Chapter 11

9.5K 170 0
                                    

Xyra's POV


Unti-unting namumulat ang mata ko dahil sa pananakit ng katawan ko. Unti unting nagsink in sa utak ko lahat ng pangyayari. Ang pagkidnap nila sa akin.






Pinipilit kong magsalita pero mahigpit ang pagkakatali ng panyo sa bibig ko.






"hmmpp. Hmpppp." pamimilit ko. Agad na may pumasok sa pinto ng abandonadong kuwarto na ito.







"Gising na pala ang prinsesa. Hahahahahahaha!" sabi ng lalaking hindi ko kilala. May malaking katawan. Nakakatakot ang itsura niya.








"Kamusta, Mahal na prinsesa?" Sagot niya. Agad niyang tinanggal ang tape na nakatakip sa bibig ko.







"Ouch." Narandaman ko ang paghapdi ng pisngi ko dahil sa sampal niya.








"Yan ang dapat sayo!" Sigaw niya sa'kin at tumawa ng parang mangkukulam.








"Walang hiya ka! Palabasin mo ako dito! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Sigaw ko sa kaniya. Agad niya akong sinampal, sa kabilang pisngi ko naman.








Gustong gusto ng tumulo ng luha ko, pero pinipigilan ko. Ayokong makita niya na nasasaktan ako at natatakot. Hangga't maari, gusto kong makita niya na malakas ako.






"Hindi ako mamamatay. Kundi kayong---" Napatigil ang pananalita ng lalaki ng biglang bumukas ang pinto ng kinaroroonan namin ngayon. "Madame."








"Enough with your words." Sabi ng Babaeng pumasok. Naka all black outfit. She's wearing a mask.









Lumapit siya sa'kin at sinampal ang magkabilang pisngi ko. Hindi na mapigilan ng mga luha ko at tuloy tuloy na lumandas sa aking pisngi.








"Layuan mo si Adrian!! Layuan mo ang lalaking mahal ko!!" Sigaw niya.








"H-hindi.."







"Papatayin ko kayong dalawa ng batang nasa sinapupunan mo paghindi mo nilayuan si Adrian!!!" Sigaw niya ng nakapagpatahimik sa'kin.








Lahat yata ng luha bumalik sa mata ko. Feeling ko tumigil ang nasa paligid ko dahil sa mga sinabi niya. Napalitan ng galit at hinanakit ang nararamdaman ko ngayong oras na 'to.









"S-sino ka ba?" Tanong ko. Hindi mapigilan ang panginginig ng labi dahil sa galit.









"Hindi mo na kailangang malaman!! Layuan mo si Adrian!! Layuan mo siya!! Papatayin ko kayong dalawa ng anak mo!!" Sigaw niya ng paulit ulit sa akin.









"Hayop ka!!!! Hayop ka..." Sigaw ko sa kaniya. Ramdam ang galit sa aking boses. Nagsitulo ang mga luha ko dahil sa halo halong mga nararamdaman.









Tumayo siya ng tuwid at pinagpagan ang suot niya na tila ba narumihan. Nilingon niya ang mga tauhan niya at sinenyasan na sumunod sa kaniya, naglakad sila papuntang pinto.









Bago pa man makalabas ang Babae, nilingon niya ako at nagsalita, "Papatayin ko kayong dalawa ng anak mo. Not now, but soon."








Napaiyak na lang ako. Tila ba nawawalan na ako ng pag-asa..








Tulungan niyo ako please, Lord. Tulungan niyo ako. Iligtas niyo kami ng anak ko, Lord. Nagmamakaawa po ako.









Unti-unting nagdidilim ang paningin ko.









Bago pa man ako mawalan ng malay, biglang bumukas ang pinto at nakita ang unti-unting namumuong pag-asa.








Everything went black.

Accidentally Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now