"Ha? Hindi na. Okay na ako dito." sagot ko. Nakakainis kasi, parang ang sweet namin tingnan.

"Nandidiri ka ba sa akin?" tanong nito.

"Grabe ka naman! Akin na nga!" kinuha ko yung ice cream niya at tinikman ito.

"Akin na yang sayo."

"Ha?"

"Yung ice cream mo. Patikim!"

"Sigurado ka? Nadilaan ko na 'to."

"So?"

Wala akong nagawa kundi ibigay yun sa kanya.

"Sarap! Lasang Ice." natatawang sabi nito.

"Baliw!"

Panay lang yung tawa ko sa mga kakingkoyan ni Quinn kaya ayun, hindi ko namalayan na inabot kami ng alas dos ng madaling araw sa pagtambay.







"Oh! Kumusta ang couple?" kantyaw ni Jordan pagdating namin sa kanila.

"Ito... getting stronger." sagot ni Quinn sabay akbay sa akin.

"Kaya pala hindi ka na umuuwi tol." singit ni Kris na nagaayos ng mesa.

"Ilang beses na akong pumunta sa bahay, pagdadaan ko sa inyo lage ka naman wala." sagot ko habang inaabot yung dala naming food kay Angge.

"Alam mo namang nagtatrabaho ako."

"Sabi kasi sayo tigilan mo na yan. Nakakasira mg pagkakaibigan yan."

"Ulol!"

"Ay Ice, nakita ko pala si April last week, nagpagupit pala siya?" salita ni Angge galing sa kusina. Ako naman pilit na iniiwasan tumingin kay Quinn. Ewan ko ba!

"Ha? Hindi ko alam. Two weeks ko ng hindi nakakausap yun." sagot ko.

"Anyare? Nagaway kayo?"

"Hindi naman. Busy lang."

"Sus! Baka may nakabakod?" -Jordan

"Kay April? Sino? Wala naman." sagot ko.

"Sira! Sayo!"

"Uy hindi naman ako selosang girlfriend." biglang sagot ni Quinn kaya napatili yung mga loko. Ako naman kahit ayokong ngumiti, wala eh.

"Oh? Di nga?" -Jordan

"Joke lang guys! Gusto ko lang nakikita si Ice na nagbablush." dugtong nito.

"Ry kapag yang best friend mo na-fall—"

"Eh di sasaluhin ko. Problema ba yun?" putol ni Quinn kay Angge pagkatapos ay kumindat sa akin.

Bigla akong nanigas sa narinig ko. Potek naman Quinn! Wag ka namang paasa!

"Tangina talaga nitong dalawa 'to. Kinikilig ako." -Kris

"Maya na yang landian. Kumain muna tayo. Ice, pwedeng huminga. Napaghahalataan ka." agaw atensyon ni Angge. Inirapan ko lang ito.

Buong gabi, lutang ako dahil sa sinabi ni Quinn. Alam mo yung gusto mo nalang mag-assume na gusto ka rin niya at sabihin yung totoo, pero alam mo rin kasi na lahat yun biro lang sa kanya.







"Good morning!" bati ko kay Quinn. Lage na siyang nauunang gumising sa akin kahit wala namang siyang pasok.

"Good morning pretty girl! Ba't ganyan itsura mo?"

"Sakit ng katawan ko. Tumatanda na yata ako."

"Puro ka kasi trabaho. Mag-off ka naman."

"Kailangan eh."

P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon