" sabay abot ko ng batok niya para akbayan. Bumaba naman siya para maabot ko. "Pasensya na. Babae rin ang gusto ko e." sabay tingin sakanya. Nagtaas ako ng kilay tila ba parang hindi siya nagulat sa sinabi ko.

"You'll just pretend as my girlfriend!"

"It's a no pare. Hindi tayo talo!" sabay layo ko sakanya. "Bakit hindi mo ayain magpanggap si Liza,o kung mga kababaihan diyan. Tiyak hindi ka tatanggihan," tumalikod na ko sakanya para pumasok.

"My mom likes you, kaya ikaw yung naisip ko," bigla niyang sabi. Humarap ako.

"Anu naman ngayon kung likes niya ko. E sa ayoko!" tumalikod uli ako.

"Ako gagastos ng lahat ng pangangailangan mo dito sa paaralang ito." napatigil ako bigla sa sinabi niya. "Sagot ko uniform ,school supplies, basta lahat. Just please be my girlfriend,"

Bakit ba ganto siya ka disperado na ako ang magpanggap. E madami namang humahanga sakanya. Hindi sapat na rason ang pagkagusto ng ina nya sakin. Upang ako ang piliin niya. Hindi ko magets. Napaharap tuloy muli ako sakanya.

"I-i-i mean,pretend to be my girlfriend, kapalit,sagot ko lahat," kumulo tuloy ang dugo ko.

"Anong tingin mo sakin? Pulubi? Hindi ko kailangan ng pera mo. Kaya akong pag aralin ng mama ko-,"

"Hindi naman sapat-,"

"KAYA KO KUMITA NG PERA!," bulyaw ko. "Ang ayaw ko sa lahat yung pinamumukha saking kaawa awa ako. Bakit? Porket mahirap kami, gagamitin nyo lang kami sa walang kakwenta kwentang rason? My Gad. Hindi mo matatago habang buhay iyang KABAKLAAN MO-," napatigil ako ng pagsasalita,ng salubungin niya ng labi nya ang pagbuka ng bibig ko. Hinalikan niya ko!

"FUCK YOU!" I slap him. Yung pinakamalakas,yung malutong. "Bakit mo ko hinalikan!" sabay dura dura ko sa tabi.

"You're so noisy. Mamaya't may makarinig sayo" asik niya. "Ang sakit mo manampal," at natatawa pa ang loko,nasampal na nga.

"Gusto mo pa ng isa?"

"Oh stop please. It hurts!" sabay haplos nya ng pisngi nya.

"Huwag kana mag papakita sakin ah!" sabay duro ko sakanya bago ako magtungo sa loob ng university.

Hindi na siya sumunod. Ayaw niya na siguro masampal pang muli. Mariin akong pumikit ng maalala iyong halik. Tangina!

Unang halik ko iyon! At napunta lang yon sa ugok na yon. Anong klaseng bakla iyan. Nanghahalik?!

Huwag na talaga magpapakita sakin iyong lalaking yon. Kung ayaw niyang masuntok ng kaliwa't kanan.

Wala ko sa sarili habang pumasok sa loob. Batid kong nakatingin sila sakin. Kaya yumuyuko lang ako. May nabangga tuloy ako.

"Pasensya na," hindi sila umalis sa harap ko. Kaya nag angat ako ng tingin. Sila Justine at JM lang pala. " Kayo pala," I sigh.

"Anak iyon ni Congressman Reeztucker diba?" tanung ni Justine

"Oo nga. Gwapo nun ah. Manliligaw mo?" taas kilay na tanung ni Justine.

"Hindi ko siya manliligaw."sagot ko. "Isang demonyong kumuha ng schedule sheet ko,"

SHEET!

Shit pala. Hindi ko nakuha sa sakanya yung photocopy ng schedule sheet ko!

"Imfairness. Ang linis niya. Gwapo tignan," sabay tango tango pa ni Justine

"Oo ang hot niya tignan sa sout niya. Hindi na nakakapagtakang habulin ng mga babae," dadag pa ni JM. Sandali lang! Anong nangyayari sa dalawang ito.

"Para siyang si Adonis na nag anyong tao. Grabe yung muscles saka-,"

"TEKA NGA!," putol ko sa sinasabi nila. "Ano? Makalaglag panty ba? Makapuri kayo,ano nababakla na kayo?"

"Naiingit lang kami Bly." sagot ni Justine.

"Tama yun!," tango naman ni JM.

"Maka describe kayo sakanya parang gusto nyo ng hubaran para mai-describe pa ng maayos e." inis ko na saad.

"Bakit? Hindi kaba kailan man naingit sakanya Bly?," tanung ni JM

"H-hindi," napakurap kurap kong sagot.

"Sus! Bakit pautal utal ka?" asar naman ni Justine.


"Tumigil na kayo. Umuwi na tayo." tinalikuran ko sila para makauwi na.

Sumunod naman sila sakin. Napaisip ako. Ilang araw nalang pasukan na muli. Gusto ko mag pa undercut. Ayoko na itong mahaba kong buhok. Not totally mahaba,na hanggang bewang, balikat lang.

"Bagay kaya satin magpa undercut?" bigla lumabas sa bibig ko.

"Magpapa undercut karin? Tara!" tuwang saad ni Justine. Na nagsasabi kanina na gusto mag paundercut para tigilan na ng mga manliligaw.

Titigilan na kaya kami ng mga manliligaw namin kung magpaundercut kami? Siguro. Mukha na kaming lalaki noon. Dadami na din ang mga chikababes. At hindi na ko masasabihang maganda. Tangina nila.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora