22

802 15 0
                                    

Nakaupo si Patrick at Angelou sa bench sa isang malawak na garden park habang kumakain ng DQ ice cream.

Pinagmamasdan nila pareho ang kapaligiran. Kakaunti nalang ang mga tao dahil gumagabi na at ang mga street food vendors naman ay nagsisimula nang mag-ayos ng paninda.

Napatingin si Angelou kay Patrick and she saw him smiling. "Ba't bigla kang napangiti? Ang creepy mo."

Natawa si Patrick bago napatingin kay Angelou. "That's exactly what you said a few years ago, boi. Tanda mo?" biglang napaisip si Angelou.

"Ah oo, nung nag-break kayo ni Kyla tapos dito rin mismo sa bench na'to kita natagpuang nagdadrama, hahaha!"

"Yeah.. I was so broke that night, tinatawagan ko pa nga sina Kurt noon kaso lahat sila hindi sumasagot." nagpatuloy si Angelou sa pagkain ng DQ ice cream habang si Patrick naman ay nakatingin sa kawalan.

"Akala ko mag-isa kong lalampasan ang gabing yun. But then.. you sat by my side, nasungitan pa nga kita, samantalang dapat pinasalamatan kita.." napatigil si Patrick at napatingin kay Angelou. "Kasi kung hindi ka dumating nung gabing yun, baka habang buhay na akong nagpakatanga kay Kyla." napatigil naman si Angelou sa pagkain ng DQ ice cream.

"What do you mean?"

"Kasi.. simula nang maging kaibigan kita, nabigyan ako ng bagong rason para maging masaya at ipagpatuloy ang buhay ko kahit wala si Kyla." napatingin si Angelou sa kalangitan at napangiti.

"Boi." tawag ni Patrick at napatingin muli si Angelou sa kanya.

"Ano?" ngiting-ngiti na tanong ni Angelou.

"Masama ba kung.. sasabihin kong gusto ko nang tapusin tong pagkakaibigan natin?" Natulala si Angelou and her smile disappeared.

"A-ayaw mo n-na akong maging kaibigan?" tanong ni Angelou, kaunti nalang at papatak na ang mga luha nya.

"Oo." seryosong sagot ni Patrick.

Natahimik si Angelou at napatingin sya sa malayo.. she's trying to stop her tears from falling.

"Gusto kong tapusin na tong pagkakaibigan natin kasi.." dahan-dahang napatingin si Angelou kay Patrick.

"K-kasi ano?"

"Kasi mahal na kita."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Angelou. "Boi naman eh! Pinaiyak mo pa ako. Pwede mo namang sabihin nalang ng simple, hindi yung pinapakaba mo pa ako."

"Teka.. hindi pa tapos."

"Ha?"

Naagaw ang atensyon ni Angelou nang biglang may magpatugtog, si MJ at ang mga ka-banda nito.

"Remember this song?" biglang tanong ni Patrick.

"It's my theme song, PJ, how can I forget it?"

"Sus, theme song NATIN. Hindi lang sayo, AJ." pagtatama ni Patrick at napa-pout naman si Angelou.

"Wag kanang sumimangot, pagagalitan na naman ako ng buong tropa nyan eh."

"As if para namang nandito sil---" napatigil si Angelou nang makita sina Aria, Kurt, Aiden, Daniel, Kyla, at Troy na nakatayo sa isang gilid, katabi ang banda nina MJ.

Kompleto ang buong barkada kaya biglang kinabahan si Angelou kasi parang may mangyayari.

Biglang tumayo si Patrick kaya napatayo din si Angelou.

"Boi, sorry."

"B-bakit ka nag-sosorry?"

"Cause I've been lying to you since the day we officially became friends." napakunot-noo si Angelou.

"Simula nang maging mag-kaibigan tayo, lagi akong lumalandi sa iba. Maraming babae na ang ipinakilala ko sayo bilang girlfriend ko. But actually.. maliban kay Kyla, lahat ng yun parte lang ng pag-sisinungaling ko sayo."

"Anong pag-sisinungaling naman yan, boi?"

"Pag-sisinungaling na sila ang mahal ko at hindi ikaw." naestatwa si Angelou nang umamin na naman si Patrick na mahal sya nito.

"Kung sila ipinakilala ko sayo bilang girlfriend ko, ikaw boi.. gusto kitang ipakilala sa mga magulang ko, sa mga kaibigan ko, sa lahat ng nagmamahal sakin.. at.." itinuro ni Patrick ang langit. "Sa kanya, kay Lord."

Napakunot-noo si Angelou nang mapatingin si Patrick sa kinaroroonan nina Aria, kaya napatingin nalang din sya doon.

Ang lahat ay sabay-sabay na sumigaw ng.. "Light up the fire!" at biglang may sumabog na mga fireworks sa kalangitan.

Ngiting-ngiti na pinanood ni Angelou ang fireworks pero napaiyak nalang sya nang may mabuong tanong. "Will you be my girlfriend, boi?"

Dahan-dahang napatingin si Angelou kay Patrick.

"Matatanggihan ba naman kita?" automatikong napangiti si Patrick.

"So is it a yes?"

"No." parang nalantang bulaklak si Patrick, he was about to cry nang biglang sumigaw si Angelou.

"Yes na yes kasi, boi!"

"T-talaga?!"

"Oo naman, ikaw pa.. mahal kita eh."

"YES! THANK YOU, LORD!!"

"Sira ka, boi---"

Angelou's eyes widened when Patrick suddenly kissed her.

And for the third time, they kissed sweetly while something's flashing. Not cameras, not the shining stars, but the burning stars.. the mesmerizing fireworks.

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now