Chapter 23 - Looking for you

394 13 0
                                    

Chapter 23

Pagkatapos namin dalhin namin si mama sa huling hantungan. Bumalik ako sa bahay. Kukunin ko mga gamit. Nakaabang na ang truck sa labas. Titira muna ako sa tiya ko.


Hindi ko alam na iyon na pala ang huli? Huling mga salita na sasabihin niya saakin! Nakita ko picture naming dalawa. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang wala na siya. Hanggang ngayon HINDI KO MATANGGAP!


"MAMA!" sigaw ko sa sobrang sakit.


Kaya ko pa bang mabuhay?


Natanggap ko iyong pasalubong niya saakin.

To my daughter,

     Ilalagay ko sa ref itong tobleron mo. Hindi pa kasi ako uuwi sa bahay baka bukas pa. Huwag mo agad uubusin. Naku Blyth Layla kung ayaw mong dumami pimples mo! Mag aral ng mabuti ah. I love


Hindi iyon natuloy. Puro scribble nalang ng ballpen iyon. I think ito iyong nag plane crash na. Bumubuhos lalo ang mga luha ko.


Tumira ako sa kapatid ni Mama. Pumapasok parin ako sa school ngunit hindi araw araw. Minsan dalawa o isa sa isang linggo lang. Kasi minsan. Nauubusan ng pera si tita kaya napipilitan akong umabsent.


"Condolence Bly!" napaangat ako ng tingin habang nakatulala akong nakaupo sa bleachers.


"JM. J-justine," nanginig ang boses ko.


"I'm sorry,"


"Sorry Bly," mangiyak ngiyak nilang sabi sabay yakap sa akin. "I'm sorry mali kami. Sorry. Sorry. Sana mapatawad mo kami."


"I'm sorry Bly. Patawarin mo ko. Patawarin mo kami." tumulo na rin ang mga luha ko.


"Ok na. Matagal ko na kayo pinatawad. Huwag na kayo umiyak!" sabay punas ko sa mga luha nila. " Nakakahiya o!" at tumawa ako.


"Nakita rin namin ikaw ngumiti," ngiti rin nila.


"Babawi kami sayo Bly!" sabi ni Justine


Hindi ko aakalaing magiging isa itong magandang araw para sa akin. Kahit na ang lupit ni tiya sa akin. Atleast andito parin ang mga kaibigan ko kasama ko.


Lumipas ang mga araw. Nalaman kong nag transfer ng school si Liza. Malaking kahihiyan daw sa pamilya nila ang ginawa niya. Nalaman kong naghired talaga sila ng isang lesbian din upang maging ako.


"Hanga talaga ko kay Killian non." puno ng admirasyon na saad ni JM.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now