Chapter 33 - Sayo lang

498 22 0
                                    

This is the last chapter! Salamat sa lahat ng mga Readers at syempre sa mga silent readers. Ito iyong 1st story ko na pinost dito. Salamat din kay Dos Reeztucker na nagpahiram ng surname HAHAHA! May credits ka bessy japayuki!

----------------------------------------------

Chapter 33

"What's wrong... Baby..." tawag ko ngunit hindi na siya muling lumingon.


Inalis ni Vhong ang baril na nakatutuk sa ulo ni Ayla at sabay binaril ako. Natamaan ako sa balikat. Tumili si Ayla. Nasaksihan ko kung paano niya bawiin ang baril kay Vhong. Nung nakalayo si Ayla kay Vhong doon ko siya pinaputukan tinamaan siya sa tagiliran niya kaya bumagsak siya.


Sasalubungin ko na si Ayla ng pinatamaan ako sa likod. Bumagsak ako


"KILLIAN!"


"Kuya!"


Nararamdaman ko ang likidong lumalabas sa sistema ko. Hindi na maayos ang pag hinga ko. Nakita ko pa kung paano manginig si Ayla. Ipaputok ang baril sa harap niya.


"HAYOP KA MAVERICK!" sigaw nito. Habang nagpaulan siya ng bala.


"Ayla..." usal ko. Sabay bagsak niya sakin.


"K-killian," umiiiyak niyang tawag. "Wag mo pipikit mata mo. Pupunta tayong ospital." pilit niyang buhat sakin. Kaso hindi niya mabuhat. Wala na siyang magawa kundi umiyak nalang.

Hindi ko na masyadong maaninag ang paligid. Siguro dahil nawawalan na ko ng dugo sa katawan.


"IDILAT MO IYONG MATA MO!" sigaw niya sakin. Nahawakan ko siya sa balikat at nakitang may tama rin siya. "Hindi ka pwedeng mamatay. KILLIAN!" gusto kong magsalita. BUT I CAN'T OPEN MY FVCKING MOUTH! "May baby tayo." yumakap siya sakin. Baby. Mag kakaanak kami. "Huwag mo kong iiwan," humina na ang boses niya. "Please..." Niyakap ko siya ng mahigpit. At ipinikit na ang mata ko. "KILLIAN!"


Unti unti kong minumulat ang mata ko. Nakaaninag ako ng liwanag. Nasan ako?


"Doc gising na ho siya," narinig kong salita sa paligid. Ayla. Nasan si Ayla.


"Ayla." sabay bangon ko. Ngunit bumagsak din ako.


"Wag ka munang gumalaw Killian!" si Thal.


"Si Ayla," usal ko uli.


"Si Ayla na naman," inis na sabi ni Mama. "Lagi nalang bukang bibig iyang si Ayla. Andito sa harapan mo. Yung mapapangasawa mo-,"

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu