36

725 17 0
                                    

"Alis muna ako, couz ha!" paalam ni Aria.

"S-sige."

"Hoy, PJ!" napatingin si Patrick kay Aria. "Ingatan mo pinsan ko!"

"Oo naman." halos mawalan ng hininga si Angelou nang bigla syang akbayan ni Patrick. "Ito pa, mahal ko'to eh."

Nang makaalis si Aria ay agad inalis ni Angelou ang pagkakaakbay ni Patrick sa kanya.

"U-uy.." sinundot-sundot ni Patrick ang braso ni Angelou.

Napatingin ng masama si Angelou sa kanya. "Aish, boi naman eh! How can you act like nothing happened at all?"

"Eh kasi nga.." ngumiti ito ng matamis at nag-form ng heart. "Mahal parin kit---" biglang pinisil ni Angelou ang pisngi ni Patrick. "A-aww."

"Nagpapacute ka kasi eh!"

"Cute naman kasi talaga ako." sabi ni Patrick habang hawak-hawak ang pisngi nya na pinisil ni Angelou.

"Boi." tawag ni Patrick.

"Ano?"

"Uhmm.. m-mahal mo pa ba ako?" napaatras si Patrick nang umisod si Angelou papalapit sa kanya hanggang sa halos nakahiga na si Patrick sa sofa.

Lumapit si Angelou sa tenga ni Patrick at may ibinulong. "Hindi." at umayos na ulit ito ng upo.

Nagpigil ng tawa si Angelou nang makitang papaiyak na si Patrick.

"Boi." tawag ni Angelou at napatingin sa kanya si Patrick.

"Ano---" hindi na nakapagsalita pa si Patrick nang bigla syang yakapin ni Angelou.

"Namiss kita, boi. Sa loob ng apat na taon.. hindi ka nawala sa puso't isipan ko. Imbes na makalimot ako, lalo kitang minahal. You don't know how much I regretted breaking up with you.. but what can I do? Sobra akong natakot na masaktan din kita katulad ng paano mo ako nasaktan."

Unti-unting tumulo ang mga luha ni Patrick dahil sa mga sinasabi ni Angelou habang magkayakap sila.

"Boi, sorry ah? Duwag kasi ako eh.. hindi ako marunong lumaban kasi natatakot akong masaktan ka. Kaya imbes na kumapit, binitawan kita. Sorry.. sorry." umiiyak na sabi pa ni Angelou.

Kumalas si Patrick sa yakap nito at pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ni Angelou.

"Ba't ka nagsosorry? Ako tong ginago ka.. ako dapat yung nagsosorry sayo. At ako yung tunay na duwag, boi. Dahil sa sobrang takot kong madisappoint si Daddy, nakalimutan ko na may girlfriend ako na dapat iniingatan ko."

"Boi, sorry dahil hindi kita pinigilang umalis.. naisip ko kasi na baka mas-magiging okay yun para sayo.. na baka in that way hindi na kita masasaktan, hindi kana mahihirapan. Pero in the end, pareho tayong nahirapan."

"Boi miss na miss kita, pero nung malaman kong uuwi ka.. pinanghinaan ako ng loob. Kasi natatakot akong madurog ulit kita dahil sa kagaguhan ko. Boi, ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak, lalong-lalo na kung dahil sakin."

"I wanted to stay away from you.. pero hindi ko napigilan yung sarili ko. I can't deny the fact that.. I still love you so damn much."

Ngumiti si Angelou at pinunasan ang mga luha ni Patrick. "At mahal din kita.. mahal na mahal kita kahit na gago ka."

Dahan-dahang lumapit si Patrick kay Angelou. As she closes her eyes, Patrick sweetly kissed her forehead.

Muling iminulat ni Angelou ang kanyang mga mata. "I promise.. I'll be a better man."

"Wag kanang mangako, baby boi, just do what you need to do."

"Opo.. boss ko-- aww." bigla na namang pinisil ni Angelou ang pisngi ni Patrick.

"Ang cute mo kasi eh! Hahaha- aww." pinisil din ni Patrick ang pisngi ni Angelou.

"Ang cute-cute mo din kasi eh."

"Mukha kayong tanga." napalingon ang dalawa kay Aria at napatigil sila sa ginagawa nila.

"K-kanina ka pa dyan?" nakangiwing tanong ni Angelou.

"Oo, para nga akong nanonood ng movie kanina eh. Grabe kayo mag-dramahan, nihindi nyo napansin na bumalik ako."

"Hindi ka naman kasi nagsasalita." sabi ni Patrick at napabuntong-hininga si Aria.

"So ano na? Kayo na ulit?" tanong ni Aria at nagkatinginan ang dalawa.

"Tayo na ba ulit?" tanong ni Patrick.

Hinawakan ni Angelou ang kamay ni Patrick.

"No matter what happens, there will always be an us."

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now