34

709 16 0
                                    

Bago bumaba si Angelou ng eroplano ay isinuot nya muna ang black mouth mask nya at isang.. black cap.

Napatigil sya ng ilang sandali. She remembered what happened in the past, yung sapilitang isinuot ni Patrick sa ulo nya ang isang black cap bilang disguise bago sila nag-date sa mall.

Napabuntong-hininga si Angelou bago tuluyang sinuot ang black cap.

••••••

Hila-hila ni Angelou ang isang malaking maleta. Napatigil sya sa paglalakad dahil may nakita syang banner. "Diehard LouRick Fans: WELCOME BACK QUEEN AJ!"

Napangiti si Angelou kahit hindi iyon kita dahil sa suot nyang black mouth mask.

Ibinaba nya ang suot nyang mask at lumapit sa mga taong hawak ang malaking banner.

Hindi agad sya nakilala ng mga ito kaya kung saan-saan parin sila nakatingin.

"Nasaan na kaya si Queen?"

"Oo nga no? Pero sabi kasi nakababa na daw yung eroplano na galing Singapore eh."

Napangiti ulit si Angelou. "Sinong hinihintay nyo?" nagmamaang-maangan na tanong nito.

"Miss, nakita mo ba si Angelou Mendoza sa loob?"

Muling napangiti si Angelou at inalis ang kanyang suot na black cap. "Oo eh."

"OMG!!! QUEEN!!" natawa si Angelou nang mag-sigawan ang mga ito.

"Gaano katagal kayong naghintay dito?" tanong ni Angelou.

"Magdadalawang oras na po, Queen. Hala grabe.. ang ganda mo lalo sa personal!!"

"Oo nga, Queen!"

"Ang ganda nyaaaa!!"

"Thank you, hahaha." tanging sabi nalang ni Angelou.

"Queen, pwede ba kaming magpa-picture?" tanong ng isa.

"Oo nga, Queen! Isa lang." kantyaw naman ng iba.

"Sure." nakangiting sabi ni Angelou at nag-take na sila ng picture.

"Queen, susunduin ka ba ni King?"

"King?"

"Si PJ, Queen."

"Ahh.. hindi eh. Si Aria ang susundo sakin." sagot ni Angelou.

"Queen, bakit kayo nag-break?"

"Uy ano ka ba? Masyadong personal tanong mo."

"Okay lang." nakangiting sabi ni Angelou at napatingin sa kanya ang mga LouRick Fans.

"Nag-break kami kasi.. ayaw ko na masaktan pa.. at ayaw ko na syang pahirapan. In short, nag-break kami for each other's sake." malungkot na napangiti si Angelou at natameme naman ang mga LouRick Fans.

"Nasaan na kaya yung gagang yon?" mula sa hindi kalayuan ay narinig ni Angelou ang boses ni Aria.

"Sige, guys. Nandyan na yung sundo. Thank you sa time, babye!"

"Bye, Queen!!"

••••••

Angelou Jezafinn Mendoza
6 minutes • 🌎
I'm home, bijj. Thank you nga pala sa mga LouRick fans na nag-abang sa airport kanina! Nakauwi ba kayo ng maayos? Kitakits tayo soon, hahaha! Sorry pala sa magulo kong kama. Nagtatalon kasi ako eh.

 Nagtatalon kasi ako eh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

👍❤😮 5.3k | Comment | Share

Danica Reign
Sobrang bait ni Queen sa personal, guys!! Tapos ang ganda-ganda nya! Ang kinis tignan ng balat nya tapos naturally pink yung lips nya! Tapos may pinkish glow yung cheeks nya! Sobrang ganda nya as in superrr!!
👍😮❤ 2.6k | 2k replies
• Angelou Jezafinn Mendoza
Hala fan parin kita? Jusq ikaw pala yung kausap ko!! Thank you!! 😭
• Danica Reign
OMG I just got noticed again!!

Patrick Joseph Salvador
Welcome back, boi. Sana sa buhay ko din mag-comeback ka, hehe. :)
❤👍😂 4.8k | 4.5k replies

View more comments...

••••••

"Shit! Shit, shit, shit! TANGINA MO, PJ!! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME.. LIKE.. SERIOUSLY?!!" nabato ni Aria ng unan si Angelou.

"GAGO, MANAHIMIK KA!"

"GAGO KA DIN, KINIKILIG AKO!!" kilig na kilig na sigaw ni Angelou at pinag-susuntok ang unan.

"Anyare ba at talagang tinotorture mo yang unan, ha?!" tumayo si Aria mula sa kamang kinahihigaan nya at tumabi kay Angelou na nakaupo sa kama nito.

"HALA PUTANGINA!!! HAHAHAHAHA!" kinikilig na natatawang sigaw ni Aria at niyugyog pa ang braso ni Angelou.

"GAGO! HAHAHAHAHA, SHIT." kinikilig rin na sigaw ni Angelou at natatawang niyugyog din si Aria.

Napabuntong-hininga ang dalawa upang makakalma sila. "Replyan mo dali!" pangungulit ni Aria.

"Ha? Eh ano namang sasabihin ko?"

"Sabihin mo labs mo parin sya, HAHAHAH---" nabatukan ni Angelou si Aria kaya napatigil ito sa pagtawa. "GAGA!"

"Eh anong sasabihin mo?"

••••••

Patrick Joseph Salvador
Welcome back, boi. Sana sa buhay ko din mag-comeback ka, hehe. :)
❤👍😂 5k | 4.7k replies
• Angelou Jezafinn Mendoza
Uhmmm.. bakit? KPop Star ba ako para mag-comeback? Hahaha.
• Patrick Joseph Salvador
You might not be a KPop Star but you're my one and only star. :)
• Angelou Jezafinn Mendoza
Grabehan HAHAHAHA.
• Patrick Joseph Salvador
:)

••••••

"You change too fast, couz." biglang sabi ni Aria at dahan-dahang napatingin sa kanya si Angelou na ngiting-ngiti.

"What do you mean?"

"Dati kasi, you look like a lifeless star.. but now? You're shining."

"Well.. a star shines because of the darkness. And that darkness is PJ, my beloved past."

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now