Chapter 14- Fetch

421 14 0
                                    

Chapter 14


Limang araw ng lumipas. Hindi parin ako pinapansin ng dalawa. Ito na ata ang pinaka matagal na pag aaway namin. Kapag nag aaya sila Liza. Hindi na ako sumasama sinasabi ko nalang na may mas importante akong gagawin tutal hindi rin naman ako masaya kasama sila.

Pinipilit kong kausapin sila na parang wala lang ang lahat. Kasi ganun naman kami e. Pero sa pag kakataong ito. Hindi iyon gagana.

Nag skip ako ng isang subject upang magtungo sa cafeteria dahil alam kong iyon ang breaktime nila. Susubok ako. Kasi hindi ko na ito magagawa mamaya. Dahil alam kong mauuna silang dalawa na umuwi.

Nakita ko sila. Kumakain. Napangiti ako. Ngunit naglaho rin iyon ng makitang silang tumatawa. Bakit ganun? Parang may tumutusok saakin. Ang sakit. Kaya pala nilang maging masaya ng wala ako?

"Hi." napaangat sila ng tingin saakin. Naglaho ang mga ngiti nila. "Pwede ba akong makishare?" inilapag ko ang tray ko at tumingin ako sa paligid. "Wala na kasing bakanteng table." sabay ngiti ko. Kausapin nyo ko please!

"Pupunta akong library," sabi ni Justine kay JM.

"Sama ako," sunod ni JM at umalis silang dalawa. Hindi ko man lang napigilan. Bumagsak ako sa upuan. Ang tanga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumili pa ako ng pagkain. Hindi ko naman makakain. Kumain na kasi ako nung breaktime namin. Wala rin naman ako napala sa pag skip ko ng subject. Tinusok tusok ko nalang ang ulam ko at naghintay sa sunod na subject ko.

"Can I?" napaangat ako ng tingin sa maskolidong lalaki. Kilala ko ito ah. "There's no vacant seat. Baka pwede?"

"Ah Oo." sagot ko. At umupo na siya sa harapan ko na upuan. "Vhong?" napaangat siya ng tingin sakin. Kumunot ang noo niya. Tila ba pinipilit inaalala kung sinu ako. Bigla nalang nanlaki ang mata niya.

"Ayla?" gulat pa nitong sabi.

"It's Bly!" tamad kong pagtatama. Here we go again.

Tumawa siya. "Okay, so wutsap?" matamis itong ngumiti.

May pagkakapareho sila ni Killian ng features ng katawan. Parang mas batang Killian ito. Ngunit may pagkakaiba rin. Yung sa mga mata. Mas komportable katitigan itong si Vhong kaysa sa kapatid niyang intense kung makatingin.

"Ito. Short hair," natatawa kong sagot.

Natawa din siya. "By the way. Have you met my brother?" nawala bigla ang aking mga ngiti ng banggitin niya ang kanya kuya. Naalala ko na galit ako sakanya. Bwuset siya. Siya ang dahilan kung bakit nag away kaming magkakaibigan.

"Oo. Araw araw." kaya nga ko araw araw na badtrip e.  "Nagtataka nga ko saiyo e. College ka na. Nagpapahatid sundo ka pa sa kuya mo," sabay subo ko ng steak. Papakin ko nalang tong ulam. Sayang.

"What?" tila nagulat pa siya sa sinabi ko. Napaangat ako ng tingin. "Hindi ako nag papahatid sundo sakanya! I have my own car no." nagulat ako roon. Kung ganon. Bakit siya araw araw naririto?

"Pero ang sabi niya saakin. Ikaw daw ang pinupuntahan niya rito." kunot noo kong sabi.

"No. Hindi nga kami nag kikita rito e. Sometimes we meet. But not everyday."

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum