Chapter 16- Her

432 13 0
                                    

Chapter 16


Nahiya naman ako bigla.

"Huwag na. Hindi ko naman kailangan," hablot ko nung headphone pero hindi ko tuluyan nakuha. Potek. Ang weak ko.

May pinuntahan pa siya nun. Kaya sinundan ko. Nagulat ako ng kumuha siya ng dog food.

"Dog food? Ayan yung hapunan mo?" sinamaan niya ako ng tingin. "Peace. Joke lang." natatawa kong sabi

"This is for my puppy,"

"May aso ka?" nagulat ako roon. "Bakit hindi ko iyon nakita nung pumunta ako roon."

"Nong nakaraang araw ko lang siya binili." at saka deretso namin sa counter.

Siya nag bayad lahat. Kahit naglabas akong pera para sa napkin. Inunahan niya ako ng credit card niya. Bweset talaga ng mayamang baklang ito.

"Siguro. Ang dami mo ng nabiling lalaki para i-one night stand no." bulong ko rito habang nasa counter kami. Kumunot noo niya sa sinabi ko.

"I don't do that." tanging sagot lang nito.

"Sus! As in never?"

"Never!," pinitik niya ang noo ko. "Tigilan mo pag iisip ng ganyan ah." may panginginig sa boses niya na sabi. Sus. Nagawa niya na iyon panigurado. Hindi manginginig ang boses niya kung hindi siya guilty.

Nasa sasakyan na kami. Hinahaplos haplos ko iyong headphone na nakakahon pa. Mamaya ko na ito gagamitin.

"Do you like it?" may ngisi niyang tanong.

"Oo," ngiti ko. "Salamat." sabay tingin ko sakanya. Tila bigla siyang nagulat nung napatingin ako na may ngiti saaking labi.

"Damn!," bulong niya.

"Bakit?" ang weird nito. Parang may iniinda siya na kung ano na 'di ko alam.

"N-nothing," tanging sagot niya. "Gusto mo ba makita ang aso ko?"

"Pwede?" nagulantang ako. Gusto ko makakita ng tuta!

Kaya naman nagtungo kami sa penthouse niya. Maaga pa naman. Saka wala rin naman akong gagawin sa bahay.

Yung pag pasok namin. Sumalubong agad yung tuta saakin at dinilaan ako. Ang cute niya grabe

"He likes you," derederetso siya sa kusina. Bumaba sakin yung aso at sumunod sakanyang amo. Tila ba gutom na gutom na.

"Anong lahi? Lalaki pala siya?Anong pangalan?" natawa siya sa sunod sunod kong tanung.

"St. Bernard. Oo lalaki siya. And his name is...is..." parang nag iisip pa siya. Ngayon niya palang ba pag iisipan pangalan ng aso niya? "Jam!" sagot nito.

Bumaba ang tingin ko sa aso. Na nag lalaro ng bolang maliit.

"Hi Jam." hindi tumitingin. "Come here Jam." wala pa din sa halip tumakbo pa ito. "Bat ganun? Ayaw lumapit." natawa siya sa reaksyon ko.

"Hindi niya pa ata alam pangalan niya." natatawang sagot niya. Nilapitan ko nga ung tuta. Feel ko mapipiga ko sya sa ka cute-an.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now