Chapter 8- I'm a gay

500 18 0
                                    

Chapter 8

Dito rin ba sila mag aaral? Tsk. Ang ikli ng shorts niya. Gusto kong paliparin sa sipa ko iyang mga lalaking nakatitig sakanya, tusukin ko mata niyo e!

"Hoy. Bly," natauhan ako bigla. Napatingin rin sila sa tinitignan ko.

"Tara na!" hila ko sakanila.

"Sino yun? Chicks?" malaking ngiti ni Justine. Isa pa ito.

"Chicks nga Pare! Galing pumili," dagdag pa ng hinayupak na si JM.

"PUTANGINA NIYO! Tara na!" pilit kong hila sakanila.

Napatigil kami ng makarinig kami ng mga tilian. Nang gagaling iyon sa likod namin. Kaya sabay sabay kaming napalingon.

"Ano iyon?" kunot noong tanong ni JM.

"Usually yung mga ganyang mga tilian, may dumating na mga Panget!" sagot ko.

"Panget? Bakit titilian kung panget?" taka ni Justine.

"Kasi nga PANGET!" bulyaw ni JM kay Justine.

"Tangina. Sinong panget!," sabay pabirong pag kwelyo ni Justine kay JM.

"Ang gwapo niya talaga."

"The exact word is HOT."

"Bakit kaya siya naparito?"

Narinig kong bulu-bulungan ng mga kababaihan. Ayan na naman parang bubuyog noon nung pumunta kami sa Baguio, parang mga bubuyog.

Nag tungo na kami, upang kunin ang schedule namin. Nakuha na nila JM at Justine iyong kanina. Nahuli ako sa pila kaya ngayon hindi ko pa nakukuha.

Nung ako na ang sunod...

"Blyth Layla Vergara." sabi ko. Ew! Bigla siyang nag angat ng tingin sakin.

"Wala na yung iyo. May kumuha." sabi nito gamit ang matalim na tingin.

"Ho? S-sino?" tanong ko. Mas lalo akong nanginig ng mas naging matalim ang titig niya. Ano ba ang nagawa ko? And Fuck. Sino kumuha ng schedule ko?

"Si Mr. Reeztucker!" What the Hell?

Tangina niya. Anong pumasok sa utak nun,at kinuha ang schedule ko? Nahihibang na ata ang lalaking iyon.

"Ano? Nakuha mo?" tanong ni JM

"May dalawang subject kaming magkaklase ni JM," sabi ni Justine.

"Hindi ko nakuha iyong akin," sabi ko.

"Huh?,"

"Bakit daw?"

"May kumuha na e. Tangina!"

"Sino?"

Hindi ko pinansin yung tanong. Naglakad ako paalis doon. Hahanapin ko yung hinayupak na iyon. How dare he fucking took my schedule sheet. Damn!

"Bly!" habol nila sakin.

Ngunit parang wala akong narinig,nandidilim paningin ko. Kapag nakita kita,lagot ka saakin.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now