21

811 11 0
                                    

"Boi, bakit ba kailangan nating mag-suot ng black cap?" tanong ni Angelou bago sapilitang isinuot ni Patrick ang black cap sa ulo ni Angelou.

"Kasi nga.. trending tayo. Gusto mo bang dumugin tayo ng mga taong nakakakilala satin dyan sa loob ng mall? Tsaka.. kaunting disguise lang naman yan." napangiwi si Angelou.

"Artista na ba tayo, boi?"

"Online celebrities, boi." sagot ni Patrick at bumaba ng kotse, sumunod naman na bumaba si Angelou.

Nagulat si Angelou nang bigla syang hawakan ni Patrick sa kamay. "Uy, ano yan? Ba't may paghawak?!"

"Baka mawala ka eh."

"Ano ako bata?!" angal ni Angelou.

"Basta, gusto ko eh. Pake mo?" pagsusungit ni Patrick at hinila si Angelou papuntang mall.

"Sungit mo ngayon, boi. Meron ka? Hahaha." natatawang tanong ni Angelou at napatigil si Patrick sa paglalakad. Pinitik nya si Angelou sa noo.

"Aray! Makapitik naman to sa noo!" angal ni Angelou habang hawak-hawak ang noo nyang pinitik ni Patrick.

"Manahimik kana lang kasi, sige ka.. hindi kita ililibre."

"Aish, oo na po, Boss.. mananahimik na po ako."

"Good." sabi ni Patrick at muling hinila si Angelou papasok ng mall.

Nang makarating sila sa loob ng mall ay agad tinanong ni Patrick si Angelou. "Saan mo gusto pumunta?"

"Ito naman! Parang hindi ako kilala, syempre sa arcade!" cheerful na sagot ni Angelou at hinila si Patrick paakyat at dumiretso sa arcade.

Una nilang nilaro ang basketball. At dahil nga sa MVP player si Patrick sa basketball, syempre talo si Angelou.

"Psh, edi ikaw na!" nagtatampong sabi ni Angelou nang matalo sya.

Sunod naman nilang nilaro ang Tekken. Mahilig si Patrick sa larong iyon mula pagkabata nya samantalang si Angelou naman ay hindi marunong maglaro kaya talo na naman sya.

"Kabwiset to ah!"

"Panalo ulit! HAHAHA."

Sunod nilang nilaro ang gun game, yung babaril ka tapos mananalo ka ng teddy bear.

Sharp-shooter si Patrick sa larong basketball pero pagdating sa baril, hindi sya marunong dahil hindi naman nya iyon kinahiligan noong bata pa sya. Samantalang si Angelou naman ay marunong talaga bumaril dahil nag-take sya ng lessons.

Napalunok ng laway si Patrick habang pinapanood si Angelou na bumaril. Bawat bala kasi ay tumatama sa target kaya bigla syang nakaramdam ng kaba. "Literal pala akong patay neto kapag n-naging kami."

Napatingin si Angelou sa kanya. "May sinasabi ka?"

"W-wala."

Nanalo si Angelou ng dalawang malaking teddy bear kapalit ng sampong sunod-sunod na tama sa target.

Napansin ni Angelou yung dalawang bata na pinapanood sya kaninang bumaril. "Ate ang galing mo po!" sabi nung batang babae.

"Ate pwede mo ba akong turuan?" sabi naman nung batang lalake.

Napangiti si Angelou. "Salamat ha? Pero hindi ko kasi kayo matuturuan.." sabi ni Angelou at pagkatapos ay may ibinulong. "May date pa kasi kami ng boyfriend ko."

"Boyfriend mo po yan, Ate?" Nanlaki ang mga mata ni Angelou dahil sa lakas ng boses ng batang lalake.

"Ikaw, boi ah.. boyfriend mo pala ako." pang-aasar ni Patrick.

Ibinato ni Angelou ang isang teddy bear kay Patrick. "Ulul."

"Ate, bagay po kayo." biglang sabi nung batang babae kaya namula yung dalawa.

"U-uhmm.. heto! Sa inyo nalang to." sabi ni Angelou at ibinigay ang dalawang malaking teddy bear sa dalawang bata.

"Talaga po, Ate?"

"Okay lang po sa inyo?"

Napangiti si Angelou. "Oo naman. Anong pangalan nyo?"

"Ako po si Angelo." sagot ng batang lalake.

"Ako naman po si Patricia, Ate." sagot naman ng batang babae.

Natawa ng mahina si Angelou at Patrick. Para kasing ginender-bend lang silang dalawa tapos yung dalawang bata ang kinalabasan.

"Mag-kapatid kayo?" tanong ni Patrick at umiling ang dalawang bata.

"Eh ano?" tanong naman ni Angelou.

"Mag-bestfriend po." sabay na sagot ng dalawang bata.

"Sige po Ate, tinatawag na po kami. Salamat po sa teddy bear." paalam ng batang lalake.

"Babye po, Ate, Kuya!" pahabol ng batang babae bago sila tuluyang umalis.

"Ang cute nila no?" biglang sabi ni Angelou habang pinagmamasdan ang dalawang bata na naglalakad paalis.

"Yeah.. they look like our kids." gulat na napatingin si Angelou kay Patrick dahil sa sinabi nito.

"O-our kids?"

"Oo, bakit? Ayaw mo ba akong pakasalan in the future---" nakatanggap ng malakas na batok si Patrick mula kay Angelou.

"Sira ka talaga, boi!"

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now