06

1.1K 16 0
                                    

Angelou the Jologs
Active now

Patrick:
BOOOIII!!

Angelou:
Oh?

Patrick:
Ayos na ba dyan?
Papunta na kasi
kami ni Kyla dyan.

Angelou:
Oo naman.

Sobrang ganda
nga eh. Pero gusto
ko sanang guluhin
kasi demonyita ako.
Char lang, hahaha.|

Patrick:
Nga pala, kanino
ka nagpatulong?
Don't tell me ikaw
lang mag-isa ang
nag-ayos ng lahat?

Angelou:
D naman, hahahaha.
Buti nga tinulungan
ako ni Troy. Ang bigat
pa naman nung lamesa
tapos ang hirap magsabit
ng lights. Buti nalang
ang tangkad-tangkad ni
Troy, ang lakas pa amp.

Patrick:
Si Troy? Ba't
nandyan yan?

Angelou:
Nabanggit ko kasi
sa chat yung tungkol
dun sa surprise date.
Eh nag-insist sya na
tulungan ako. Napa-oo
nalang ako kasi hindi
ko naman kaya mag-isa.

Patrick:
Sana sinabihan
mo nalang si MJ..

Angelou:
May lakad sila
ni Aria eh. Tsaka
ano bang problema
kung si Troy ang
tumulong sakin?
Pasalamat nalang
tayo sa kanya, boi.

Patrick:
Uhm, wala namang
problema. I just feel
uncomfortable. Nga
pala, malapit na kami.

Angelou:
Ah sige, alis na kami
dito ni Troy para
ma-solo nyo isa't-isa.

Patrick:
Ha? Eh saan
kayo pupunta?

Angelou:
Ililibre daw ako ni
Troy. D ko naman
matanggihan kasi
gutom narin naman
ako. HAHAHA.

Patrick:
Wag.

Angelou:
Anong wag?

Patrick:
I mean.. marami namang
pagkain dyan d ba? Dyan
nalang kayo kumain ni
Troy. Sabay-sabay na tayo.

Angelou:
Eh? Okay lang
ba kay Kyla?

Patrick:
Okay lang yun
basta.. dyan ka
lang. Okay ba?

Angelou:
Hmm.. sige.

Patrick:
We're here. Papunta
na kami dyan ni Kyla
sa garden. I'll see you!
Seen

••••••

Tahimik na naka-upo sina Angelou at Troy habang pinagmamasdan yung dalawa na nasa kabilang table, sina Patrick at Kyla.

"AJ.." napabaling ang atensyon ni Angelou kay Troy.

"Aminin mo nga sakin, may gusto ka ba kay PJ?" nanlaki ang mga mata ni Angelou.

Magsasalita palang sana sya nang bigla syang pigilan ni Troy sa pamamagitan ng paglapat ng daliri nito sa labi nya. "Sshh.. sa reaksyon mo palang, halata na ang sagot, AJ."

Tinabig ni Angelou ang kamay ni Troy. "Manahimik ka nga, Troy. Nasa kabilang table lang sila, baka marinig tayo ni PJ."

Napatawa ng mahina si Troy at napa-pout naman si Angelou.

"Bakit ayaw mong malaman nya? Malay mo.. gusto ka rin nya."

"Psh, ako? Gusto nya? Kung gusto nya ako edi dapat ako ang nililigawan nya at hindi yang Kyla na yan no."

Napangiti ng malawak si Troy. "Ang tanga talaga ni PJ. Ang pangit pa ng taste."

Biglang natawa si Angelou ng malakas kaya napatingin sa kanya si Patrick. "Nako, sinabi mo pa, Troy. Hindi ko nga alam kung bakit gusto nya parin ang Kyla na yan samantalang maskapili-pili naman ako."

Habang nagtatawanan sina Troy at Angelou ay napakunot-noo naman si Patrick. "Psh, mukhang ang saya-saya nya ah? She never laughed like that infront of me."

"PJ." tawag ni Kyla kaya napatingin naman si Patrick sa kanya.

"Yes?"

"I think it's time.."

"For what?"

... Sa kabilang table naman.

"AJ." biglang pag-seseryoso ni Troy kaya napatigil si Angelou sa katatawa.

"Ano yun?"

Napalunok ng laway si Angelou at Patrick, naghihintay sa sasabihin ng mga kaharap nila.

"Sinasagot na kita."

"Pwede bang manligaw?"

Biglang napatayo si Patrick kaya nagtataka namang napatingin sina Troy at Angelou sa kanya.

"Talaga?! Sinasagot mo na ako, Kyla?!" napatayo si Kyla at ngiting-ngiti na tumango.

Biglang niyakap ni Patrick si Kyla kaya napaiwas ng tingin si Angelou.

Napansin ni Troy ang pagkalungkot ni Angelou. Aalis na sana si Angelou nang bigla syang hilahin pabalik ni Troy at niyakap.

"Makisabay ka nalang." bulong ni Troy.

Biglang lumapit si Patrick kay Troy at sapilitang kinalas ang pagkakayakap nito kay Angelou.

"Anong ginagawa mo?"

"Bakit, bro? Masama bang yakapin ko rin ang girlfriend ko?"

••••••

Patamaan mo'to
11 minutes • 🌎
Boi ka nang boi.. baka hindi mo alam bae na sya nang bae sa iba.
😂😢❤ 2.9k | Comment | Share

Patamaan mo'to
Taas kamay sa mga naghihintay ng comment nina Angelou at Patrick!
😂👍❤ 1.3k | 986 replies

View more comments...

Hiling [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz