SYBG 50

712 58 74
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Kaharutan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"MOM! Hindi pwedeng hindi natin harapin ang problemang ito. Nagyon ka pa ba magiging ganyan? Pagkakataon na nating maituwid ang mga pangit sa nakaraan." Si Siege. Pinipilit intindihin kung bakit ngayon pa naisip ng ina ang magkulong sa kwarto nito. Maging si Aaron ay hindi na rin alam ang gagawin.

Tatlong linggo na rin ang nagdaan nang bigla na lang nagpakita si Miranda sa bahay nila na humihingi ng tawad, nawalan ng malay at naisugod sa ospital. Hindi pa rin nila maubos maisip ang mga nangyari. Kung gaano kabagal ang pangyayari sa nakaraan para sa kanila ay siya namang bilis ng lahat ngayon. Pakiramdam nila ay hindi nila ito mahabol-habol. Nakakapagod. Nakakalito. Nakakaliyo. Nakakatakot.

"Siegfried, hayaan mo na muna ang Mommy mo." Walang ganang utos ni Aaron kay Siege. Nagtaka si Siege. Meron ba siyang hindi alam.

Bakit parang ang pagpapakita ni Miranda ay isang sumpa sa pamilya nila. Una si Luis at Quinn. Kung kelan malapit na ang kasal ng kapatid at ng bayaw ay tsaka pa hindi nag-uusap ang dalawa. Tapos sila ni Brielle ay parang ganun din. Kung kelan lang siya kibuin ng asawa ay doon lang sila nagkakausap at kung hindi siya unang kikibo ay hindi rin ito magsasalita. Nakikita niya rin ang pagbagsak ng katawan nito. Ang pamumutla at ang pagkawalang ganang kumain. What is happening?

"No, Dad. Hindi ko hahayaan ito. Higit kanino man tayo ang pinaka-apektado sa lahat ng ito. Una, si Quinn at Luis ang hindi nag-uusap, at least, naging okay na. Then it is Brielle and I, tapos ngayon, kayo naman ni Mommy ang hindi nag-usap? Ano ang nangyayari?" Galit man ay pinipilit ni Siege na wag taasan ng boses ng ama.

Hindi magandang mawalan ng pasensya habang kaharap ang magulang. Although, nauubos na ang pasensya niya sa lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya ay pilit pa ring kinakalma ang sarili. Konting-konti na lang at sasabog na siya.

Kung kelan nasa kulungan na si Miranda at tinutukan ng prison doctor's ang mental condition nito, tsaka pa sila parang naglalakad sa ibabaw ng itlog. Yung feeling na magkamali ka lang apak bigla na lang sasabog ang bomba. Hindi na siya makahinga. Hindi na niya kaya ito.

"It seems like everyone, all of a sudden, is walking on eggshells or the worst, landmine." Inis niyang reklamo.

"Siegfried, just leave your Mom alone for now, is it hard for you to understand that?!" Napatda si Siege nang magtaas ng boses ang ama sa kanya. Ilang beses na rin namang nagalit ang Papa niya sa kanya simula pa nung bata siya pero ngayon lang ang tonong ito. Parang iritado na parang may pagkadisgusto at yun ang hindi niya maintindihan.

"No, I won't, Dad and yes, I do. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman at naiintindihan kung ano ang nangyayari sa pamilyang ito. Una, si Luis at si Quinn, tapos kami ni Brielle, tapos ngayon, kayo naman? Ano to?" Yung kaninang inis niya ay parang galit na sumisibol na hindi niya mapigilan.

Hindi sa tinataasan niya ng boses ang ama dahil yun nga, ama pa rin naman niya ito kahit na ganito siya ka-frustrated. Gayunpaman, sa sitwasyong ito, hindi niya lang alam kung hanggang saan siya pwedeng magpasensiya.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now