Chapter 20 - Fiancée

451 22 0
                                    

Chapter 20

Kinabukasan pumasok na ako nun. Baka malaman pa ni mama na hindi na ko pumapasok kung two consecutive days akong absent. Mamaya pa naman dating nun.

Wala pa akong kain. Hindi rin naman ako nakaramdam ng gutom. Kung magutom man ako. Wala ring gana.

Habang naglalakad ako papuntang school. Nag vibrate phone ko. Ngayon ko nalang uli ito bubuksan. Nakita kong tumatawag si Mama.

"Po?"

[O! Bakit parang ang tamlay?] nabuhayan ako ng sistema. Si mama pala itong kausap ko. Pakiramdam ko tuloy na natunugan niyang may masamang nangyari sakin. Paano kung alam niyang nakipag- NASISIRAAN NA KO!

"Ah. Wala po. P-papasok na rin kasi po ako ng school,"

[Ah. Ok sige. Mamaya na iyong flight namin pabalik. Naglinis kaba ng bahay?] tangina oo nga pala! Hindi pa ako nakakapag linis.

"O-opo. Syempre kahapon pa."

[Ang sipag naman. Ah nga pala. Sinusundo ka pa ba ni Sir Killian?] bigla naman akong kinabahan. Pakiramdam ko kapag namali lang ako ng salitang masasabi,malalaman niya ang lahat. Napapraning na ata ako!

"Opo!," sagot ko. "Sige ma. Papasok na ko. Iyong tobleron ko ah. Don't forget."

[Nasa maleta na] natuwa naman ako. Ilang segundo akong natuwa. Sa mga segundong iyon nakalimutan ko saglit ang gumagabag sa aking isipan.

Iba talaga si Mama. Da best!

Pinutol ko na iyong tawag na iyon. At napansing may mga missed calls at text ako galing kay Killian. Hindi ko binasa. Pinasok ko na iyon sa bag ko. Dahil papasok na ako sa gate ng school.

"Siya iyon diba?"

"Oh my gad!"

"Nakakadiri,"

"Kung ako siya. Nag transfer na ako.!,"

Iyan na naman ang mga bubuyog. Ano bang pinag uusapan nila? Nong tinignan ko sila. Nagtaka ako. Pinagtitinginan ako ng lahat. Anong meron? Wait. Nag deodorant ako! What's the matter men!

Hindi ko na alam kung anong meron. Kapag dumadaan ako napapatingin silang lahat sabay magbubulungan.

Mga backstabber!

Bakit hindininyo ideretso sa akin iyan?

!

"Bly!," nakasalubong ko bigla si Maverick.

"O? Bakit?" hinila niya na ako palayo doon. "Saan mo ako dadalhin?" pilit kong kuha ng aking mga kamay na hawak niya. Nag bubulungan na naman itong mga bubuyog.

Nung wala ng masyadong mga estudyante. Binitawan niya na ako.

"Ano bang problema-,".

"Ginawa mo ba talaga iyon?" putol niya sa sinasabi ko.

"Ginawa? Ginawa ang alin?" kunot noo kong tanong. Kinuha niya ang cellphone at minapula iyon bago ibinigay saakin.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now