Chapter 1- Saving Zoey

24.3K 445 21
                                    

           

Allison

"Zoey... Can you hear me?" Tanong ko kay Zoey.
Alam kong nandito siya...

"Allie... Nasaan ka?" Tanong niya sa akin. Mahina ang boses.
"Follow the light Zoey... Follow my voice." Ang sabi ko sa kanya.
"Hindi ko makita ang daan."
"Fight it... Get up... Follow my voice... Please hurry."

Nandito na sila... Nakikita ko na...

Tulungan mo kami...
Tulungan mo ako...
Tulong....

Nadidinig ko na sila... Sabay sabay sila...

"Now, move Zoey... Follow my voice... You will see a tunnel... Ganyan Zoey... Follow me."
Bilisan mo Zoey...

I hear screamed somewhere... And I fight it...Zoey needs me.

"Zoey, please... just move... You will still see them pero hindi ngayon... I will help you kung gusto mo sila makausap pero huwag ngayon." Pagmamakaawa ko kay Zoey...

Please Zoey...Kailangan kitang iligtas... Please move...

"Kailangan mo ng bumitaw, Allie." Bulong ni Beth sa akin. Umiling ako.

Kinausap ni Rome si Zoey hanggang sa sumunod siya...

"Rome..." Zoey said.
"Nandito ako." Rome answered.
"Rome, umiiyak ang mga bata..." Unti-unting nagbukas ng mga mata si Zoey.

Napasandal ako sa pader. Nanlalambot ang mga tuhod ko.


"Salamat Allie." Yinakap ako ni Rome.
"She will be fine, Rome." She tapped my shoulder. "Huwag ka ng mag-alala, ligtas na siya."

Nagpakilala si Beth sa kanila. Hindi ko na nagawang ipakilala ang pinsan ko.

I closed my eyes dahil ang daming multo sa paligid ko. Lahat nakatingin sa akin. Sabay sabay silang nagsasalita. Hindi ko maisarado ang utak ko sa kanila.

"Allie, kailangan mo ng umalis ngayon. Hindi ka dapat magtagal sa hospital." Beth said to me.
"Bakit? Ano problema? May masakit ba sayo Allison?" Natanong ni Rome.
"She opened her portal to the spirits para makausap niya si Zoey kanina. Hindi na niya maisasara yun once nabuksan. Maraming spirits dito... Halos kapareho sa isang sementeryo. They will try to talk to her... And it will be... chaos to her." Beth explained.
Pumikit ulit ako and tried to catch my breath.

"Allie, tara na... Sasamahan kita." Yaya ni Beth akin. Umiling ako.
"Kailangan ka pa ni Zoey." I replied.
"Ako ng bahala kay Allison. Okay ka lang maiwan dito Beth?" Tanong ni Carlos.
"Okay lang ako. Si Allie ang kailangan lumayo dito. Lagyan mo siya ng asin sa ulo. It will help." Bilin ni Beth kay Carlos.

"Allison, maraming salamat. Utang namin sayo ito." Sabi ni Rome.
"Wala yun Rome. You will not make it kung nawala si Zoey. And we will lose the two of you. Trevor will be here, huwag kang magwawala. Kausapin mo siya. Meron siyang mahalang sasabihin sayo."

Naglakad kami palayo sa kanila ni Carlos. Nakayuko ako habang naglalakad.

"Allie, okay ka lang ba?" Tanong ni Carlos sa akin.
Umiling ako.
"Bilisan na natin Carlos." Nagmamadali akong naglakad palabas ng hospital.

Halos hinahabol ko ang paghinga ko ng makasakay kami ng kotse ni Carlos.

"Ang putla mo." Sabi niya. Itinodo nito ang aircon at itinapat sa akin.

Tulungan mo kami...
Tulungan mo ako...
Tulong....

Sigaw ng mga kaluluwa na nasa hospital.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Ang hirap nilang ishut down...Hindi ko kayang madinig ang mga paghihirap nila. Tinakpan ko ng kamay ang mga tenga ko saka ako pumikit.

"Allison."
Carlos hold my face and dried my tears...And all of a sudden my mind became calm... I don't hear the voices anymore.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata.
"Let me know how to help you." Carlos asked me. He sincerely asked me.
"Just hold me until I know what to do." My voice sound small and scared.
Tumango si Carlos. "Okay... Let me drive us out here first. Doon muna tayo sa condo ko, okay lang?"
Tumango ako.

Carlos hold my hand while he drive and I never been this calm in my whole life until now.

Allison: Bewitching the Superstar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon