Chapter 27 - Nakakaakit ka!

474 18 2
                                    

Chapter 27

Sabay sabay kami pumasok sa school kinabukasan. Nakita namin iyong Mercedes Benz ni Killian. Nag aantay siya sa labas ng school!

"Si Killian!" nanlalaking matang sabi ni JM

"Hindi niya ko pwedeng makita!" sabi ko sabay tago sa mga likod nila.

Napadaan tuloy kami sa pinakamalayong kabilang gate ng school para lang hindi dumaan sa gate kung saan nakaabang si Killian.

At hanggang nakapasok na sila JM at Justine. Ako patuloy parin sa pagtatago dahil alam ko pupuntahan niya iyong first subject ko. Para malaman kung pumasok nga ako.

Nasa malayong lugar ako habang pinagmamasdan siyang bigong mahanap ako sa unang subject ko. Luminga linga pa siya sa paligid. Kinuha niya ang cellphone niya. At may minapula bago ito tinapat sa tainga niya. Biglang naramdaman ko nalang nagba-vibrate itong cellphone ko sa bag. Hindi ko na siya pinagmasdan at nagtago nalang ako ng mabuti.

Kinuha ko iyong cellphone ko. At nakita ang pangalan niya. Napalunok ako. At dadalawang isip. Sasagutin ko ba?

Pero hindi ko parin nagawang pindotin. At hanggang nag missed call nalang iyon. Nakita ko siyang bigong umalis nalang.

Nalate tuloy akong pumasok.

"Uy. Ayla. Hinahanap ka ng boyfriend mo," sabay naghagikhikan sila.

"He's not my boyfriend."

Sabay sunod sunod na nag beep ang cellphone ko. Nakita ko ang mga text niya sa akin.

- Where are you? Nasa labas ako ng school niyo. Bakit hindi pa kita makita?

- You're not answering my calls.

-Fuck I miss you!

-You should be here right? Where are you?

- Ok. Babalik nalang ako mamaya para sunduin ka.

Susunduin niya pa ko mamaya. Kailangan makaalis na ako bago siya makarating. O kaya hintayin ko siyang makaalis. Ayoko na mag skip ulit sa last subject ko.

"Bly," tumakbo papunta saakin sila JM at Justine. Nung nakita nila akong nakaupo sa bleachers

"O bakit?"

"Inusisa kami ni Killian kanina. Ang daming tanong." hinihingal na sabi ni Justine.

"Desperadong desperado siyang makita ka," dagdag ni JM.

"Anong sabi niyo?"

"Syempre. Sinabi namin na hindi ka na namin nakasama. Na wala na kaming alam kung nasaan ka" sabi ni JM.

"Kung iiwan mo siya Bly. Dapat may closure," si Justine.

"Hindi na kailangan nun. Makakalimutan niya din ako," tamad kong sabi sabay tingin sa malayo.

"Pero hindi dapat ganito lagi. Araw araw ka nalang mag tatago sakanya?" napatingin ako kay Justine. "Kailangan mo siyang kausapin."

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now