17

887 14 0
                                    

"PARTEH! PARTEH!" sigaw ni Angelou habang nagtatatalon katulad ng iba na nasa dance floor.

Mala-music festival pala ang theme ng BFF's Night Event na dinaluhan nina Angelou, halatang mayaman ang sponsor lalo na't sa isang sikat at malawak na bar pala ang venue nito.

It's a perfect event for millennials.

May mga pagkain sa gilid, may mga upuan din sa tabi na hindi naman masyadong nauupuan dahil karamihan ay nasa dance floor. At syempre may bartender's place, but only the 18's and above are allowed to drink. Meron ding VIP Stage sa itaas na para lang sa mga may invitation card katulad nina Angelou.

Everyone is free to come and join the event pero dahil nga sa ginanap ito to celebrate friendship, kailangan nilang magsama ng kaibigan, katropa or kabarkada.

"WOOOOHHH!!" sigawan ng mga tao kasama na si Angelou.

Siniko naman ni Aria si Patrick at inginuso si Angelou na parang lasing na kung kumilos sa dance floor. "Yung future girlfriend mo, lasing na ata, hahahaha."

"Parang ikaw hindi ah?" agad namang nakatanggap ng batok si Patrick mula kay Aria.

"Hindi ako lasin---" hindi na nakapagsalita pa si Aria nang bumagsak na ito at makatulog sa upuan.

Natawa naman si Patrick ng mahina at hinanap ng kanyang mga mata kung nasaan sina Troy at Kyla. "Nasaan na ang dalawang yun?"

Hindi nya na binigyang pansin pa ang paghahanap sa dalawa at tinignang muli si Angelou na nagtatatalon, bago sya uminom ng red wine.

Tinawagan ni Patrick si MJ, kapatid ni Aria. "Bro, sunduin mo kapatid mo dito, nagmamayabang na hindi sya lasing pero heto.. bagsak, hahaha."

"Ha?! Gago bantayan mo yan! Teka, paakyat na ako dyan. Kita mong kakatapos lang namin magperform dito eh."

"Sige-sige, hahahaha." ---endcall

Maya-maya pa ay dumating na si MJ na may dala-dalang gitara. "Gago ka, PJ! Ba't mo hinayaang mag-inom yan? Lagot ako."

"D mapigilan eh, pasensya, hahahaha." sagot ni Patrick.

"Bro, pahiram ng gitara."

"Oh, sige. Dalhin mo nalang bukas." sabi naman ni MJ at iniabot ang gitarang dala-dala nya kay Patrick.

"Nasaan na si Angelou?" tanong ni MJ.

Sa kabila ng kalasingan ni Aria na naka-piggyback ride sa Kuya nya ay nagawa parin nyang ituro kung nasaan si Angelou. "Dun."

Napatingin sina MJ at Patrick kay Angelou na.. "Shit! Teka ako na bahala." agad na tumakbo si Patrick pababa dala-dala ang gitara ni MJ sa likuran nya.

Mukha kasing napapaaway si Angelou, accidentally kasing naitulak ni Angelou yung waiter tapos may isang babae na natapunan ng drinks. Tapos ngayon, kay Angelou nya isinisisi ang nangyari sa kanya. Hindi naman kasalanan ni Angelou na siksikan sa dance floor eh.

"Look what you've done to my dress! Kalandian mo kasi!"

"Psh, ako malandi? Ikaw! Yang itsura mo! Ikaw tong malandi, eh." wala sa sariling sabi ni Angelou sa hindi kilalang babae, lasing nga kasi sya.

"What did you say? Gosh, you're so cheap!" mataray na sabi ng babae.

"Cheap daw.. cheap mo mukha mo!" akmang sasampalin nung babae si Angelou dahil sa sinabi nya pero bago pa iyon tumama sa mukha ni Angelou ay napigilan na iyon ni Patrick.

"Hindi cheap ang girlfriend ko." madiing sabi ni Patrick at binitawan ang wrist ng babae.

"WAAAA!! Si Patrick at Angelou, guys! I found them!" sigaw ng isang babae na mukhang LouRick fan.

"Nasaan?!"

"Nandoon! Inaaway nung isang babae si Queen!"

"Aba gaga yun ah! Sugurin natin!"

Napaatras ang babae nang marinig nya ang sigawan ng mga LouRick Fans. Bago pa sya sugurin ng mga ito ay agad-agad syang tumakas.

Napabaling naman ang atensyon ni Patrick kay Angelou. "Okay ka lang ba, boi?"

Napakunot-noo si Patrick nang biglang ngumiti si Angelou, weirdly.

"Deib ko..." Nanlaki ang mga mata ni Patrick nang lumapat ang mga labi ni Angelou sa kanya.

It was an unexpected kiss and everyone was shocked, while some people were taking pictures of it.

Hiling [COMPLETED]Where stories live. Discover now