PROLOGUE

5.6K 52 1
                                    

Angelou Jezafinn "AJ" Mendoza, ang dakilang baliw na bestfriend ni Patrick Joseph "PJ" Salvador.

Nagkakilala sila noong 13 yearsold si Angelou habang 14 yearsold naman si Patrick.

Summer noon at nag-outing ang pamilyang Mendoza kasama ang mga kaibigan ng pinsan ni Angelou na si MJ. Patrick was one of MJ's friend and he's also the one who recommended the resort kung saan sila nag-swimming.

Patrick was tall and so is Angelou, he looked cute for Angelou kaya naging crush nya ito. But unfortunately, they didn't have the chance to talk.

The next time they met, nag-improve ang looks ni Angelou, noong unang pagkikita kasi nila ni Patrick ay hindi sya kagandahan.

Akala ni Angelou may pag-asa na sya sa crush nya kaso may girlfriend si Patrick nung mga panahong yun, si Kyla Castro.

She was happy for him tutal hindi pa naman ganon kalalim ang feelings nya kay Patrick, crush nga d ba?

Pero dahil nga sa mapaglaro ang tadhana, nag-break si Patrick at Kyla. Kyla cheated on him, at sobrang nasaktan si Patrick dahil don.

Seating on a bench, sa isang park kung saan walang katao-tao, Patrick was calling his friends but no one answered, and then suddenly.. si Angelou na napagtripan na gumala sa gabi mag-isa, nakita syang naiyak.

Natawa pa sya ng mahina kasi sino ba namang lalake ang magdadrama sa park, d ba? Pero napatigil sya kasi he looked so sad, kaya naisipan nyang tabihan ito.

"Okay ka lang?" napatingin ang umiiyak na si Patrick kay Angelou.

"With these tears falling on my cheeks, mukha ba akong okay?"

"Ang sungit naman nito, isumbong kaya kita kay Kuya MJ?"

"Paano mo nakilala si MJ? At sino ka ba?" tanong ni Patrick.

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Itatanong ko ba kung oo?" napabuntong-hininga si Angelou. "Iba talaga kapag bad mood, ang sungit kahit sa babae!"

"Ay teka!" agad na kinuha ni Angelou ang glasses nya, isinuot nya iyon at pinalobo nya ang pisngi nya para mag-mukha syang mataba.

"Ah! Ikaw si chubby cheeks!" muling inayos ni Angelou ang itsura nya.

"Chubby cheeks?"

"Oo, ang cute mo kaya nun. Ang taba-taba ng cheeks mo, hahaha." Nanlaki ang mga mata ni Angelou at napaiwas ng tingin.

"Okay ka lang?" tanong ni Patrick at muling napatingin sa kanya si Angelou.

"Bilis mo naman makalimot? D ba ikaw tong hindi okay?" napayuko si Patrick at nag-simula na namang tumulo ang mga luha nya.

"Care to explain?"

"My girlfriend cheated on me, and then.. we broke up."

"HAHAHAHAHA!" nagtatakang napatingin si Patrick kay Angelou nang bigla itong humalakhak ng tawa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Duh! Malamang magbrebreak kayo, wala naman kasing forever. Tsaka okay na yan, magmumukha ka lang tanga kung tatanggapin mo parin sya kahit alam mong niloko ka nya."

"Why? Everyone deserves a second chance."

"Oo, sabihin na nating everyone deserves a second chance nga. Pero tanga ka parin.. tanga sa pag-ibig."

Biglang napangiti ng malawak si Patrick kaya nagtaka naman si Angelou.

"Ba't bigla kang napangiti? Ang creepy mo."

"Masaya ka kasing kasama. Want to be friends with me?" sabi ni Patrick at naglahad ng kamay.

Napatitig si Angelou sa kamay ni Patrick. "Is this the chance I've been wishing for?"

Tinanggap ni Angelou ang kamay ni Patrick. "Sure, let's be friends."

And that day, noong wasak ang puso ni Patrick Salvador, he officially became friends with Angelou Mendoza.

As time passes by, their friendship grows stronger and Angelou's feelings became deeper.. hanggang sa dumating yung panahon na alam nya na sa sarili nya na mahal nya ang boy bestfriend nya, hindi lang gusto.. kundi mahal, mahal na mahal.

Pero anong mangyayari if bumalik si Kyla Chain Castro sa buhay ni Patrick? Tapos bigla pang sisingit itong kabarkada ni Patrick na si Troy Chase San Diego?

Ang tanong..

Will it still be Patrick Salvador? Her boy bestfriend whom she's loving secretly?

Or will it be Troy San Diego? Patrick's friend who insisted to be her pretend-boyfriend?

Author's note:
Every chapter reach 600-800 words only. The following chapters may have chats, calls, character's post, page post and narration.

Walang date or time na sinusundan ang story, laging fast forward pero minsan continuation. Gets ba? Hehe.

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now