09

1K 15 1
                                    

"Angelou!! Hindi ka parin ba tapos dyan?! Kanina ka pa naming hinihintay, oh?!" sigaw ni Aria mula sa labas habang nakatok sa pinto.

"Teka! Natae yung tao eh, wag mo akong madaliin!" pasigaw namang sagot ni Angelou.

"Kung bakit ba naman kasi ang dami mong kinain kagabi! Eh alam mo namang maaga ang alis natin ngayon!"

"Teka ito na, tapos na ako." narinig ni Aria ang pag-flush ni Angelou sa kubeta at pagkatapos ay bumukas na ang pintuan ng CR.

"Ang baho, couzz!! Nako magustuhan ka pa kaya ni PJ nyan? HAHAH--- aray!" hindi na nakatawa pa si Aria dahil kinurot sya ni Angelou sa tagiliran. "Manahimik ka nga, Aria."

Pagkatapos non ay sabay na silang bumaba at lumabas ng bahay nila Aria. Sa labas ay naka-park ang isang itim na van at isang itim na lamborghini car.

"Woah. Kanino yan?" namamangha na tanong ni Angelou kay Aria nang makita yung black lamborghini.

"Ewan? Baka naki-park lang?"

Biglang bumukas yung pintuan ng van. "Uy, PJ!" bati ni Aria nang makitang naka-upo sa loob ng van si Patrick.

Napalunok naman ng laway si Angelou sa kaba. "Tara na? Sakay na kayo." aya ni Patrick at una namang sumakay si Aria.

Sasakay na rin sana si Angelou kaso may biglang sumigaw. "Babe!"

Napalingon si Angelou sa lalakeng kakalabas lang mula sa lamborghini car. "Uy Troy.. i mean, BABE!" Nilapitan naman ng lalake si Angelou.

"So you own that car? Akala ko naman kung kanino, hahaha." tawa ni Angelou.

"It's my father's gift. So ano? Tara na?" aya ni Troy.

"Ha? Eh.. kasi.." napatingin si Angelou at Troy kina Patrick.

"Oh, bro, nagdala kasi ako ng kotse so.. sakin ko nalang isasabay si AJ." hindi agad naka-imik si Patrick nang mapansin nya na magkahawak ng kamay sina Angelou at Troy.

"Uy, bro, ayos ka lang?"

"Ha? O-oo naman. Sige, ingatan mo yan ha?" napa-smirk si Troy.

"Oo naman, mahal ko to eh. Tara na, babe?"

"Ha? Oo, t-tara na." sagot ni Angelou at magka-holding-hands silang naglakad papunta sa kotse ni Troy.

Pinagbuksan ni Troy ng pinto si Angelou bago sya sumakay sa driver's seat. Pagkatapos non ay umalis na sila papunta sa Lhariya Resort.

Habang nabyahe ay hindi maiwasan ni Angelou na mapatingin kay Troy. "Ang gwapo pala ng lalakeng to kahit puro kalokohan ang alam. Wait what? No, no, no, AJ! Be loyal, jusko."

Nang mahuli ni Troy na nakatingin si Angelou sa kanya ay agad napaiwas si Angelou. Napangiti naman ng malawak si Troy. "Cute."

Sa kabilang banda naman, nakasimangot si Patrick. Napansin iyon ni Aria kaya natawa sya ng mahina.

"Guys! May jellyace dito, hahaha." natatawang sabi ni Aria sa mga kasamahan nila.

"Oo nga! Kita ko nga, hahahaha." sabi naman ni Kurt.

"Psh, manahimik nga kayo!" saway ni Patrick at napuno ng tawanan ang van. "HAHAHAHA."

"Ba't nga pala hindi mo isinama girlfriend mo, PJ?" tanong ni Aria.

"We just broke up."

"HAAA?!!" sigaw ng lahat.

"Seryoso? Bakit? Kailan pa?" sunod-sunod na tanong ni Aiden.

"Joke lang, mahal ko kaya yun." natahimik silang lahat at hindi pinansin si Patrick.

"Uy? Ba't natahimik kayo?" tanong ni Patrick.

"It's just that we don't care. Psh." mataray na sabi ni Aria.

"Alam mo, bro? Ang labo mo." sabi ni Daniel.

"Bakit naman?"

"Lahat kami naniniwalang si AJ ang mahal mo, nagulat nga kami na ginirlfriend mo ulit si Kyla. Ganon ka ba talaga katanga, bro?" singit ni Kurt.

"Just come to think of it, PJ.. niloko ka ni Kyla 3 years ago. And sino yung nasa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo ng kadamay? D ba si AJ? All this time, nasa tabi mo yung babaeng may pake sayo pero anong ginawa mo? Pinili mo parin yung babaeng nanloko sayo." mahabang sabi naman ni Aiden.

Napayuko si Patrick. He felt guilt.

"Ay wag nyo na ngang awayin yung tao! Wala naman tayong magagawa kung si Kyla ang mahal nya tsaka.. mukhang masaya naman si Angelou kay Troy ah?" awat ni Aria.

Napa-smirk si Aria nang mapansin na nawala na naman si Patrick sa mood. "Mukhang effective ang plano nina Troy at Angelou ah."

••••••

Patamaan mo'to
18 minutes • 🌎
When you're fcking jealous but you can't do anything. Sakit non, boi!
😂😢👍 3.5k | Comment | Share

Patamaan mo'to
Taas paa sa mga nakakamiss sa comments ni Angelou Mendoza!
😂❤😢 2.2k | 1.8k replies

View more comments...

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now