Chapter 15- Headphone

404 15 0
                                    

Chapter 15


Inutusan ni Mama si Killian na ihatid ako pauwi. Araw araw iyon. Takot ko nalang kay mama. Kaya lagi nalang akong sumasama kay Killian. Nakakatakot magalit ang mama ko.

Nakakaasar na. Hindi ako makalayas. Dahil nakabantay sarado iyang baklang iyan!

"Anong relasyon meron kayo ni Killian!" nagulat ako ng biglang hinampas ni Liza ang desk ko. Galit na galit ang awra niya.

"H-huh?" pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.

"SAGOT!"

"Ano bang pinagsasabi mo!" pabalik na sigaw ko sakanya.

"Akala ko pa naman magkaibigan-,"

"Hindi tayo magkaibigan!" putol ko sa sinasabi niya. Then she laugh bitterly.

"Tsk. After all we did-,"

"Ikaw naman ang dahilan kung bakit malayo sakin ang mga kaibigan ko." asar na asar ako ngunit mahinahon ko iyon nasabi.

"How stupid you are. Kaibigan? Nakikipagkaibigan ka sa mga tomboy-,"

"STOP THAT LIZA!" pigil ni Maverick. "Padating na ang prof." kaya naman nag sibalikan na sila sa mga upuan nila.

Tumigil narin ako non. Kahit na may gusto pa akong sabihin. Dahil ininsulto niya ang pakikipagkaibigan ko sakanila. Pakielam niya ba?

Araw araw akong nag iisip ng artirnatibong mga rason, upang hindi na uli ako sunduin ni Killian. Para tumigil na rin sa kakadada iyang si Liza. Tiyak nagseselos iyan.

Alam ko. Gusto niya si Killian. Bigla nalang ako nakaramdam ng kirot kapag naiisip ko yung idea'ng hindi pwede kami ni Liza. Tingin ko nakakahiya iyon. Kaya naman ayaw ko ng sumama kay Killian. Nakakahiya na. Hindi ba nahihiya si Mama?

Kailangan makaisip ako ng mga rason para hindi makasama sakanya. Wala pa naman kaming mga groupmeetings ngayon. Bakit ba hindi umaayon saakin ang tadhana?

Naalala ko na. Naubusan na pala ako ng napkin. Malapit na naman dumating ang dalaw ko. I think. Tatlong araw nalang mula ngayon. Kaso may pera pa kaya ako? Dahil sa pagpunta ko ng bar. Naging maliit nalang ang allowance ko.

Noong uwian na. Sinadya kong magpatagal lumabas. Gusto ko sanang maubos ang mga estudyante bago ako lumabas. Umupo muna ako sa b

leachers.

"Tama lang na tinaboy natin siya..." kilala ko kung kaninong boses iyon ah. Kay Justine?

Sinundan ko iyong boses. At nakita ko nalang na si JM ang kausap niya. Nagtago ako. Ako ata pinag uusapan nila.

"Tama na Justine. Ano ba?!" pigil ni JM

"Bat ba? Hindi naman na siya tulad saatin. Kita mo sinusundo siya ng Killian'ng iyon. Boyfriend niya na ata iyon e." asik nito. "Kaya laging mainit ang ulo ni Liza sakanya. Nakakagalit talaga siya. Traydor," nanlamig ako ng marinig ang huling salitang sinabi niya.

Traydor? Hindi. Paanong naging traydor? Wala naman kaming relasyon ni Killian. Kung alam lang nila. Bakla siya. Paano ito humantong sa ganito?

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now