11

980 14 0
                                    

Habang naghahanda ng pagkain sina Angelou at Aria ay hindi maiwasan ni Angelou na mapatingin kina Patrick at Kyla na naglalandian sa swimming pool.

Tinabig naman ni Aria si Angelou gamit ang kanyang pwet. "Ano, couz? Awayin na ba natin?"

"Gaga, girlfriend yan ni PJ, wala tayong laban." sabi ni Angelou at nagpatuloy sa paghahanda ng pagkain.

"Alam mo, couz.. hindi ko talaga maintindihan kung bakit patay na patay ka kay PJ. Bakit hindi nalang si Troy?" biglang tanong ni Aria.

"Gaga ka talaga eh, no? Anong gusto mong gawin ko? Tuhugin ko yung magkaibigan? Loka-loka."

"Hindi naman sa ganon.. feel ko kasi mas-deserve nyo pa ang isa't-isa ni Troy. Bakit hindi nyo nalang totohanin yung pretend ny---" hindi na naituloy ni Aria ang pagsasalita nang bigla syang batukan ni Angelou. "Aray naman, couz! Nakakasakit kana ha, huhuhu."

"Daldal mo kasi."

"Eh seryoso kasi, couz! Wala ka bang nararamdaman kay Troy? Hindi ka manlang ba nagwagwapuhan sa kanya? Hindi ka manlang ba naaakit sa six-pack abs nya?" napalunok ng laway si Angelou.

"H-hindi."

"Sus. Hindi daw."

"H-hindi naman kasi t-talaga."

"Oo na nga lang, hahaha."

"Guys, kakain na!" sigaw ni Aria at nag-ahunan na ang mga kasamahan nilang naliligo.

"Nasaan ang kutsara at tinidor?" tanong ni Angelou.

Napaisip si Aria at biglang napasapok sa kanyang noo. "Sorry, nakalimutan kong magdala, mag-kamay nalang kayo."

"Okay~" sagot ng iba at nagsimula na silang kumain.

Habang nakain si Angelou ay napansin nyang hindi nakain si Troy at Kyla kaya napakunot-noo sya.

"Don't tell me.. hindi kayo marunong mag-kamay?" tanong ni Angelou sa dalawa pero kay Troy tumitig.

"H-ha? Hindi no. M-marunong kaya ak---" hindi na nakapagsalita pa si Troy dahil bigla nalang syang sinubuan ni Angelou ng pagkain.

"Manahimik kana nga lang, hahaha." napatigil ang lahat sa pagkain dahil sa nakita nila.

"Ay ang sweet.. nako bro! Subuan mo na din si Kyla ng pagkain, hahaha!" tawa ni Kurt.

Nagkatinginan si Kyla at Patrick bago sinubuan ni Patrick ng pagkain si Kyla.

Napatigil naman si Angelou sa pagsubo ng pagkain kay Troy. Napansin iyon ni Aria kaya't siniko nya si Angelou. "May nagseselos dit---" hindi na nakapagpatuloy ng pagsasalita si Aria nang bigla syang subuan ni Angelou ng pagkain.

"Isa ka pa eh, manahimik kana lang." mahinang sabi ni Angelou kay Aria.

••••••

Habang naligo ang mga lalake ay magkakatabi namang naka-upo sina Kyla, Aria at Angelou.

Titig na titig naman si Angelou kina Troy at Patrick na nagbabasaan. "Tignan mo nga naman tong dalawang to. Parang kanina lang halos magpatayan na sila sa tingin, tapos ngayon parang mga bading, ang haharot. Jusko, what a weird friendship."

"Ang cute ni Patrick, no?" biglang sabi ni Kyla na katabi si Angelou.

"Cute nga, pero niloko mo." sabi ni Aria kaya siniko ni Angelou si Aria.

"Oo nga eh, but I regretted it. Lalo na ngayon." napatingin si Aria at Angelou sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Angelou.

Napangiti si Kyla. "He love someone else, kahit na sinasabihan nya ako ng I love you, I know na.. it's her whom he really loves."

"Eh? Kung hindi ka mahal ni PJ, bakit ka nya liligawan in the first place?" tanong ni Aria.

"Maybe he's afraid that he'll lose that girl. Or maybe an important connection between them."

"Ano namang connection yun?" tanong na naman ni Aria.

"Friendship." biglang singit ni Angelou sa usapan at natahimik na silang tatlo.

••••••

Patamaan mo'to
9 minutes • 🌎
Sa pag-ibig, mahirap sumugal kung friendship nyo ang nakasalalay.
😢❤👍 3.2k | Comment | Share

Freynan Evangelista
This is so true. Nasira ang friendship namin ng bestfriend ko dahil sa pag-ibig na yan. When we broke up, hindi na kami muling nag-usap pa. She didn't even gave me the chance to explain what really happened that night.
😢👍❤ 783 | 521 replies

Patrick Joseph Salvador
This is exactly the reason why I'm here as her bestfriend and not as her boyfriend. Love is dangerous.
😢❤😮 1.3k | 952 replies

View more comments...

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now